"Fritz!!" muli kong isinigaw ang pangalan niya. Pero alam kong hindi niya ako pakikinggan. Hindi niya na ako pinakikinggan, di gaya ng dati.
Lumingon ako kila lola Dita na nag-aantay sa amin. Pagkatapos ay tinalikuran ko sila at iika-ikang naglakad papunta kay Fritz. Napapikit ako dahil sa sakit lalo na kapag nararamdaman ko yung malamig na bala na nakabaon sa binti ko. Pero ininda ko lang iyon at pilit na tinatahak ang kinaroroonan nila Zaira at Fritz.
"Fritz, parang awa mo na. Umalis na tayo.." pakiusap ko sa kanya. Ni hindi man lang niya ako magawang lingunin. Hindi ko tuloy alam kung narinig niya ba ako.
Naglakad pa ako ng kaunti ngunit nung malapit na ako sa kanya ay mayroon na namang humarang sa akin na kalaban. Saglit akong napahinto at napatingin sa lalaking kalaban ko at nararamdaman ko ang paunti-unting pag-atras ng aking mga paa. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang makipaglaban. Pero hindi ko lang alam kung hahayaan ba ako ng kalaban ko na takbuhan siya.
"Fritz, umalis na kayo! Susunod ako!" rinig kong sambit ni Zaira kay Fritz sa gitna ng gulo. Sana sundin niya naman ang sinabi ni Zaira sa kanya.
Napasinghap ako ng tutukan na naman ako ng baril ng lalaking nasa harap ko. Pero lumuwang din ang pakiramdam ko nang makita ko si Fritz na papalapit sa amin at walang anu-ano'y inagaw ang baril ng kalaban ko. Hindi kaagad nakapalag ang kalaban dahil sa agad siyang binalibag ng malakas ni Fritz at pagkatapos ay sinuntok pa siya ng sobrang lakas sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang pagkawalan ng malay.
Napapitlag ako ng bigla nalang akong binuhat ni Fritz at napakapit pa ako ng mahigpit sa kanyang mga matitigas na balikat nang patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan nina lola Dita. Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Diretso lang ang kanyang tingin sa daanan kaya naman malaya akong pagmasdan ang kanyang mukha. Para akong nawawala sa sarili habang tinitignan siya. Naghaharumentado na naman ang puso ko.
"Stop looking at me and close your mouth." napakurap ang mga mata ko nang magsalita siya sa seryosong tono. Hindi ko namalayang ngumingisi na pala ako. Kinausap niya akong muli...
Nang makalapit kami kina lola Dita ay pinauna nila kaming papasukin sa portal at pagkatapos ay sumunod din sila kaagad. Lumingon ako kay Jehd na unti-unti nang sinasara ang portal kaya saglit kong tinignan ang sitwasyon sa kabilang lugar kung saan patuloy pa din sa pakikipaglaban si Zaira sa mga tiga-Romanesce district. At sa isang iglap ay nawala nalang ang portal na parang bula. Ngayon ay nasa isa na kaming patag ngunit madamong lugar. At tanaw na tanaw ko na ang isang malaking bundok sa harapan namin. Ang Mt. Shibu.
"Susunod din siya, iho. Magtiwala ka sa kanya.." narinig kong sabi ni lola Dita kaya naman napalingon ako sa kanya. Doon ko nalamang kinakausap niya pala ang tila frustrated na si Fritz. Alam kong nababahala siya ngayon para kay Zaira. Siguro sinisisi niya ang sarili niya dahil iniwan niya ito.
"Kayang kayang talunin ni ate Zaira ang mga iyon, kuya Fritz. Anak kaya siya ng pinuno ng Valiente group." sambit naman ni Jehd na mukhang na pinapagaan ang loob niya.
Hindi ko nagawang makapagsalita dahil wala naman talaga akong masabi. Naiinis din ako sa sarili ko dahil ang sama ko, hinayaan ko ding maiwan si Zaira doon na mag-isang nakikipaglaban. Pero hindi ko iyon ginawa dahil may galit ako sa kanya o ano pa man. Ginawa o iyon dahil iyon ang kailangan. Dahil may misyon pa din kami at yun ang gusto kong maalala ni Fritz.
Napatingin ako kay Fritz nang makitang tinitignan niya ako. Hindi ko mawari kung ano ang ekpresyong ipinapakita niya sa akin. Hindi ko din mabasa ang nasa isip niya. Basta ang alam ko lang ay nakatulala ako at nagapapalunod sa malalim niyang pagtitig sa akin. Mas nabato pa ako sa kinatatayuan ko nang maglakad siya papalapit sa akin. Tsaka lang ako nakabalik sa huwisyo nang inangat niya hanggang sa may tiyan ko ang pangitaas kong damit para tignan ang sugat ko sa tagiliran. Fuck! Naramdaman ko na naman ang kirot at hapdi ng sugat ko.
"Fuck!" narinig kong sigaw niya na nagpaaligaga naman kay lola Dita. Kahit ayoko sana, ay napatingin din ako sa sugat ko at halos manghina ako nang makitang tanggal na ang pagkakatahi dito at mukhang mas lumaki pa ang sugat. Dumagdag pa sa sakit ang tama ng baril ko sa binti. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa sobrang sakit.
"Kailangan muna natin siyang gamutin bago tayo magpatuloy sa paglalakbay. Delikado lalo na't marami nang nawalang dugo sa kanya." natatarantang saad ni lola Dita.
"Lola!" sigaw ni Jehd na hinhingal sa pagtakbo. "May natagpuan akong kweba sa banda roon. Walang mga tao doon kaya sa tingin ko, pwedeng doon muna tayo pansamantalang tumuloy."
"Tara na. Wag na tayong mag-aksaya ng oras." aniya ni lola Dita. Tumango naman kaming dalawa ni Fritz at muli niya akong binuhat. Nagsimula na siyang maglakad kasabay sina lola Dita samantalang ako naman ay patuloy pa din sa paghikbi.
"You'll be alright, Astrid. Just keep holding on..." rinig kong bulong ni Fritz sa akin sa gitna ng aking pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit gumaan kahit papaano ang loob ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pero yung mga insekto sa tiyan ko nagsimula na namang magwala.
Ilang minuto lang ang itinagal ng paglalakad namin at narating din namin ang tinutukoy ni Jehd na kweba. Malaki ito at nang pumasok kami ay wala ngang mga tao sa loob. Maingat at dahan-dahan akong inilapag ni Fritz sa sahig at ipinasandal sa malamig na pader.
"Dito muna kayo, iho. Kukuha lang kami ng mga dahon na pwedeng ipanggamot sa kanyang sugat. Maghahanap na din kami ng makakakain at maiinom." sambit ni lola Dita at saka muli na naman silang umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Fritz sa kweba. Halos nanghihina na akong pinagmamasdan siya habang mataman niyang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi. Hindi naman na ako umiiyak ng malakas kagaya ng kanina dahil sumasakit na ang mga mata ko at nauubusan na din ako ng lakas. Ayokong ibuhos lang ang natitira kong lakas sa pag-iyak ka pinigilan ko na ang sarili ko.
"I'm sorry..." mahina niyang sambit. Ngunit sapat na para marinig ko ito. "I'm sorry I didn't protect you like I promised you. I'm so sorry, Astrid." his voice was carressing my ears. It was like a music. Marinig lang ang boses niya ay hindi ko na magawang magalit sa kanya. Hindi ko na magawang sabihin kung gaano niya ako sinaktan nung nag-iba ang pagtrato niya sakin. Nung sinabi niyang mahal niya si Zaira. Tapos nung sinabi niya sa aking gusto niya ako. Pero ang sabi niya, gusto ka lang nya, Astrid. Hindi ka niya mahal.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...