"Kamusta ka na? Alam ko, malapit ka na sa misyon mo." nakangiting sinabi ng batang lalaki sa akin. Nananaginip na naman ako. "Pero paano naman ang mga clues na ibinigay ko sayo? Alam mo na ba ang ibig sabihin nung mga salitang iyon?"dugtong niya na ang ipinapatungkol ay ang mga salitang binigay sa akin ng phoenix sa aking panaginip.
Marahan akong sumunod sa batang lalaki na seryosong naglalakad papunta sa isang ilog. Nang makalapit kami doon ay sinulyapan ko ang repleksyon ko sa malinaw na tubig. Tinignan ko ang buong katawan ko ngunit wala naman akong kagalos galos at mukhang hindi naman ako nalunod at nakuryente. Ganito kaya ang histura ko pag gising ko?
Teka... "Kailangan ko nang gumising, baka kung ano nang nangyayari sa akin sa realidad!" natataranta kong saad. Ano kayang nangyayari sa akin ngayon sa totoong buhay? Iniwan ba nila ang katawan kong nakalutang sa ilog? Nananaginip lang ako kaya ibig sabihin nito ay buhay pa ako.
"Sige, sa susunod na pagkikita. Mag-iingat ka na sa susunod..." sabi ng bata at nagsimula na lang itong naglakad papalayo habang kumakaway. Nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa hitsura ko sa salamin.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang buong paligid ng mga ilang minuto. Pagkatapos ay idinilat ko na ang aking mga mata. Doon tumambad sa akin ang mukha ni Fritz na mariing pinupunasan ang aking mukha ng maliit na basang tela.
Mataman ko lang siyang tinitignan habang seryoso niyang sunod na pinunasan ang aking braso at mukhang hindi man lang niya napansing gising na ako. "F-fritz..." sambit ko sa malapaos na boses. Akala ko hindi niya ako narinig ngunit agad naman siyang napatingin sa akin. Ang kaninang walang ekspresiyon niyang mukha ay biglang nagliwanag. Napangiti tuloy ako...
"Astrid..." sambit niya sa pangalan ko na hindi ko alam kung bakit napalundag nalang basta ang puso ko nang marinig ang boses niya. "Salamat at nagising ka din." rinig ko sa boses niya ang pag-asa. Siguro inakala niyang patay na talaga ako. Akala ko rin katapusan ko na pero napakaswerte ko talaga dahil binigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay.
I smiled weakly. Pagkatapos ay bahagya akong umupo mula sa kinahihigaan ko. Napamura ako ng mapagtantong hindi ko pa gaanong maigalaw ang dalawa kong binti at parang namamanhid pa ito. Agad namang lumapit sa akin si Fritz upang alalayan ako.
"Kaya mo ba? H'wag mo munang pilitin, baka mas lalong lumala ang pakiramdam mo." pagsuway niya sa akin na para bang mas matanda siya sa akin kung umasta. I mentally scoffed because of his expression. Mataman ko siyang tinignan sa mata ngunit bigla naman siyang umiwas. What's up with him and why is he acting weird right now?
"Asan ang mga tribong kumuha sayo? Akala ko ginawa ka nilang pang-alay pero nakita lang kitang nakahandusay sa matinik at madamong parte ng kagubatang ito." pag-iiba ng usapan ni Fritz na siya namang nakuha ang atensyon ko.
"A-anong tribo? Walang kumuhang tribo sa akin, Fritz." naguguluhan kong sabi. Saan niya naman nakuha ang ideyang iyon. Saglit akong nag-isip at biglang pumasok sa isip ko ang tunay na nangyari kagabi.
"Sabi nila Brix inatake daw kayo ng mababagsik na tribo. Napatay ka daw nila at kinuha upang ipang-alay. Mabuti na lang at hindi ako agad naniwala at bumalik dito para hanapin ka.."
"Hindi yun ang totoo! Sila ang nagtangkang pumatay sa akin!" hindi ako makapaniwalang may masama pala talaga silang balak sa amin. Sana nga sinunod na lang namin ang sinabi sa amin ni Captain Akiko. Napakasama nila...
"Ano?!" bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi rin siguro siya makapaniwalang traydor sina Brix at Zoe. "Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala kakaiba ang mga kinikilos nila."
"Asan na ang Paradox group??" agad kong naitanong nang bigla kong naalala. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita kong nasa kagubatan pa kami ngunit kaming dalawa lang ang nandito. Asan ang iba?
Tumikhim siyan saglit bago ako tuluyang sagutin, "Umalis na sila, Astrid."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano?! Bakit? Hindi man lang ba nila ako sinubukang hanapin??" sumikip ang dibdib ko.
"Sabi kasi nung dalawang hayop na iyon, patay ka na at ang akala nga namin ay may tribong aatake din sa amin. Kaya napagpasyahan nila Conrad na umalis na.." Si Grey, ano kayang reaksiyon niya? Naisip man lang ba niya akong hanapin at alamin kung patay na nga talaga ako? Hindi ko agad napansing may nagbabadya na palang mga luha sa mga mata ko kaya hindi ko ito agad napunasan nang nagsituluan ang mga ito.
Masakit palang maramdaman na parang hindi ka naman mahalaga. Parang naging isa lang ako sa mga namatay naming kagrupo noon na basta na lang naming iniwan kung saan ito namatay. Nakalimutan kong kompetisyon nga pala ito. Mas uunahin mo talagang isipin ang sarili mong buhay kaysa sa iba.
Mataman akong napatingin kay Fritz na marahang pinupunasan ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ko. "... Eh ikaw.." aniya ko. Nagtataka naman niyang iniangat ang ulo niya para tignan ako. "Bakit andito ka? Bakit mo'ko pinuntahan? Bakit hindi ka sumama sa kanila?" sunud-sunod kong itinanong.
Mukhang nabato siya sa kanyang posisyon. Iniwas na naman niya ang kanyang tingin sa akin at para bang nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong ko. "Sira ka ba? Bakit naman ako sasama sa kanila eh sayo lang naman ako binilin ng ama ko? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito eh kaya malamang hahanapin talaga kita."
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napayakap sa kanya. "Thank you, Fritz. Kung hindi mo siguro ako hinanap ay baka tuluyan na nga akong namatay dito." naramdaman ko ang marahang paghimas niya sa aking likod. Napapikit ako ng dahil sa ginagawa niya. Ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko ligtas ako..
Kahit gusto ko pang tagalan ang pagyayakapan namin ay pinilit ko pa ding labanan ang sarili ko kaya agad din akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Sakto namang nagtama ang aming mga mata. Don't look away, Fritz. Hindi niya naman inalis ang pagkakatitig niya sa akin hindi kagaya ng ginawa niya kanina.
"G-galit ka pa ba sa akin?" hindi ko naiwasang maitanong. Paano niya pa ako nagawang iligtas matapos ang mga masasakit na sinabi ko sa kanya noon? Gusto kong malaman...
"Oo." bigla naman siyang bumalik sa pagiging cold. Pagkuwa'y tumayo na siya sa at nagsimulang maglakad papalayo sa akin. "Kapag magaling ka na, asahan mong mag-iiba na ang pagtrato ko sayo.." at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit noong narinig ko iyon ay imbes na malungkot ay napangiti pa ako. Nag-aalala pa din siya sa akin..
------
Dedicated to miss IamtheOrangeRoyalty :D
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...