Chapter XXXVII: The Cursed

2.3K 103 6
                                    

I bit my lip to stop myself from moaning. Nararamdaman kong bumababa na ang mga halik ni Fritz papunta sa aking leeg. Fuck. Bakit hinahayaan ko lang siya na gawin ito? I badly wanted to stop him but I couldn't help it. I hate to admit but it feels so good when he's giving me kisses. Holy shit. Nahihibang ka na, Astrid!

"S-stop.." I muttered. Napapikit ako ng maramdamam ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. Kung anu-ano na ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. Umiikot ang tiyan ko at para akong nakakaramdam ng kuryente sa aking buong katawan. Naghaharumentado na din ang puso ko.

"Fritz.. stop." sabi ko sa pilit na buong boses. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ko na nagugustuhan ang kanyang ginagawa pero alam kong nagsisinungaling lang ako. "Alam mong mali ito..."

Napahinto siya sa kanyang paghalik at mariin akong tinignan. "Alam ko. Kaya nga ako nagsorry, hindi ba?" sabi niya na para bang hindi nababahala.

"M-may boyfriend ako, Fritz." parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ang kapal ng mukha kong sabihin iyon samantalang hinayaan ko lang siyang halik-halikan ako.

"What if I told you that I don't give a shit?" sabi niya habang tinitignan ako sa mata. "I want you, Astrid. At wala akong pake kung sino man ang babanggain ko." nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Totoo ba ang narinig ko? Hindi pwede! Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? Bakit ba napakatigas ng ulo niya?!

"Ayon sila oh!" napalingon kaming dalawa ni Fritz sa direksyon ng nagsalita. Doon namin nakita ang isang batang lalaki na may kasa-kasamang matandang babae. Agad naman akong hinarangan ni Fritz na para bang kalaban ang tingin nila sa mga ito.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa bibig ng matanda. "Kayo lang naman pala.." saad nito. Marahan silang lumapit sa amin at kami naman ni Fritz ay umatras. "H'wag kayong matakot. Hindi kami kaaway."

"F-fritz.. baka matulungan nila tayo." aniya ko. Mukha namang wala silang balak na masama sa amin.

"P-paano kung nililinlang lang nila tayo?" He doubted.

"Ako si Dita. At ito naman ang apo ko, si Jehd." pagpapakilala nito. "Halikayo. Maaari kayong tumuloy sa bahay namin." sabi ng matanda na nagngangalang Dita at saka ngumiti. Pagkatapos ay tinignan kami na para bang nang-aaya at tumalikod na sa amin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila ngunit hinawakan ni Fritz ang braso ko. Napatingin ako sa kanya at iniabot niya sa akin ang isa niyang dagger. "Incase..." mahinang bulong niya. Agad naman akong tumango pahiwatig lang na naintindihan ko ang nais niyang sabihin. Pagkaraa'y maingat kaming sumunod sa dalawa.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating ay din namin ang sinasabi nilang tirahan nila. Isa itong maliit na bahaykubo sa gitna ng kagubatan at mukhang silang dalawa lang ata ang nakatira dito.

"Tuloy kayo.." sabi ng matanda at agad naman kamin pumasok. Unti-unti ding nawawala ang aming kaba. "Jehd. Ipaghanda mo sila ng makakain."

"Opo." Agad namang tumalima ang batang lalaki sa utos ng kanyang lola.

"Saan ba kayo nanggaling, mga iho't iha?" baling naman samin ng matanda nang mawala na ang kanyang apo.

Nagtinginan muna kami ni Fritz bago sumagot. "Sa Pierda ho.." saad ko.

"Aba'y napakalayo naman ng inyong pinanggalingan! Ano ba ang dahilan at naglakbay pa kayo sa malayong isla na ito??" sabi niya na may halong pagkagulat at pagtataka.

Muli kaming nagtinginan ni Fritz upang alamin kung sino ang sasagot o kung sasagutin ba namin ang tanong. Mahigpit kasing ipinagbabawal sa amin na hindi namin maaaring sabihin ang aming misyon sa mga taong magtatanong samin. Nasa rules iyon ng Paradox group. Pero hindi naman na ako parte ng grupong iyon. Patay na ang turing nila sa akin.

"Ang phoenix po ang pakay namin.." sabi ko.

"Ahh.." sabi nito na tila hindi nagulat. Siguro inaasahan niyang ito talaga ang sadya ng mga dayuhang tulad namin dito.

"Bakit ba gustung-gusto ninyong makuha ang ibong iyon? Hindi ko maintindihan..." sambit ng matanda na may ekspresyong naguguluhan sa mukha.

"Hindi niyo po ba alam na nakapagbibigay ng kapangyarihan at nakakagamot ng sakit ang ibong iyon??" saad naman ni Fritz. Nakakapagtaka naman kung ganoon. Imposibleng hindi niya iyon alam.

"Alam ko.. pero hindi iyon totoo." mariing sinabi nito na nakanakaw ng aming atensyon.

"Nagkakamali po ata kayo.. madami nang nakapagsabi na totoong nakapagbibigay ng kapangyarihan o nakakagamot ang Phoenix gamit ang mga luha nito." Agad ko namang sabi.

Marahan naman itong natawa. Tawa na para bang kami pa itong mga walang alam kaysa sa kanya. "Oo nga. Ngunit matagal na panahon na iyon. Noong nabubuhay pa ang Royal Family."

Napakunot ang noo namin sa sinabi ng matanda. "Royal Family??" sabay naming sinabi ni Fritz.

"Hayaan ninyong ikwento ko sa inyo ang mga nalalaman ko.." pagkuwa'y sinambit nito at binigyan kami ng isang malawak na ngiti. Naglakad siya papunta sa amin at umupo sa kahoy na upuan na nasa harapan namin.

"Ang pamilya namin ay halos dalawampung dekadang nagsilbi sa Alexander Family. Ang kaisa-isang Royal Family dito sa Enrocho." bahagya pa itong tumingala at para bang tumitingin sa kawalan.

"Teka, ano naman pong kinalaman nito sa phoenix??" nagtataka namang itinanong ni Fritz.

"Nako, iho. Patapusin mo muna ako." nakakunot ang noong sinabi ng matanda dahil sa pagkaudlot ng kanyang ala-ala. Hindi naman na kami nagsalita ni Fritz at muling nakinig.

"Si king Hybrid at queen Fiona ay hindi magkaanak-anak. Labis ang kalungkutang nadama ng dalawa nang malaman nilang hindi talaga sila maaaring magkaanak kailanman. At dahil sa sobrang pagkadesperado ay humiling sila sa Enchantress, ang pinakamakapangyarihan dito sa isla ng Enrocho, na pagkalooban sila ng anak." tuluyang nakuha ng matanda ang atensyon naming dalawa dahil sa mga binanggit niya.

"Hindi mahirap pakiusapan ang Enchantress, agad niyang pinagbigyan ang kahilingan ng dalawa dahil na rin siguro sa Royal Family sila. Ngunit sobrang nahirapan ito sa pagbibigay ng anak. Ginamit na niya ang lahat ng spell na alam niya ngunit hindi niya ito magawa ng perpekto..."

"Ano po ang nangyari? Hindi niya po ba nabigyan ng anak ang hari at reyna?" tanong ko na punung-puno ng kuryosidad.

"Nabigyan." agad na sagot ni lola Dita. "Ngunit dahil hindi niya ito magawang perpekto ay wala siyang nagawa kundi bigyan ito ng sumpa."

"Sumpa?" sabay naming sabi ni Fritz.

"Binigyan niya ng kakambal na sumpa ang sanggol. At iyon ang Phoenix.." pagkuwa'y sagot nito.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon