"Fuck!" asik ko nang lumagapak ang puwitan ko sa lupa. Pano ba naman kasi ay bigla nalang ako hinila ng gagong Fritz na'to kaya hindi nako nakabuwelo."Makakatayo ka pa ba?" sabi ni Fritz na mukhang pinipigilan ang pagtawa. Pagkatapos ay naglahad siya ng kamay sa akin pero hindi ko iyon tinanggap at tumayo na.
"Ano ng plano natin?" pag-iiba ko ng usapan. "Paano natin sasabihin kila Captain Conrad ang nalaman natin? Dapat malaman nila ito kaagad."
"Yeah, right. Kaya tara na sa loob para ipaalam sa kanila." hinila niya ako papasok ng bahay at doon naabutan ang ilan kong kagrupo na nagsisibabaan na ng hagdanan. Nandoon na din ang ilang mga anak ni Dr. Pan. Wala pa ang tatlong captains kaya pagkakataon ko na ito na sabihin sa kanila.
"Akyat lang ako." sabi ko kay Fritz at tumango lang siya nang maintindihan ang balak kong gawin.
Pag-akyat ko ay agad akong dumiretso sa kwarto nila captain Conrad. Luminga-linga muna ako sa paligid at ng masiguradong walang tao sa labas ay pumasok na ako sa loob. Sakto namang nadatnan ko ang tatlong captains na mukhang may pinag-uusapan.
"Captains.."sambit ko at napalingon naman sila sa akin. "Alam na nila."
"Ang ano? Sino?" nagtataka namang itinanong ni Captain Conrad.
"Yung tungkol sa misyon natin. Alam na nila, narinig namin ni Fritz na nag-uusap si Dr. Pan at yung nanay niya kanina. Balak nila tayong ipahuli." diri-diretso kong sinabi.
"What?! Are you serious?" hindi makapaniwalang sabi ni captain Akiko.
"P-paanong nangyari iyon?" saad naman ni Captain Grey.
"Si Missy ata ang nagsabi. Narinig daw ni Missy na nag-uusap tayo tungkol sa plano." sabi ko.
"That bitch." captain Akiko said through gritted teeth.
"Ano ng gagawin natin Conrad?" tanong naman ni Captain Grey.
"Diba mamaya may gaganaping programa sa palasyo ng kanilang Presidente para sa darating na thanksgiving day? Doon tayo kukuha ng pagkakataon na umalis sa lugar na 'to. Kailangan na sabihan natin ang mga kamiyembro natin tungkol sa plano para makapag-impake sila."
Nang matapos naming pag-usapan ang plano ay bumaba na kami para saluhan ang mga kamiyembro namin at ang pamilya Pan sa pag-aalmusal.
"O, Conrad. Bakit ngayon lang kayo?" sabi ni Dr. Pan nang makababa kami. Nakangiti at natural pa din ang pakikipag-usap sa amin nito. Napatingin ako sa matanda na ina ni Dr. Pan at nakitang masama itong nakatitig sa amin. Sa tabi niya ay si Missy na nakayuko at kumakain. Halatang iniiwasan niya ang matignan kami.
"Pasensya na po." nasabi na lamang ni captain Conrad.
"Sige, maupo na kayo at kumain na." At ganun nga ang ginawa namin.
Tahimik kaming kumain at pinakikiramdaman ang paligid. Hindi namin alam kung ano ang pinaplano nila pero alam kong hindi ito maganda. Hindi namin alam kung kailan nila gagawin ang pagpapahuli sa amin.
"Siya nga pala, may program mamayang hapon sa President's palace. Kinakailangan na dumalo ang lahat ng nakatira sa distrito." pagbasag ni Dr. Pan sa panandaliang katahimikan. "Kailangan ay nandoon din ang grupo ninyo, Grey. Nais kayong makilala ng mga tao at ng Presidente kaya dapat ay pumunta din kayo." kakaibang ngiti ang ipinakita nito sa amin. Nagkatinginan kami ng tatlong Captains. Mukhang alam na namin ang binabalak nila. Plano nilang hulihin kami sa gitna ng programa at ipaalam sa mga tao ang misyon namin at kung sino kami.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...