Chapter XLVIII: Ashes

2.2K 105 2
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na kami at kinabukasan ay agad naming nilisan ang kweba para magpatuloy sa paglalakbay. Habang inaakyat namin ang Mt. Shibu ay mas lalo akong hinihingal. Unti-unti na kasing numinipis ang hangin dahil papataas na kami ng papataas. Kasabay pa ng paghingal ko ay ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Ramdam kong nanginginig ang mga binti ko at nilalamig na rin ang mga kamay ko. Ayokong pangunahan ng isip ko ang tunay na mangyayari dahil baka mabigo lang ako sa huli. Pero hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko na sobrang lapit ko na sa pangarap ko. Malapit na akong makita ang phoenix...

"Astrid..." napatingin ako sa bumasag ng katahimikan-si Fritz. "Ayos ka lang? Kaya mo pa ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman." halos pilit kong sagot. Kahit sa totoo ay hindi naman talaga. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko at pakiramdam ko magkakasakit ako dahil dito. Pero mas gusto ko munang tumahimik at magmuni-muni kahit na alam kong malapit na akong masiraan ng bait kakaisip.

"Gusto niyo na ba munang magpahinga? Tutal mga limang oras na rin naman tayong naglalakbay na walang hinto." sambit ni lola Dita. Hindi pa rin siya kakikitaan ng pagod at mukhang kaya pa niyang maglakabay ng ilang oras, hindi katulad namin ni Fritz na halos namumutla na at ilang minuto pa ay bibigay na.

Tumango na lamang kami at sumunod kay lola Dita na naghahanap ng magandang mapipuwestuhan. Ngunit makaraan ng ilang minuto pa naming paglalakad ay napagtanto naming huminto si lola Dita at muling humarap sa amin. Pansin kong parang may kakaiba sa inaakto niya na nagpakaba sa aking dibdib. Nagkatinginan kami ni Fritz na para bang may hinala na kami sa mangyayari.

"Andito ang ilang miyembro ng tribong Lahar..." aniya ni lola sa pabulong na boses. Dahan-dahan siyang pumunta sa amin habang hawak-hawak niya si Jehd.

Alam na namin ang kanyang nais ipahiwatig kaya nagsimula na din kaming umatras at naglakad pabalik sa dinaanan namin kanina. Delikado ang tribong iyon dahil sobrang mababagsik sila at sa oras na makita nila kami ay malamang gulo na naman ang kahaharapin namin. Hindi kami maaaring makipaglaban sa ngayon lalo na't hindi maayos ang aming kalagayan. Mahina kami at kakaunti lang ang armas na dala kaya wala kaming kalaban-laban sa kanila.

"Lolaaa!!" agad kaming napahinto sa pagtakbo nang marinig ang pagsigaw ni Jehd. Lumingon kami sa kinaroroonan nila at napasinghap kami nang makita si lola Dita na nabihag ng isang kalaban. Camouflage ang kulay ng balat nito at halos nakabahag na. Ang mga kuko nito ay mahahaba at matutulis at may maliit pang sungay sa ulo.

"Jehd, sumama ka na kila Astrid! Iwanan niyo na ako dito!" kahit sakal-sakal na siya ng kalaban ay pilit pa rin siyang nagsalita. Umiiyak naman si Jehd habang tumatakbo patungo sa amin ni Fritz.

"Ate! Si lola! Tulungan natin siya!" humahagulgol na yumakap sa bewang ko si Jehd. Nanginginig ko namang ipinatong sa ulo niya ang aking kamay at marahan itong hinaplos. "Ate, wag natin siyang iwan. Pakiusap gumawa kayo ng paraan.."

Napatingin ako kay Fritz na mukhang nag-iisip ng paraan kung paano maiaalis si lola Dita sa kamay ng kalaban. Kinuha niya ang dagger sa bulsa ng kanyang pantalon at akmang patatamaan ang kalaban. Pero hindi niya magawang ipatama ito dahil sa nahihirapan siyang humanap ng anggulo. Napatingin kami kay lola Dita na nagpupumiglas pa din sa hawak ng kalaban.

"Aaarrrgghhh!!" I flinched and closed my eyes because of what I've seen. Tinakpan ko din ang mga mata ni Jehd upang hindi niya makita ang kalagayan ng kanyang lola.

Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan mayroon ang kalaban. Sa pamamagitan ng paghawak niya sa balat ni lola Dita ay nagagawa niyang masunog ang balat nito. "Fritz, ano nang gagawin natin?!" natataranta kong sigaw sa kanya. Unti-unting kumakalat ang sunog na balat ni lola Dita sa kanyang buong katawan at alam kong hindi ito maganda.

"Kuya Fritz, iligtas niyo po si lola bago pa siya tuluyang maging abo."sambit ni Jehd na patuloy pa din sa pag-iyak. Agad namang tumalima si Fritz papunta sa kinaroroonan nila lola upang sagipin siya.

"Anong ibig mong sabihin??" nakakunot ang noo kong tinanong kay Jehd.

"Cremation. Iyon ang taglay na kapangyarihan ng kalaban. Kaya niyang gawing abo ang lahat, mapatao man o bagay. Oras na mahawakan niya ang isang tao o bagay, mag-iiwan ito ng marka at magkukusa na itong kumalat at magiging abo." paliwanag ni Jehd na nagpagulat sa akin. Delikado pala ang taglay na ability ng kalaban.

Pinagmasdan ko si Fritz na papalapit na ng papalapit sa kalaban at nang makakuha siya ng tiyempo ay ipinalipad niya kaagad ang dagger sa kalaban at sakto namang tumama sa kanyang dibdib. Napabitaw ang kalaban sa pagkakahawak kay lola Dita at galit na galit na sinugod si Fritz. Habang nakikipaglaban si Fritz sa kalaban ay kinuha namin ang pagkakataon upang malapitan ang nakahandusay na si lola Dita. Sunog na sunog na ang kanyang buong katawan at halos hindi na namin siya makilala.

"Lola, wag niyo po akong iiwan. Lumaban po kayo." muling nag-iiiyak si Jehd nang makita ng malapitan si lola Dita.

"Apo, maging matatag ka. Kapag wala na ako, wag mo akong masyadong isipin at wag kang masyadong malungkot. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita, apo." kahit nahihirapan ay nagawa pa rin niyang magsalita.

"Astrid.." baling naman sa akin ni lola Dita. Hinawakan niya aking kamay at sinabing, "Ipapakiusap ko sana sa iyo ang aking apo. Kung ano mang magiging resulta ng iyong misyon, wag mo pa rin sanang pababayaan si Jehd. Kung maaari sana ay isama mo siya sa iyo pagbalik mo sa Pierda."

Hindi ko namamalayang bumabagsak na pala ang mga luha ko. Maski si lola ay umiiyak na din. "Wag po kayong mag-alala, lola. Ako na po ang bahala sa kanya. Hindi ko po siya pababayaan. Pangako.." mariin kong sambit kay lola Dita.

Sa huling pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. Ito ang isa sa mga ngiting hindi ko malilimutan. Ang katulad ni lola Dita ay isang bayani para sa akin. Kung tutuusin, wala naman siyang pakialam sa misyon namin ni Fritz pero tinulungan niya pa din kami at higit ang pa sa pagtulong ang ginawa niya. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para lang sa amin.

Mahigpit kong niyakap si Jehd habang pinagmamasdan ang katawan ni lola Dita na unti-unti nang nagiging abo hanggang sa damit nalang niya ang natira. Wala na siya... Nakakalungkot isipin.

"Tahan na, Jehd. Kung nasaan man si lola Dita ngayon, sigurado akong ayaw niya na nakikita kang umiiyak. Tatagan mo lang ang loob. Wag ka mag-alala, hindi kita pababayaan.." sambit ko kay Jehd upang palakasin ang kanyang loob.

Maraming maraming salamat po, lola. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan at tutuparin ko po ang pangako ko sa inyo..

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon