Chapter XLVI: We Are One

2.4K 87 0
                                    

"Malapit ka nang matapos sa misyon mo.." sambit ng batang nasa harapan ko na masayang nagpapaduyan-duyan sa swing. Sumalampak lang ako sa damuhan at pumangalumbaba. "Ano kaya kung gumising ka na? Alam mo ba kung gaano ka na katagal na nananaginip?" aniya ng batang lalaki na mukhang nag-aalala na.

Humiga ako sa damuhan at tsaka bumuntong-hininga. Pagkatapos ay malamya kong pinanood ang mga ibong nagliliparan sa kulay asul na kalangitan. "Ayoko nang gumising... Gusto ko munang magpahinga." mahina kong sambit na parang ako lang ata ang nakirinig sa mga sinabi ko.

Pansin kong tumigil na sa pagduyan ang bata at tumayo mula sa swing. Sunod ay inihakbang niya ang kanyang maliliit na paa patungo sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa kanya nang humiga din siya sa tabi ko. Pero binalik ko din ang atensyon ko sa mga ibong nasa himapapawid.

"Kung kailan naman malapit ka na, saka ka susuko." sabi ng bata sa boses na mukhang dismayado.

"Hindi naman ako susuko. Ang sabi ko magpapahinga lang ako." agad ko namang sagot dito.

Gusto ko namang magpahinga, masama ba iyon? Gusto ko munang manatili sa lugar na 'to. Maaliwalas ang paligid at walang ibang tao bukod sa amin ng bata. Malaya akong nakakapagisip-isip. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko dahil walang bumabagabag sakin.

Grabe ang sinapit ko sa reyalidad. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ko ngayon at kung magaling na ba ang mga sugat ko. Pero sana maayos na ako. Kailangan maging maayos ako. Dahil kailangan naming tapusin ang sinimulan naming misyon. Makukuha ko na ang phoenix.. yun nalang ang tangi kong pinanghahawakan sa ngayon. Ang phoenix ang dahilan kung bakit andito ako kaya dapat makuha ko iyon. Kung hindi ko makukuha iyon ay mas magandang mamatay nalang ako. Dahil wala akong mukhang maihaharap sa mga tao sa Pierda pagbalik ko.

"Wala ng panahon para magpahinga, Astrid. Kumilos ka na habang maaga pa dahil kung hindi, ay baka maunahan ka na ng iba.." gulat akong napalingon sa tabi ko at nakitang hindi na ang batang lalaki ang kausap ko kundi isang babae. Yung babaeng nakita ko rin sa panaginip ko noon na nabangga ng tren.

"T-teka, asan na yung bata? B-bakit ikaw na ang nandito?!" nagtataka kong tinanong.

Automatic namang napatawa ang babae sabay sabi, "Baka nakakalimutan mong nananaginip ka lang? Lahat ay imposible sa panaginip."

Hindi ako nakaimik at dahan-dahang napailing sa narinig. Oo nga pala, nasa panaginip lang ako. "At tsaka wag ka mag-alala, ako pa rin naman 'to." nakangiting sinabi ng babae na siya namang ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Ako.." kinilabutan ako nang titigan niya ako ng mata sa mata. Yung mga mata naming magkaparehong kulay berde. "Ang matanda.." sambit niya at napasinghap ako ng unti-unti siyang nag-anyong matanda. Yung matandang lalaki sa panaginip ko noon! "At ang bata.." mas nanlaki ang mata ko nang magbago na naman ang anyo ng matanda at naging bata. "Ay iisa lang..."

"P-paanong, paanong nangyari yon??" hindi ko makapaniwalang sabi. Hindi kaya nililinlang lang ako ng bata?

Imbes na sumagot ay nginitian lang ako ng nagbalik-anyong babae sa harapan ko. "Sagutin mo'ko!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Kailangan mo ng bumalik sa reyalidad." pag-iiba ng usapan ng babae.

"Hindi! Kailangan mo munang sagutin ang tanong ko!" sigaw ko sa kanya na tila kalmado pa din sa kabila ng pagkairita ko.

"Paalam, Astrid! Mag-iingat ka..." At sa isang kisap-mata ay nawala na lang ng parang bula ang babae at nagsimula nang dumilim ang paligid.

Wala akong nagawa kundi napilitang imulat ang aking mga mata. Halos hindi pa ako makadilat ng maayos dahil sa nagbublur pa ang paligid at nag-aadjust pa ang mga mata ko. Pero nang umayos na ang paningin ko ay bahagya na akong tumayo at pinagmasdan ang buong paligid. Doon ko napag-alamang nasa kweba ako.

"Lola! Gising na si ate Astrid!" rinig kong natutuwang sigaw ni Jehd na papasok ng lagusan ng kweba. Sa likod niya naman ay si lola Dita na naging malawak ang ngiti nang makita ako. Sabay silang nagmadaling lumapit sa akin.

"Nako, salamat at nagising ka din! Muntik na kaming mawalan ng pag-asa na mabubuhay ka." tuwang-tuwang sinabi ni lola Dita sabay niyakap pa ako.

"Alam mo ba ate, halos tatlong araw ka ng walang malay. Akala namin hindi ka na gigising eh." saad naman ni Jehd. Ganun na pala ako katagal natutulog? Hindi ko ito namamalayan dahil parang ambilis lang naman ng oras kapag nananaginip ako.

"Pero wag ka mag-alala, magaling naman na ang mga sugat mo at hindi na mataas ang lagnat mo, di gaya nung nakaraan. " dahil sa sinabi niya ay napatingin tuloy ako sa sugat ko sa tagiliran at nakita kong isa nalang itong peklat. Tinignan ko din ang sugat sa binti ko at peklat na rin ito. Wala na rin akong nararamdaman na anumang sakit mula sa mga sugat ko.

"Bakit ang bilis naman po yatang gumaling ng sugat ko??" nagtataka kong tanong.

"Nakakita kasi kami ng magic plant sa gubat na ito kaya agad naming kinuha ang bunga ng halamang iyon. Ang bunga ay mabisa at madaling nakakagamot ng sugat." paliwanag naman ni lola Dita. Napatango naman ako.

Napatikhim ako ng ilang saglit dahil para bang may inaalala pa ako. Nang maalala ko na ay agad akong tumingin kay lola Dita na siya ding napatingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin na may kasama pang ngiti. Para bang alam niya na kung sino ang iniisip ko.

"Andoon siya sa labas..nung nakaraan pa yun hindi mapakali at laging may malalim na iniisip." aniya ni lola Dita sa nag-aalalang tono.

"Bakit ho?" hindi kaya nag-aalala siya para kay Zaira? O baka naman nag-aalala siya sakin? gusto kong matawa sa huling pumasok sa utak ko.

"Hindi ko din alam. Mabuti pa at puntahan mo siya doon." pagkasabi ni lola Dita ay agad ko ngang tinungo ang lagusan ng kweba at hinanap si Fritz.

Naglakad ako ng ilang metro palayo sa kweba para hanapin kung nasaan siya. Napahinto ako sa harap ng isang magandang talon. Bigla nalang nagharumentando ang puso ko nang makita ang anyo ng isang lalaki na naliligo sa ilalim ng rumaragasang tubig. Wala itong pang-itaas at nakatalikod sa akin. Tindig palang, alam kong si Fritz na ito.

May kung anong pumasok sa utak ko na nag-udyok sa akin na lumusong sa malinaw at malinis na tubig. Napahinto pa ako saglit nang mabigla ang katawan ko sa malamig na temperatura pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Para bang nakikipag-karera ito sa akin.

Mas lalo pang lumakas ang pagtibok ng puso ko ng humarap siya. Para akong nabato sa kinatatayuan ko nang masilayan ko ulit ang mukha niya. Napangisi pa ako ng makita ko ang reaksyon niya na para bang nagulat. Ilang minuto kaming nakapirmi sa kinaroroonan namin at walang ginawa kundi ang titigan ang isa't-isa. Walang nagsasalita sa amin at ang tangi lang naririnig ay ang pag-agos ng tubig mula sa itaas at pinakamalakas ata sa lahat, ay ang tibok ng puso ko.

Napakunot naman ang noo ko nang sumilay sa bibig niya ang isang pamilyar na ngiti. Napakapilyo. Napalunok ako nang pinagmasdan niya ang buong katawan ko na para bang wala akong damit sa harapan niya. Doon naman ako natauhan at agad akong napayakap sa dibdib ko.

"Jerk!!" nanggagalaiti kong sabi na siya namang ikinatuwa niya.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon