Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at binalik ko ito muli sa pagkakapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag. Saglit akong nagconcentrate para iadjust ang mga mata ko sa liwanag, pagkatapos ay muli akong dumilat. Doon tumambad sa akin ang isang pamilyar na lugar-ang playground. Ang kaninang tahimik na lugar ay biglang naging maingay. Bigla nalang sumulpot ang tatlong tao sa harapan ko at nagkaroon ng mga batang naghahagikhikan habang naglalaro sa playground.
"Maligayang pagbabalik, Astrid!" sabay-sabay nilang sambit.
"Natutuwa kami at natupad mo na ang misyon mo. Hanga talaga ako sayo!" isang papuri ang natanggap ko mula sa matandang lalaki. Ngumiti siya sa akin at kasabay nito ang pagkislap ng kanyang mga berdeng mata. Kahit naguguluhan ako sa nangyayari ay hindi ko mapigilang ngumiti.
"Akala ko tuluyan ka nang susuko eh." saad naman ng babaeng kaedad ko. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mga mata. Doon ko muling nasilayan ang kanyang kulay berdeng mga mata. Nakaramdam na naman tuloy ako ng kakaiba.
"Si Astrid pa ba! Sa ating lahat, siya kaya ang pinakamatapang!" singit naman ng batang lalaki. Napangiti ako nang makita ang bungi niyang ngipin. "Ang galing-galing mo, Astrid. Tunay mo kaming napahanga.."
Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobra-sobrang papuri na narinig ko. Ang tangi ko lamang magawa ay ngumiti at magpasalamat. Kahit na hindi ko naman alam kung ano ang mga pinagsasabi nila. Anong misyon ba ang sinasabi nila?
"At dahil diyan, magkakaroon tayo ng selebrasyon. Mayroon kaming munting handa para sa iyo..." sabi ng matanda.
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang mga pagkaing nakahain sa nakalatag na tela sa damuhan. Nagtataka kong ibinalik ang tingin sa tatlo at mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang may mga suot-suot silang party hats. Ang bata na nasa gitna ay may hawak-hawak na ngayong isang chocolate cake.
"T-teka, ano bang meron??" hindi ko na napigilang maisatinig ang nasa isipan ko.
Hindi pa din naaalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Nagkatinginan silang tatlo at nagtanguan. Pagkuwa'y sabay-sabay nila akong tinignan. Dahan-dahan, naglakad sila papalapit sa akin.
"Hindi mo ba talaga alam??" napakamot sa batok ang batang lalaki at tumingin sa akin na para bang naaasar na siya. "Double celebration kaya ngayon!" dugtong pa niya.
"Double celebration??"ulit ko sa nagtatanong na tono.
Napatikhim silang tatlo. Para bang nawiwirduhan sila sa inaakto ko. Ngunit kalaunan, nagsalita din ang matanda. "Natapos mo na ang misyon mo, Astrid. Nakuha mo na ang phoenix."
Napanganga ako sa pagsampal ng reyalisasyon. Oo nga pala! Ang misyon ko! "Ano?? Totoo ba ang sinasabi mo? Ako ang nakakuha ng phoenix?!" hindi ako makapinawalang nagtanong.
"Ano bang nangyari sayo? Nagkaamnesia ka ba??" nagtataka namang baling sa akin nung babae. Napaisip ako sa kanyang tanong. Nagkaamnesia ba ako? Bakit ba hirap akong makaalala ngayon??
"Ano ka ba, epekto lang iyan ng mga sinapit niya sa reyalidad. Masyadong madaming nangyari sa kanya kaya siguro siya nagkaganyan. Pero babalik din ang lahat ng kanyang mga alaala sa oras na magising siya." aniya ng matandang lalaki habang ang kanyang mga daliri ay marahang hinihimas ang kanyang baba.
Sa sobrang dami kong gustong sabihin, nauwi din ako sa pagtikhim. Ayoko munang guluhin ang nananahimik kong isip ngayon. Gusto ko munang magpahinga. Pakiramdam ko kasi galing ako sa pagod.
"Mabuti pa kantahan nalang natin siya. Pagbilang ko ng tatlo ah!" pagbasag ng bata sa katahimikan. "One....two.....three!!"
"Happy Birthday to you!
Happy birthday to you!
Happy birthday, happy birthday,
Ha..ppy Birth..day..
To..
You..."
Natapos ang kanta at sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat. Inilapit sa akin ng bata ang cake na may nakatirik ng maliit na kandila sa gitna nito. Ngunit wala kong ginawa kundi ang mapatunganga. Isa-isa ko silang tinitigan sa naguguluhang ekpresyon. Kaarawan ko pala ngayon?? Anong araw na ba?
"Mag-wish ka na..." sambit ng bata sa akin.
Muli ko silang tinignan bawat isa at kitang-kita ko ang pagkasabik sa kanilang mga mukha. Wala akong nagawa kundi ang pumikit. Napabuntong-hininga ako nang wala akong maisip na maaaring hilingin. Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Ano ba ang importanteng hilingin? Kalaunan ay humiling na lamang ako ng karaniwang hinihiling ng lahat, tutal hindi naman yata totoo na kapag nagwish ka ay magkakatotoo ito.
Pinagdaop ko ang aking mga kamay at nagsimulang humiling, "Sana maging maayos na ang buhay ko kapag nagising na ako." Pagkatapos kong humiling ay ibinukas ko na ang aking mga mata. Sabay-sabay naman silang nagpalakpakan at binigyan ako ng mga ngiti.
"Tara kain na tayo!" sambit ng batang lalaki ngunit bago pa sila tuluyang umalis ay napigilan ko na sila.
"S-sandali.." sambit ko kaya naman napatingin silang tatlo sa akin. Mataman kong pinagmasdan ang kanilang nagtatakang mga mukha. Ito na ang pagkakataon kong itanong ang matagal ko nang gustong malaman...
"Sino ba kayo?? B-bakit ko kayo nakikita palagi sa panaginip ko?" punung-puno ng kuryosidad kong itinanong. Nakita ko ang pagbabago sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha. "At tsaka, ano yung sinabi niyo sa akin noon na... kayo ay 'iisa' lang?" kahit hindi ako sigurado ay itinanong ko pa din ito. Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng ito.
Nagkatinginan silang tatlo at muli, nag-usap na naman sila gamit ng kanilang mga mata at isip. Napatikhim ang babae at ang bata habang ang matandang lalaki naman ay marahang lumapit sa akin.
"Totoo ang sinabi namin sa'yo, na kami ay iisa lang.." panimulang sabi niya. "Ah teka, mali. " napataas ang kilay ko nang bawiin niya ang sinabi niya.
"Hindi lang pala kami. Ikaw. Tayo. Ay iisa lang." Mas lalo ata akong naguluhan sa sinabi niya.
"Huh? Paanong 'ako' at kayo ay iisa? Pinagloloko niyo ba ako??" may halong pagkairita sa tono ko. Gusto ko ng matinong sagot pero bakit ito ang nakukuha ko mula sa kanila??
"Akala ko ay madali mong mapagtatanto ang lahat." nabaling ang atesyon ko sa batang nagsalita. "Ibinigay na nga sayo ang clue eh-ang mata. Pero bakit hindi mo pa rin makuha??" hindi ko makuha. Hindi ko na talaga maintindihan!
"Our eyes are connected to our soul." malumanay na sambit ng babae. Kinilabutan ako ng marinig ang kanyang sinabi. "Ibig sabihin, kung parehas ang ating mga mata, edi iisa lang ang ating kaluluwa. Our spirits are one, Astrid. Hindi mo ba nararamdaman?"
Para akong nawala sa huwisyo nang marinig ko ang paliwanag ng babae. May parte sa akin na unti-unti nang naliwanagan ngunit mayroon pa ding parte sa akin na naguguluhan. Oo, may nararamdaman ako kapag nakikita ko ang kanilang mga mata. Kaya pala nakakaramdam ako ng pamilyaridad at pagkakakilanlan. Pero hindi pa din klaro sa akin ang lahat.
"Eh bakit yung ibang tao, natural lang naman na magkapare-parehas ang kulay ng kanilang mga mata. Ibig sabihin ba noon ay iisa lang din ang kaluluwa nila?"
"No. Silly!" natatawang sambit ng bata. "Iba ang kulay ng mata natin sa kanila, Astrid. Tayo lang ang may kulay berdeng mata dito sa mundong ito. Dahil kakaiba tayo.. Gawa tayo sa kapangyarihan at mahika. Nilikha tayo ng Enchantress."
"Enchantress?!" napasinghap ako sa isiniwalat ng bata. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon. Pero mas nangibabaw dito ang pagtataka. Oo. Naguguluhan pa din ako. Ramdam kong uhaw na uhaw na ako sa kaalaman. Gusto ko nang malaman ang lahat ng buong pagkatao ko. Gusto ko nang malaman ang katotohanan sa likod ng misteryong ito. Gusto ko nang malaman kung sino talaga ako...
"Sa palagay ko, panahon na." Napatingin ako sa matanda na bahagyang tumingin sa kanyang orasan.
"Panahon na ano??" kunot-noo kong tanong. Pero nagulat ako nang bigla nalang silang naglaho. Napuno ng katahimikan ang buong paligid at muli na namang bumalik sa kadiliman ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasíaThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...