Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang maliliit na sigaw na pinapakawalan ng babae habang sinisiil siya ng halik ni Fritz sa leeg. Fuck. At talagang dito pa sila naglalandian sa loob ng girl's restroom! Sa sobrang inis ay binato ko si Fritz ng tissue na nakarolyo na nasa sahig. Agad naman siyang napahinto at masamang napatingin sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako pero agad din naman itong nawala at bumalik ang pagiging expressionless niya.
"What?" he asked as if nothing's wrong. Pagkuwa'y pinunasan niya ang smudge ng lipstick sa gilid ng kanyang labi. Gosh. This guy is really getting into my nerves!
"Get out." I said in a firm voice. Agad naman niyang hinawakan ang babae at akmang dadalihin palabas pero agad ko silang hinarangan.
"Siya lang ang pinapalabas ko, Fritz." tinignan ko ng masama ang babae at dali-dali namang lumabas ito. Kami nalang dalawa ang natira ni Fritz. Mataman ko siyang tinignan habang siya ay nagsisindi ng sigarilyo. Naiinis ako dahil kung umakto siya ay parang wala lang.
"Hindi ko alam na ganyan ka pala kagago." mapaklang saad ko.
Pagkatapos niyang humithit ay tinignan niya ako, "Ano bang problema mo, Astrid?" maang akong napatingin sa kanya. Ano nga bang problema ko? Bakit ako ganito umakto? Bakit ako naiinis?
"Bakit ka nakikipaghalikan sa babaeng yun? Ni hindi mo nga ata kilala yun, do you even know her name?" I don't even know the reason why I'm acting like this but I just can't help but get mad at him.
"So what? Anong pake mo?" He said in a monotone voice at saka humithit ulit ng sigarilyo.
Ano bang pake mo, Astrid? My mind keeps on repeating those words. Siyempre may pake ako! Ibinilin siya sa akin ng ama niya kaya natural lang na mainis ako. Punung-puno na ako sa kanya. Kung nung nakaraan ay hinahayaan ko lang yung mga katarantaduhang ginagawa niya, pwes, hindi ko na ito mapapalagpas ngayon.
"Why are you mad at me?" he asked. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Ako naman ay panay ang pag-atras hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na pader. Shit. He caught me off guard!
"Tell me, why are you mad?" I saw fire in his intense eyes. "Are you jealous?" marahan akong napakapit sa kanyang balikat para hindi niya tuluyang mailapit ang mukha niya sa akin. I again, smell the intoxicating liquor in his mouth. Parang pati ako ay nalalasing sa amoy.
"N-no." I answered nervously as I shooked my head. Then I hint a bit of sadness in his face.
Nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin at dumampi ang labi niya sa labi ko. Malakas ko siyang tinulak hanggang sa makawala ako sa kanya. "May boyfriend ako, Fritz!" hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang ipinamukha iyon sa kanya. Siguro ay para malaman niya kung saan siya lulugar.
"Sino? Si Grey ba?" mapait niyang sinabi.
"N-no. May boyfriend akong iniwan sa Pierda." nanginginig kong saad. Bakit ko ba kailangang ipaliwanag ang mga ito sa kanya?
Napatawa siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "May boyfriend ka na pala eh. Bakit ka pa nakikipaglandian kay Grey?" Agad na lumipad ang kamay ko sa mukha niya. Pagkatapos ay patakbo kong tinungo ang pintuan at lumabas na sa restroom.
"Astrid!"rinig ko namang sigaw niya at lumabas din ng restroom para habulin ako. Fuck you, Fritz.
Tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo at wala akong pake kung may mababangga man ako. Bigla akong napahinto ng makita ang dalawang gwardiya na papalapit sa akin. Inikot ko ang buong grand hall at napagtantong nagkakagulo pala. Napatingin ako sa pwesto ng Paradox group at nakita kong wala na sila doon. Shit. Asan sila?
"Hulihin niyo yang babaeng yan! Kasama yan sa kanila!" sigaw ni lola Au habang tinuturo ako.
Bigla namang dumating si Fritz at pinagsusuntok ang dalawang gwardiya. Narinig ko namang nagsigawan ang mga tao nang buhatin niya ang isang gwardiya at ibinalibag. Gulat na gulat sila sa nakita. Hindi siguro nila inaasahan na may ability siya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng palasyo.
"Saan tayo pupunta?! Bigla nalang silang nawala!"takot na takot kong saad. Kumaripas kami ng takbo ng makitang may mga gwardiyang humahabol sa amin.
"Alam ko kung nasaan sila." napaligon kami ni Fritz sa nagsalita at nakitang si Missy iyon. "Sumama kayo sa akin."
I scoffed. "At bakit naman namin gagawin iyon? Alam naming ikaw ang nagsumbong tungkol sa misyon namin, kaya pano ka namin pagkakatiwalaan?"
"Alam kong ganyan ang magiging tingin niyo sa akin. Pero pinagsisihan ko ang ginawa ko. Kaya ako andito ngayon para bumawi. Tutulungan ko kayong makalabas." I saw sincerity in her eyes. Pero hindi pwede. Paano kung nililinlang niya lang kami.
"I think she's telling the truth..." rinig kong sabi ni Fritz.
"Tara na, bago pa nila tayo maabutan." tumango kaming dalawa sa kanya at patakbo kaming sumunod sa bawat direksyong dinadaan niya.
Pumasok kami sa isang madalim na eskinita na walang dumadaan at nagtago. Ang mga sumusunod na gwardiya ay napahinto ng makitang wala na kami, pero kalaunan ay dumiri-diretso lang ito sa paglalakad at nilagpasan kami. Sabay sabay kaming napabuntong-hininga nang malamang wala na sila.
"Tara.." sabi ni Missy at nagsimula nang maglakad sa eskinita. Nakailang liko pa kami hanggang sa matanaw namin ang ang tatlong Captains at mga kamiyembro. Nandoon din ang dalawa pang kapatid ni Missy na sina George at Lian.
Sinalubong kami ni Captain Conrad na nagngingitngit sa galit at walang anu-ano'y hinigit ang braso ni Missy. "Pinaglololoko mo ba kami, ha?! Dead end na'to eh! Paano kami makakatakas dito?!" galit na sumigaw ito na siya namang ikinatakot ni Missy. "Is this your goddamn plan?! You want us to be trapped here para macorner kami at mahuli?!"
"H-hindi..." natatakot na saad nito.
"Then what?!"
"Kailangan niyong talunin ang bakod para makalabas. Yun lang ang tanging paraan. Hindi kayo maaring makalabas sa mismong labasan dahil siguradong maraming nag-aabang sa inyo doon."
Napatingin kami sa di gaanong kataasan na bakod. Ang mga pader na inilagay sa palibot ng Romanesce district ang siyang harang nila para hindi makapasok ang sinumang tribo.
"Okay, let's go" aniya ni Captain Conrad at nagsimula na kami. Kaming mga babae muna ang pinaakyat sa bakod habang buhat-buhat ng mga kalalakihan. Pagkatapos naming makatawid ay isa-isa namang nagsisitalunan ang mga lalaki.
"Phew! Akala ko hindi na tayo makakaligtas." saad ng isa naming kamiyembro. Halos lahat kami ay hingal na hingal na nagsisandalan sa pader para makapagpahinga saglit.
"C-Conrad." pagtawag ni Captain Akiko. "Asan na tayo?" nakitaan ko ng kaba at pagtataka ang boses nito. Napatingin ako sa buong paligid kagaya ng ginagawa ng ilan. Doon namin napag-alamang nasa disyerto kami.
"Oh shit." sambit na sabi Captain Conrad at napasapo siya sa kanyang noo."Nagkamali tayo ng direskyon."
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...