Pagsikat ng umaga ay agad kaming nagsibangon at naghanda na para umalis. Nalungkot si sultana Shekannah dahil sa madalian naming pananatili pero hindi na kami pwedeng magtagal pa lalo na't madami na kaming nasayang na araw."Talaga bang aalis na kayo?" sa pangatlong beses ay itinanong ito ng matanda.
"Huwag kayong mag-alala, Shekannah. Kapag napagtagumpayan namin ang aming misyon ay babalik kaming muli dito." Sabi ni Captain Conrad at hinagkan ang matanda.
"Mabuti pa ay ihatid na namin kayo. Delikado dahil baka makita pa kayo ng Rali tribe at kung ano pa ang gawin sa inyo." sabi ni sultana.
"Eh, baka naman kayo ang mapahamak niyan, sultana." nag-aalalang tanong ni Captain Grey.
"Ako ang bahala." kampante namang sagot ni Sultana.
Hindi lang si sultana Shekannah ang naghatid samin kundi halos ang buong angkan niya. Gusto niya kasing masiguro na ligtas kami. Nakarating kami sa mahabang ilog at doon huminto upang gawin ang huling pagpapaalam.
"Hanggang dito nalang. Kabisado niyo pa naman siguro ang daan, hindi ba?" tanong ni Sultana sa tatlong Captains.
"Opo. Mabuti nalang at naisalba ko itong mapa." nakangiting sabi ni Captain Conrad at saka inilabas ang malaking mapa sa bulsa ng kanyang pantalon.
"O, sige. Paalam na. Mag-iingat kayo, ha. Lalo na ikaw.." sabi ni sultana at hinawakan ang aking mukha. "Teka, may ibibigay nga pala ako sa iyo." may inilabas siyang kwintas na may kulay crystal na pendant.
"Suutin mo ito at wag na wag mong tatanggalin. Ito ang magsisilbing proteksyon mo para hindi nila makita ang tunay na kulay ng iyong mata. Magiging itim ang kulay ng mata mo sa paningin ng iba." Aniya at ikinabit ang kwintas sa leeg ko.
"Oo nga noh" nakita ko ang pagkamangha sa aking mga kamiyembro.
"Sige na, tumuloy na kayo." Pagkuwa'y sinabi ng matanda.
Tumango ako sa kanya at nagpasalamat saka sumunod sa grupo na tumatawid na ng ilog. Muli akong lumingon kina sultana Shekannah para sana magpaalam pero napahinto ako ng makita ang pagkasindak sa mukha nito.
"Conrad! Sa likod mo!" sigaw ni Sultana kaya napalingon ako sa kinaroroonan nina Captain Conrad at pati ako ay nasindak sa nakita. May mga taong nakapalibot at humaharang sa amin. Ibang tribo ito base sa kanilang mga histura at pananamit. Sila ang Rali tribe.
Sa isang iglap ay nagkaroon ng gulo. Tinulungan kami ng Haptha tribe upang malabanan ang paparami na ng paparaming miyembro ng Rali tribe. Nagsimulang magsiliparan ang mga pana at sibat. Ang iba naman ay nagsimula ng gamitin ang kani kanilang kapangyarihan.
Sa bandang kaliwa ko ay nakikipaglaban sina Captain Conrad at Captain Akiko kasama pa ng ibang miyembro. Ito ang unang beses na nakita ko si Captain Conrad na ginagamit ang ability niya. Ang cryokinesis. Naglalabas siya ng maliliit at matutulis na yelo na pinapatama niya sa mga kaaway.
Sa kanan ko naman ay sina Captain Grey at Fritz kasama din ng ibang miyembro. Sa di kalayuan ay natatanaw ko si sultana Shekannah na nakikipaglaban sa pinuno ng Rali tribe. At ako naman ay kasalukuyang nakikipaglaban sa dalawang kalaban gamit ang dalawang pocket knives.
"Fuck." Mura ko nang mapagtantong may mga abilities din pala ang dalawang kalaban ko. Ang isa ay may super speed at ang isa naman ay invisibility. Panay ang mura ko sa isip dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit ko silang pinatatamaan pero bigo ako.
Sa sobrang pagkalito at pagkataranta ay nakalimutan kong dumepensa kaya mabilis na nakuha ng isang lalaki ang dalawang armas ko. Siya ang may super speed. Run. Sabi ng isipan ko. Akma na sana akong tatakbo pero nahablot ako ng isa pa at madaliang hinawakan ang mga kamay ko para hindi makawala.
Sasaksakin na sana ako ng isa pang kalaban pero pinatamaan ito ng pana ni Captain Akiko mula sa likuran. Sunod naman niyang pinatamaan ang lalaking humahawak sa akin at sumakto ang palaso sa kaliwang mata nito. Unti-unti lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin hanggang sa bumagsak na ito sa tubig. Ngumiti ako kay Captain Akiko bilang pasasalamat pero binalewala niya lang ako at hinarap ang panibago nitong kalaban.
Kinuha ko ang dalawa kong pocket knives doon sa namatay ng kalaban at nagpatuloy sa pakikilaglaban. "Astrid, umilag ka!" narinig kong sigaw sa akin ng isa kong kamiyembro. Napalingon ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki na may panang nakatutok sa akin. Tumakbo ako para maiwasan iyon pero mukhang mahihirapan akong makaiwas dahil sa sunod-sunod na paglipad ng pana papunta sa akin at isa pa, nakalusong kami sa ilog.
"Aahhh!!" sigaw ko ng maramdaman ang pagtusok ng palaso sa talampakan ko. Sobrang sakit nito. Hinawakan ko ang dulo ng arrow at lakas loob ko itong tinanggal. "Aargghhh" dumaloy ang madaming dugo mula sa talampakan ko.Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa tubig. Tinangka kong tumayo pero natumba ako ulit. Bigla akong nanghina. Fuck. May kakaibang epekto ang pana na tumama sa akin.
Unti-unting lumakas ang pag-agos ng tubig sa ilog at natatangay na ako nito. Pinilit kong nilabanan ang lakas ng agos at ikinumpas ang mga kamay pero mas lalo akong lumulubog sa ginagawa ko. Hindi na ako makahinga dahil sa pumapasok na tubig sa bibig at ilong ko. Unti-unti kong naramdaman ang paglabo ng paningin ko.
Walang anu-ano'y may humawak sa bewang ko at hinila ako pataas. Napaubo ako nang makalanghap ng hangin. "Tangina. Ano bang ginagawa mo?!" Asik sakin ni Fritz na sumagip sakin. "Hindi kasi nag-iingat eh!" ano bang pinuputok ng butsi ng isang 'to? Ginusto ko ba ang malunod?!
Magpapasalamat sana ako pero dahil nainis ako sa sinabi niya ay itinulak ko siya. Tatayo sana ako pero nawalan na naman ako ng balanse at napakapit sa balikat niya. Muli akong napasigaw sa sakit."Fuck. May sugat ka" nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Fritz.
"Oy, teka. Ibaba mo ako!"saad ko ng binuhat niya ako na parang pangkasal.
"Sira ka ba? Kita mong hindi ka na makalakad eh!" sigaw niya sakin at saka naglakad palayo sa ilog.
"Teka, pano na sila?" nag-aalala kong tanong.
Patuloy pa din sa pakikipaglaban ang Paradox group at Haptha tribe laban sa Rali tribe. Nakita ko ang mga sugat na natamo nina Captain Conrad pero iniinda lang nila ito. Si sultana Shekannah naman ay nagsusummon ng mga bato at ipinapatama sa mga kaaway.
"Umalis na kayo dito! Iwan na ninyo kami!" sigaw ni Sultana kina Captan Grey. Pero hindi nila ito pinansin bagkus ay nagpatuloy pa sa pakikipaglaban. "Umalis na kayo! Kaya na namin ito!"
Nagsitakbuhan na ang ibang miyembro ng paradox papunta sa amin ni Fritz pero si Captain Conrad ay patuloy pa din sa pakikipaglaban. "Tara na, Conrad!" pag-aaya ng dalawang Captains sa kanya. Nung una ay ayaw pa nito paawat pero sa huli ay napilit din nila ito.
Tumakbo kami papasok ng gubat nang makitang may mga ilan pang humahabol sa amin. Nagulat ako nang biglang huminto si Fritz at dahan-dahan akong inilapag sa lupa. "Diyan ka lang."sabi niya.
Pumunta siya sa may malaking puno at napasinghap ako ng hinugot niya ito mula sa lupa. Pagkatapos ay ibinagsak niya ito sa lupa bilang harang. Super strength ang kanyang ability.
"Woaahhh" napangangang sabi ni Captain Conrad. "Good idea, bro." Sabi nito at nakipagfist bump pa kay Fritz na alanganin naman nitong tinanggap.
Pagkatapos ay bumalik sa akin si Fritz at muli akong binuhat. "Stop looking at me and close your mouth." walang ekspresyong sinabi nito. Napayuko tuloy ako sa pagkahiya.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...