Chapter XLII: Deep Wound

2.2K 86 3
                                    

Pasimple kong pinapahid ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Wala namang nakakakita sa akin dahil madilim na at lahat sila ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Malayo ako sa pinaghintuan namin ngayon. Katulad ng dati, nasa gitna na naman kami ng kagubatan. Naisipan kasi nilang magpahinga muna. Ako naman ay nagpasyang magpakalayu-layo dahil hindi ko kayang makita si Fritz na kasama si Zaira.

Hindi pa din ako makapaniwala sa inasta ni Fritz sakin. Parang katulad siya noong una kaming nagkita. Cold. Walang paki. Seryoso at mabilis magalit. Kumirot ang puso ko.

"Iha..." lumingon ako sa gawi ni lola Dita na tumawag sa akin. "Kumain ka na muna, malayu-layo pa ang lalakbayin natin."

Tumikhim akong sandali bago sumagot, "Hindi naman po ako nagugutom."

Nakita kong bigla nalang naging malungkot at may bahid na nag-aalala ang kanyang mukha. "Maaari kang magsabi sa akin.." aniya niya. "Kung ano mang yang nararamdaman mo ngayon, sabihin mo. Para naman kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan mo."

Ngumiti nalang ako kay lola Dita. Isang malungkot na ngiti. Hindi kasi ako yung tipo na mahilig magsabi ng nararamdaman ko sa iba. Sanay na akong kinikimkim ang lahat sa sarili ko. At tsaka ano namang sasabihin ko? Na naiinis ako dahil nagbago ang pagtrato sa akin ni Fritz dahil sa babaeng iyon, ganun ba? Ambabaw naman ata masyado.

"Wala po ito, lola. Sige po, kumain na po kayo doon." sambit ko.

Ngunit imbes na umalis ay mas lalo pang lumapit sa akin si lola Dita. Marahan niyang inilapat ang kanyang kamay sa aking balikat. Sa hindi ko malamang dahilan ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. "Sige, mauna na ako. Sumunod ka nalang ha."

Tumango nalang ako. Pagkaraa'y umalis na din si lola Dita at naiwan na naman akong mag-isa. Lumingon ako kung nasaan sila lola Dita nakapwesto. Kitang-kita sa di kalayuan ang isang apoy na nasa gitna na nagsisilbing liwanag ng paligid. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa gawi nila Fritz at Zaira na sa tingin ko ay taimtim na nag-uusap. Hay nako, Astrid. Ikaw lang naman ang gumagawa nang ikinagagalit mo eh. Bakit ba kasi tinignan mo pa sila?!

Napatingala ako sa buwan para mapigilan ang namumuo na namang luha sa mga mata ko. Fuck this shit. "Stop crying please?..." I muttered to myself. Nakakasawa nang umiyak. Nakakapagod na.

Saglit akong pumikit at pinakiramdaman lang ang paligid. Lasap na lasap ko ang ihip ng hangin at rinig na rinig ko din ang mga kuliglig. Sa gitna ng aking ginagawa ay may narinig akong tila kakaiba. Agad akong napamulat. Ano yun? Parang nakarinig ako ng mga yabag. Dahan-dahan at tila ba nag-iingat ang naglalakad.

Naging alerto ako. Unti-unting nagiging mabilis ang mga yabag at para bang tumatakbong nagpapaikot-ikot sa akin. Lumingon ako sa buong kagubatan at pilit na inaaninag ang paligid. Nararamdaman kong nag-aadjust na ang aking mga mata hanggang sa nagiging komportable na ito sa dilim. Doon ko nakita ang isang anino. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito.

Agad kong kinuha ang dagger na nakalagay sa combat boots ko. Pinapakiramdaman ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Muli akong luminga-linga at nagsalubong ang kilay ko nang hindi ko na makita ang anino. Gulat akong napatingin sa harap ko nang makita ang isang hitsura ng babae sa harapan ko. Fuck! Kulay berde ang mukha at buong katawan nito at parang nakahubo.

Napasigaw ako nang bigla kong naramdaman ang isang patalim na bumaon sa tagiliran ko. "Umalis kayo sa teritoryo namin!" nanggigigil na sinabi nito habang dinidiinan pa lalo ang pagkakasaksak sa akin.

Sa kabila ng sobrang sakit na nararamdaman ko ay nagawa ko pa ding manlaban. Lakas loob kong tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo na nakasaksak sa tagiliran ko. Pagkatapos ay pinilipit ko ang braso niya at ginantihan siya ng saksak sa tiyan niya.

"Aarrrghhh!!!!" malakas niyang sigaw. Bitch! Serves you right!

Walang anu-ano'y tinabig niya ang kamay ko kaya tumalsik ang dagger na hawak ko. Shit. Muli niya akong pinatamaan ng hawak niyang patalim pero mabuti nalang at nakaiwas ako kaagad. Sinunod-sunod niya na ang pagpapatama sa akin ng patalim at ako naman ay sige lang sa kakaiwas. Nang makahanap ako ng tiyempo ay tinadyakan ko ng malakas ang kanyang binti dahilan para siya ay mapaluhod. Agad kong inagaw sa kanya ang kutsilyong hawak niya. Pagkatapos ay nanggigigil kong hinila pataas ang buhok niya at walang pag-aatubiing ginilitan ang kanyang leeg.

Hindi ko tinanggal ang kutsilyo hanggang sa masigurado kong hindi na siya humihinga. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit na dugong sumisirit mula sa kanyang leeg na dumadaloy sa aking mga kamay. Fuck. Nakapatay ako. Nanghihina kong tinanggal ang kutsilyo na nakabaon sa kanyang leeg. Nagpakawala ako ng sigaw nang maramdaman ang sakit ng tagiliran ko. Agad-agad ko itong hinawakan ng aking dalawang kamay para matigil ang paglabas ng dugo.

Halos iika-ika akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila Fritz. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit. Fuck. Pakiramdam ko babagsak na ako. Pero pinilit ko pa ding maglakad hanggang sa makarating ako sa kanila. Agad kong nakita ang gulat na gula na hitsura nila lola Dita nang makita ako.

"Anong nangyari sa'yo, Astrid?!" patakbong pumunta sa akin si lola Dita at inalalayan ako para makaupo sa kahoy.

"Sinong gumawa sayo nito??" Rinig kong saad ni Zaira na nag-aalala ding lumapit sa akin. Nakita ko namang tumakbo si Fritz papunta sa pinanggalingan ko kanina para tignan kung sino ang gumawa sa akin nito. Sa sobrang panghihina ko ay hindi ko na nagawang sabihin na napatay ko na ito.

Napaaray ako nang tanggalin nila ang mga kamay ko sa tagiliran ko at tinignan ang sugat ko. "Malalim ang sugat niya.." sambit ni Jehd na nasa gilid ko at inaalalayan ako.

"U-umalis na t-tayo dito... B-baka may ibang kasamahan yung g-gumawa sa akin nito..." hirap na hirap kong sinabi.

"Pero hindi pwede hangga't hindi pa nagagamot iyang sugat mo!" sabi ni lola Dita sa nag-aalalang tono. "Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi na sana kita hinayaang mag-isa doon."

"W-wag niyo na pong sisihin ang s-sarili niyo, lola..." saad ko nang sabihin iyon ni lola Dita.

"Mabuti nalang at may dala-dala akong mga panggamot dito.."sabi ni Zaira habang hinahalungkat ang kanyang bag na suot-suot. Maya-maya pa'y naglabas siya ng ilang mga maliliit na bote na hindi ko alam ang laman.

Napasinghap ako ng bigla niya nalang tinaas ang damit ko at binuhusan ng mainit na likido and nakabukang sugat ko. "Fuck!!!"naisambit ko dahil sa sakit. "Tama na.."

Pero imbes na tumigil ay pinatakan niya pa itong muli at pinunasan ng bulak ang mga dugong dumadaloy sa sugat ko. Napapikit ako dahil nanlulumo ako sa ginagawa sa akin.

"Tama na.." huli kong sambit bago ako tuluyang mawalan ng malay.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon