Chapter LII: Two vs. Two

2K 86 5
                                    

"Sundan lang natin ang mga footprints nila Brix at Zoe. Sigurado akong kanila ang mga ito." panigurado kong sabi, tinutukoy ang mga footprints sa maputik na daanan. Sigurado akong sa kanila ang mga ito dahil wala namang iba pang dumaan dito kundi sila lang.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras ni Fritz at muli kaming naglakad habang sinusundan ang bakas ng mga paa. Kung hindi man ito sa kanila galing, may kutob pa din ako na ito ang magdadala sa amin sa phoenix. Habang tumatagal ang paglalakad namin ay pakiramdam ko mas nakakarating kami sa masukal na parte ng kagubatan sa bundok na ito.

"Astrid.." tawag sa akin ni Fritz kaya napalingon ako. "Tignan mo yun." tinignan ko ang tinuturo ng kanyang hintuturong daliri at doon ko nakita ang isang kweba sa di kalayuan.

Mayroon palang kweba sa Mt. Shibu? "Doon papunta ang footprints.." dugtong pa ni Fritz habang sinusuri ang bakas ng mga paa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit mas mabilis na ngayon. Muli na namang naghaharumentado ang puso ko at ramdam ko na ganun din ang nararamdaman ni Fritz. Habang papalapit kami nang papalapit ay lalong kumikipot ang daanan dahil sa mga nakahilerang malalaking puno na pinagigitnaan kami. Mabilis subalit maingat ang ginawa naming paglalakad. Maingat din naming hinahawi ang mga baging na nakaharang sa dinaraanan namin dahil baka mamaya ay ahas na ang mga nakalaylay mula sa mga puno.

"Mauna ka, Astrid." aniya ni Fritz dahil napansin niyang nahuhuli ako at nahihirapang maglakad. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at iniabot ko naman ito. Pagkatapos ay inalalayan niya akong makapunta sa kanyang harapan.

"Just stay close.." he said in a husky voice. Mariin akong tumango at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakalabas din kami sa masukal na gubat na iyon at saka patakbong tinungo ang kweba. Nang makarating kami doon ay sinilip muna namin ang kabuuan ng loob at doon namin napag-alamang hindi lang iyon ordinaryong kweba. Malaki ito at may tubig sa loob.

Sinumulan na naming pasukin ang loob ng kweba. Maraming mga bato kaya maingat at dahan-dahan kaming naglalakad papasok. Panay naman ang alalay sa akin ni Fritz kapag medyo nahihirapan akong maglakad kaya nagiging mas madali sa amin ang makapasok. Nang tuluyan na kaming makapasok ay inilusong naman namin ang mga paa namin sa malinis na tubig at tinatantya kung gaano ito kalalim. Hanggang tuhod lang naman pala ito kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"At saan kayo pupunta??" napatigil kami sa paglalakad nang may marinig na boses ng babae. Lumingon ako sa aking likuran at doon ko nakita si Zoe. "Kami ang makakakuha sa phoenix!"

"Astrid!" sigaw ni Fritz at itinulak ako. Napasinghap ako nang makitang pinukpok ni Brix ng isang malaking bato ang ulo ni Fritz. Ako dapat ang matatamaan pero iniligtas niya ako!

"Fritz!!!" tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa tubig at pinuntahan ang bumagsak na si Fritz. Lumuhod ako at nanginginig na inabot ang kanyang ulo na halos duguan na. "Fritz, g-gumising ka.."pati ang boses ko ay nanginginig na din. Marahan kong tinapik ang kanyang pisngi, baka sakaling idilat niya ang nakapikit niyang mga mata pero hindi. Wala na siyang malay...

"Ngayon, ikaw naman." rinig kong sambit ni Zoe at saka hinablot ang aking buhok.

Wala akong kalaban-laban nang hinila niya ako patayo at tinulak papunta kay Brix. Hinawakan naman ni Brix ang magkabilang bisig ko habang si Zoe naman ay may dinudukot na kung anong bagay mula sa kanyang bulsa. Nang mailabas niya iyon ay saka ko lang napag-alamang na isang kunai knife pala ang bagay na iyon.

Nang makita ko iyon ay nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Brix ngunit bigo akong makawala dahil ginamitan na naman niya ako ng ability niya. Napasigaw ako nang maramdaman ang kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Papalakas ito nang papalakas at halos namamanhid na ang buong katawan ko sa sobrang lakas nito.

"Bakit kasi nabuhay ka pang babae ka?" bakas sa boses ni Zoe ang inis na may halong panggigigil. "Bakit?!" umalingawngaw ang boses niya sa buong kweba. Ngunit hindi ako nagpakita ng kahit anong takot o gulat sa ginawa niya. Walang emosyon ko lang siyang tinitigan sa kanyang mga mata na sa tingin ko mas lalo niyang ikinainis.

"Iniinis mo ba talaga ako, ha?!" halos nagpipigil niyang sinambit. Pagkuwa'y naglakad siya papalapit sa akin at itinutok sa bandang kaliwa ng leeg ko ang kunai. Napalunok ako at napapikit nang maramdaman ang patalim.

"Zoe, sa likuran mo!" dali-dali kong minulat ang aking mga mata nang marinig kong sumigaw si Brix.

Napasinghap ako nang makitang may malay si Fritz at nakatayo pa. Dali-dali siyang pumunta sa gawi namin at inagaw ang hawak na kunai ni Zoe. "Isa ka pa!" Zoe grunted in frustration.

Kitang-kita ko ang pamumula nang kanyang mukha sa sobrang galit. Pumikit siya saglit at sa tingin ko ay nagcoconcentrate siya. Gagamitin niya ang kanyang ability. Dahan-dahan siyang umikot ngunit papabilis siya nang papabilis habang tumatagal hanggang sa isang iglap, nag-iba na ang kanyang anyo. Ang nakikita namin ngayon ay hindi na si Zoe kundi isang oso.

Sinubukan ko ulit na magpumiglas ngunit mahigpit pa din ang pagkakahawak sa akin ni Brix. Wala akong nagawa kundi panoorin si Fritz na naging alerto sa ginawa ni Zoe. Mabuti nalang at nakuha niya ang kunai na magagamit niya panlaban sa oso. Agad siya nitong sinugod ngunit nakaiwas siya. Sunud-sunod siyang inatake ng oso at siya naman ay panay ang pagsalag dito gamit ang kunai.

Napahinto lang ang oso nang masugatan ito ni Fritz sa dibdib nito. "Grrr.." the bear growled. Mas lalo itong nagalit at muli na namang sinugod si Fritz pero kahit alam kong hirap na hirap na siya, pilit niya pa ding nilalabanan ang oso. Impit akong napasigaw nang gantihan ng oso si Fritz. Nasugatan din nito si Fritz sa dibdib niya gamit ang matatalas na kuko nito. Pero hindi nagpatinag si Fritz at kanyang pinalipad ang kunai. Saktong tumama ito at bumaon sa dibdib ng oso.

"Zoe!!!" walang anu-ano'y binitawan ako ni Brix at tumakbo papunta sa nag-aagaw buhay na oso. Hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang ability kaya bumalik na siya sa kanyang anyo. Mas kalunus-lunos ngayon ang hitsura niya dahil mas kitang-kitang ang mga sugat na natamo niya mula kay Fritz.

"Z-zoe..." hindi ako makapinawala sa pinakitang emosyon ni Brix. Unti-unti nang tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Yakap-yakap niya nang mahigpit ang wala nang buhay at duguang si Zoe.

Napatingin ako sa hinang-hina na si Fritz at napatinginan din siya sa akin. Bakas ko sa mga mata niya ang kapaguran ngunit alam kong pinipilit niya lang itong itago sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngiti na kahit paano, nakapagpagaan ng loob ko. Inihakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa akin at doon ko lang napansin na nagkaroon pala siya ng pilay.

Inihakbang ko na din ang aking mga paa para salubungin siya ngunit napahinto ako nang makita si Brix sa likuran ni Fritz. Kitang-kita ko ang pag-aapoy ng kanyang mga mata. Ibang-iba ang nakikita kong Brix ngayon, mas matapang at mabagsik. Napalunok ako nang iangat niya ang kanyang dalawang kamay at itinapat sa amin ni Fritz.

"Walang hiya kayo! Papatayin ko kayong dalawa!!" punung-puno nang galit niyang ipinagsigawan. Walang anu-ano'y naglabas siya ng malalakas na daloy ng kuryente at ipinatama sa amin.

"Aarrrrgghhhh!!!!"

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon