Chapter XXIV: Nostalgia

2.4K 97 12
                                    

"Ate, bakit po tayo nagmamadali? Tsaka bakit po natin iniwan si kuya Fritz? tanong ng anak ni Dr.Pan na lalaki. Pagkahinto kasi ng karwahe ay hinila ko kaagad palabas ang tatlong bata at nagmadali kaming umalis para iwanan yung gagong lalaking iyon. Naiinis ako. Kung wala lang talaga kaming kasamang mga bata ay binigwasan ko na siya.

"Ano ngang pangalan mo?" tanong ko dito.

"James po." sagot niya naman.

"O James, wag kang gagaya dun sa lalaking yun ah. Wag kang magsasalita ng mga bad words tsaka wag kang magbibisyo." sabi ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko, "Bakit po? Bad po ba yun?" inosente niyang tanong.

"Oo, bad yun." agad ko namang sagot.

"Eh bakit naman po si kuya Fritz? Nagsasalita po siya ng bad words tsaka nag bibisyo pero mabait naman po siya?" sabi naman ng kapatid ni James na si Jai. I scoffed to what she said.

"Oo nga naman." nagulat ako ng nasa tabi ko na si Fritz. Nakangiti pa ang loko. I just rolled my eyes at him. Kinarga ko si Gail at hinawakan ko naman sa Jai gamit ang kanang kamay ko habang si James naman ay nakakapit sa damit ko. Nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa entrance ng perya.

"Baby" malakas na tawag ni Fritz na nagpalingon sa akin.

"Anong sabi mo?!" inis kong sabi dito. Kumukulo na ang dugo ko pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Bakit niya ba kailangang ipagsigawan iyon eh ang dami kayang taong nakakarinig. Iniinis niya ba talaga ako?! Pwes, hindi ako magpapaapekto sa ginagawa niya sakin.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya "What? Ikaw ba?" painosenteng tanong nito. "Si baby Gail yung tinatawag ko, hindi ikaw." natatawang sinabi nito.

Automatic na napayuko ang ulo ko dahil sa pagkahiya. Shit. I think I'm blushing. Bakit ka naman kasi nag-assume na ikaw ang tinatawag, Astrid? Tsaka bakit ka naman niya tatawagin ng ganun? I mentally slapped my face because of embarrassment.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita na naglalakad siya palapit sa akin. What the hell are you doing, Astrid? Bakit ka nakatanga lang? Umalis ka na. Sinisigawan na ako ng utak ko pero parang may sarili atang desisyon ang katawan ko. I can't. Nakamagnet na ata ang mga paa ko sa lupa.

Napapikit ako ng makalapit siya sa akin. I felt like drowning because of his intoxicating smell. Naging pabango niya na ata ang alak. I opened my eyes at nagulat ako ng makita na napakalapit na pala ng mukha niya sa akin. Naaamuse siyang nakatingin sa akin at nakangiti pa. This badass really knows how to play games, huh?

Dahan-dahan niyang kinuha mula sa akin si Gail at para akong nakuryente ng maramdaman ang balat niya na dumidikit sa akin. Fuck. Why am I having this kind of feeling?

"Hey, Astrid." nakabalik ako sa huwisyo ng marinig ang pamilyar na boses na nanggagaling sa likod ko. Lumingon ako nang maramdaman kong hinawakan nito ang balikat ko.

"Captain Grey." Nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng makita siya. Hindi ko alam kung bakit pero sa twing nakikita ko siya ay gumagaan ang loob ko. Nakikita ko kasi sa kanya si Mico.

"Kanina pa namin kayo inaantay. Nasa loob na sila ng perya." sabi niya.

"Tara na." Pag-aaya ko tsaka hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob kasama ng dalawang bata. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Fritz at nakitang nakasunod lang ito sa amin. Nakatingin siya sakin at bumalik ang pagiging cold ng mga mata niya at naging expressionless na naman ang kanyang mukha.

"Asan ba sila?" Tanong ko kay Captain Grey. Tumingin ako sa kanya dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatingin kasi siya sa kamay naming magkahawak. Nang mapagtanto ko iyon ay agad kong binitawan ang kamay niya. Dumistansya ako ng kaunti sa kanya dahil sa sobrang lapit pala namin. "A-asan sila?" nauutal kong tinanong.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon