》 Paunang Salita 《
¤¤¤ Ako ay si Vishkah Krowella, ngunit iilan lang ang nakakaalam ng tunay kong pangalan. Lahat ng tao sa Enrocho ay kilala ako bilang ang 'Enchantress', iyan ang bansag nila sa akin. Ako ay mayroong kakaibang taglay na hindi kailanman maaaaring taglayin ng kahit sino man. Ang mahika. Sa pamamagitan ng aking mahika, kaya kong makita ang hinaharap at ang nakaraan. May kakayahan din akong magbigay ng anak sa mga kababaihang hindi mapagkalooban. At hindi lamang iyon, taglay ko din ang pinakanakakatakot na kapangyarihan sa lahat-dahilan kung bakit kinatatakutan ako ng lahat ng tao. At iyon ay ang magtanggal ng kapangyarihan o 'ability' sa isang tao.
Ngunit itong libro na isinulat ko ay hindi upang ikwento ang pagkatao't buhay ko. Itong librong ito, ay para sa isang taong mas mahalaga kaysa sa akin. Dahil ang taong ito ay makikilala sa buong mundo at magiging parte ng kasaysayan. At alam ko, darating ang panahon na lahat ng tao maging siya ay magtatanong kung paano siya naging kakaiba. Kaya narito ako upang isiwalat ang lahat dahil ako ang lumikha sa kanya.... ¤¤¤
》 S I M U L A 《
¤¤¤ Nakatira ako sa isang liblib na lugar sa isla ng Enrocho. Pinangingilagan ng mga tao dahil alam nila ang taglay na kapangyarihan ko. Mag-isa ako sa buhay ngunit hindi ko iyon ikinalulungkot. Wala sa kanila ang nais na kaibiganin o kausapin man lang ako hanggang sumapit ang isang araw, may isang makisig na binata ang sumubok na ako'y kaibiganin. At siya nga'y nagtagumpay, walang kaduda-kaduda. Agad niya nang nakuha ang loob ko sa kanyang angking kabutihan. Simula noon, nagkaroon na ako ng kaibigan. Ngunit habang tumatagal, hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ang loob ko para sa kanya.
Lingid sa aking kaalaman na isa pala siyang prinsipe. Ang tigapagmana ng Alexander Family. Ang susunod sa yapak ng kanyang haring ama, ang susunod na mamumuno sa islang Enrocho. Walang iba kundi si prinsipe Hybrid. Nagdaan ang panahon kung saan madalang na siyang bumisita sa akin hanggang sa tuluyan na nga siyang hindi nagpakita. Ni anino niya ay hindi ko mahagilap. Hindi ko alam na sa mga panahong iyon ay ganap na pala siyang hari, at mayroon ng asawa.
Bumalik ako sa normal makalipas ng ilang taon. Kahit na minsan ay naiisip ko pa din siya. Akala ko tuluyan nang nawala ang aking pagmamahal kay Hybrid ngunit bumalik ang lahat nang siya'y magpakita. Ngunit sa kasamaang palad, nagpakita siya nga ngunit mayroon nang kasamang iba. At iyon ay ang kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...