Chapter XIV: Meeting the President

2.6K 132 0
                                    


"Saan niyo ba ako dadalhin??" nagmamakaawa kong tanong. Hindi ako gaanong makagalaw dahil sa mahigpit na pagakakahawak sa akin ng dalawang malaking lalaki na kasama ng matanda.

"Huwag ka mag-alala, bata. Hindi ka namin sasaktan basta ba ay hindi ka gagawa ng katarantaduhan." nakangising sinabi nito. Asa pa ba akong sasagutin ako nito ng maayos eh mukha nga itong wala sa katinuan.

Nang nagtagal ay nakaramdam din ako ng pagod kakapiglas kaya hinayaan ko na lamang sila na kaladkadin nila ako palabas ng dungeon. Masama ang kutob ko sa mangyayari dahil ako lang ang inilabas nila sa bilangguan. Paparusahan ba nila ako? Hindi ko maisip kung anong dahilan. Dahil ba ito sa sinabi ko kanina?

Flashback:

"Ang phoenix..."  sambit ng matanda.

"Ilabas ninyo ang babaeng ito." biglang iniutos niya sa kanyang mga kasamahan.Napalunok ako sa narinig. Ako ba ang itinutukoy niya?

Binuksan nila ang rehas at pumasok ang dalawang matitipunong lalaki na malahigante sa laki. Napaatras ako ng mapagtantong ako nga ang kukunin nila. Bakit? Ano bang nasabi kong masama?

"Wag niyo siyang gagalawin."  Pagbabanta ni Captain Grey at hinarangan ang mga lalaking akmang kukuhanin na ako.

"Tumabi ka dyan, bata." sabi ng isang lalaki sabay malakas siyang tinulak ng walang kahirap-hirap. Nakarinig ako ng mga impit na sigaw na nanggagaling sa mga kasamahan ko nang makitang tumama ang katawan ni Captain Grey sa malamig na pader.

Ngunit hindi siya nagpatinag at tumayo ulit ito at saka muling sumugod sa dalawang lalaki. Pinagsusuntok ni Captain Grey ang mga ito ngunit parang walang epekto ang mga suntok niya sa dalawa. Nang muli niyang patatamaan ng suntok ang isa ay nahawakan na nito ang kanyang kamao at walang anu-ano'y ipinilipit ang kanyang braso pagkatapos ay muli siyang ibinalibag. Tumamang muli ang katawan niya sa pader pero mas malakas na ang impact nito. Nanghihina siyang napahiga sa sahig.

"Grey!" sigaw ko ng makita ang kalagayan niya. Dahan-dahang lumapit ang isang lalaki kay Captain Grey at hinawakan ang leeg nito at iniangat pataas. "Tama na! Parang awa niyo na. Wag niyo na siyang saktan. Sasama na ako sa inyo." pagmamakaawa ko.

"H-hindi, Astrid. Hindi ka sasama sa kanila."  hirap na hirap na binigkas ni Captain Grey. Halos mapaiyak ako nang makita ang duguan niyang mukha. Pano niya pa nagagawang sabihin sa akin yan gayong ganyan na ang kalagayan niya? Papatayin siya ng mga ito kapag nagmatigas pa siya.

"Bitawan na ninyo siya! Sasama  na ako sa inyo.." I said in a firm and authoritative voice. Sinunod naman nila ang sinabi ko.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at maingat kong hinawakan ang kanyang mukha. "Wag kang mag-alala, Captain Grey. Hindi ako mapapahamak. Sisiguraduhin kong makakabalik ako dito at pagbalik ko ay makakalaya na tayo. Pangako..."

End of flashback..

"Isakay nyo na iyan." Utos ng matanda at nauna nang sumakay sa driver seat ng owner.

Nang maisakay ako ay agad ng umandar ang sasakyan. Tahimik lang kaming bumabiyahe at habang tumatagal ay unti-unti nang nawawala ang kaba na nararamdaman ko dahil sa mga nakakaaliw na mga tanawin at mga taong nakikita ko.

Kumpara sa bansa namin, mukhang mas simple ang pamumuhay dito sa Melbiya. Simple ang mga bahay at simpleng mga tao na may simpleng pananamit. Siguro dahil sa ang bansang ito ay isa sa mga itinuturing na mahirap at may hindi maunlad na industriya at teknolohiya kung kaya ay ganitong klase ng pamumuhay ang makikita dito. Pero sa tingin ko ay hindi ito mahalaga sa mga tao dito dahil masasaya pa din ang kanilang mga mukha. Nakakatuwa na kuntento sila sa kung ano ang meron sila. Hindi gaya ko...

"Andito na tayo." sabi ng matandang lalaki sabay ipinarada ang sasakyan sa gilid ng isang malaking mansion. Hindi ko akalaing may ganito palang bahay dito.

Nagsimula ng maglakad ang matanda at sumunod naman kami ng dalawa niyang kasama na hanggang ngayon ay mahigpit pa din akong binabantayan.  Pumasok kami sa mansion na hindi man lang humihingi ng permiso sa kahit kanino. Mas lalo akong namangha ng makita ko ang loob. Mukhang mas malaki pa ito sa bahay namin. Sari-saring paintings at mga litrato ang nakasabit sa dingding at kung anu-ano pang mga antiques na palamuti. Para akong nasa makalumang panahon dahil sa mala vintage na ayos ng mansion.

"Andyan ba ang presidente?" tanong ng matanda nang sumalubong sa amin ang sa palagay ko'y mayordoma ng mansiong ito.

"Oh, mang Jun. Bat nagawi ka dito? Oo, andyan si Mr. President." sagot nito sa manipis na boses. Maliit ito at maputi. Palangiti din ito at mukha siyang nasa late 40's.

"Maaari ko ba siyang makausap?"

"O sige. Tumungo ka nalang sa opisina niya."pagkasabi niya ay agad naming inakyat ang hagdanan. Napakadaming kwarto pero dumire-diretso lang kami patungo sa dulo. Alam naman siguro ng matanda ang opisina ng presidente dahil mukhang madalas siya dito.

Marahang kumatok si Mang Jun at saka binuksan ang pintuan. "Magbigay ka ng paggalang sa Presidente ng aming bansa, maliwanag ba bata?" ibinulong nito sa aking tainga bago kami tuluyang pumasok sa loob. Presidente ba kamo ng Melbiya ang pinuntahan namin ngayon? Pero bakit hindi man lang mahigpit ang seguridad sa mansion niya at basta-basta nalang nagpapasok ng kung sinu-sino?

Yumuko sila bilang pagbigay-galang kaya ganun din ang ginawa ko. Nang maiangat ko ang tingin ko ay nakita ko ang isang lalaki na sa taya ko'y asa mid 50's. Nakaupo ito sa swivel chair at humihithit ng tabacco.

"Jun. Bakit parang biglaan ata ang pagpunta dito?" sabi nito saka muling humithit ng tabacco at itinungga pa ang alak na nasa lamesa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sigurado ba silang presidente ito? Sa totoo lang ay mukhang lasenggerong matanda lang ang nakikita ko sa harapan ko. Wala sa hitsura at pananalita nito ang pagiging Presidente. Mahaba ang balbas at buhok nito at ang pananamit nito ay simple lang.

"May maganda akong balita na siguradong ikatutuwa ninyo.."

Kumunot ang noo nito sa sinabi ng matanda "hmm, siguraduhin mong ikatutuwa ko ang sasabihin mo."

"Siguradong-sigurado po ako. Lalo na kung may kinalaman dito ang anak ninyong babae."

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon