Chapter XVII: Leaving the Mansion

2.5K 114 1
                                    

"Wag ka sanang magalit, iha. Alam kong binigyan kita ng magiging sakit sa ulo pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para maturuan ko siya ng leksiyon. I know that you can handle my son. I believe in you..." sabi ni President Mcewen.

Nandito kaming muli sa opisina niya upang pag-usapan ang tungkol sa pagsama sa akin ng anak niya. Ayoko. Ayokong pasamahin ang anak niya pero hindi ako makatanggi. Lalo na't may binigay na naman siya saking kondisyon. Bukod sa palalayain niya ang mga kasamahan ko ay ipahahatid niya pa kami sa Enrocho sakay ang private airplane na pagmamay-ari nito at bibigyan niya pa kami ng mga armas at iba pang bagay na magagamit namin sa paglalakbay.

I beacame silent for awhile because I was weighing my options. Pero sa huli ay mas nananaig pa din sa isip ko ang pagpayag dahil mas madami itong advantages. Ang tanging problema lang naman kapag sumama ang anak niya ay ang pagiging pasaway nito. But the question is, can I really handle that jerk?

"Ano, iha. Payag ka na ba?" sa pangatlong pagkakataon ay tinanong ako nito.

"Ayos na po sakin. Pero ang problema ay kung papayag ba ang anak ninyo. Mabuti ay siya ang tanungin niyo." sagot ko.

"Ayaw man niya o hindi, wala siyang magagawa dahil ako ang masusunod." Sabi niya at pagtango lang ang tugon ko. "... so I guess we're okay now. Tuloy na ang deal." Bahagya siyang tumayo at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito at nakipag shakehands.

"Bukas na bukas din ay palalayain ko na ang mga kasamahan mo at ipahahatid ko na kayo sa isla Enrocho, pero sa ngayon ay dito ka na muna magpahinga at magpalipas ng gabi."

"Opo. " sabi ko at nagpasalamat sa kanya.

Pagkatapos ng usapan namin ni President Mcewen ay lumabas na ako sa kanyang opisina at nagtungo na sa guest room kung saan ako matutulog. Agad akong tumalon sa malambot na king size bed at kinuha ang unan at mahigpit itong niyakap. Matagal-tagal na rin na hindi ako nakapagpahinga ng ganito. Nitong mga nagdaang-araw ay puro trahedya ang naranasan ko at halos wala pa akong tulog. Gusto ko sanang matulog at sulitin ang gabing ito. Pero hindi ko maatim na ako ay natutulog ng mahimbing sa isang magandang kwarto na may malambot na kama samantalang ang mga kasamahan ko ay parang mga hayop na natutulog at nagsisiksikan sa isang maliit at maduming kulungan. Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Kamusta kaya ang Paradox group? Ano na kaya ang kalagayan ni Captain Grey at Captain Akiko ngayon? Sinasaktan kaya sila nina Mang Jun? Pinapakain kaya sila?

Napahawak ako sa magkabilang sentido ko dahil sumakit ito kakaisip ko. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at nagsimula ng ipikit ang mga mata. Wag kayong mag-alala Captain Grey. Tutuparin ko ang pangako ko sa inyo.

----------

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatagos sa bintana ng kwarto. Napagpasyahan kong tumayo na at lumabas ng kwarto. Ngayong araw ay makikita ko na sila at makakapunta na din kami sa Enrocho. Parehong excitement at saya ang nararamdaman ko ngayon. Sa wakas ay makikita ko na din sila...

Pababa na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko si Madam Lineth. May dala dala itong mga damit. "O, iha. Gising ka na pala. Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang magalmusal?" sunod-sunod na sinabi nito.

"Ah hindi pa naman po ako gaanong gutom. Saan po kayo pupunta?"

"Eto, dadalhin ko ang mga damit na ito sa kwarto mo. Ano kaya kung maligo at magbihis ka na muna?" Sabi niya.

"Mabuti pa nga po." Pagsang-ayon ko at sumunod sa kanya pabalik ng kwarto.

"O sige, maiwan na muna kita. Pagkatapos mo ay bumaba ka nalang, ha. Ihahanda ko lang ang almusal niyo." inilapag niya ang mga damit na susuutin ko sa kama at pagkatapos ay umalis din.

Wala na akong sinayang na oras at pumunta na ako sa sariling banyo ng kwarto ko upang maligo at pagtapos ay nagbihis na ng pants at tshirt na dala ni Madam Lineth.

Bumaba na ako at nagtungo sa napakalaking dining area nila at doon nadatnan ang Pangulo na kumakain. "Magandang umaga, Astrid." sabi nito na kay aga-aga ay mukhang lasing na dahil sa wine na iniinom nito. Pambihira. Siya lang ang nakita kong wine ang iniinom sa almusal!

Narinig ko ang marahan nitong pagtawa na para bang naamuse. Oo nga pala, nababasa niya ang isipan ko. Napangiwi ako at binati nalang siya ng "Goodmorning din po, President." Bati ko saka hinila ang upuan at umupo.

"Kumain ka na, iha. Pagkatapos natin dito ay pupuntahan na natin ang mga kasama mo." Tumango na lang ako at sinimulan na ang pag-kain nang mapansin na kaming dalawa lang pala ang kumakain dito. Asan ang anak niya?

"Nasa kwarto niya iyo kumakain. Gusto nun na walang kasabay." sagot ni President sa tanong ko sa isipan.

Pagkatapos nga naming kumain ay tinawag na ni President ang kanyang driver at ipinahanda na ang sasakyan.

"Hindi na po ba sasama ang anak niyo?" tanong ko ng mapagtantong wala pa ito. Halos ilang minuto na kaming nag-aantay dito sa sala nila pero hindi pa din ito nagpapakita.

"Pababa na iyon, iha." at pagkasabi nga niya nun ay saktong nakita ko ang anak niyang si Fritz na tamad na bumababa ng hagdanan. Diretso lang ang tingin nito at mukhang wala pa sa huwisyo. Ang buhok niya ay magulo at nakakunot pa ang noo.

Diri-diretso itong lumabas ng bahay at nilagpasan lang kami na para bang hangin lang kami. Ni hindi man lang nito kinibo ang ama niya. "See? He's coming with you. I have my own ways, iha. Binigyan ko din siya ng kondisyon tulad mo." nakangising sinabi nito. Ano naman ang kondisyon na iyon?  "Pag ginawa niya ang inutos ko sa kanya ay bibigyan ko na siya ng kalayaan na gawin ang gusto niya. Makakaalis na siya sa puder ko at kahit ano pang gawin niya ay hahayaan ko na siya sa buhay niya. Ganon kasimple. I know what he want at iyon ang ginamit kong alas sa kanya."

"Kaya tara na iha bago pa magbago ang isip niya." Sabi niya sakin at lumabas na kami ng mansion at sumakay sa sasakyan.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon