Nanginginig kong idinikit ang patalim sa kanyang pisngi. Shit. Kinain ko ata ang mga sinabi ko kanina. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang makasakit o makapatay ng tao. Kaya sinugatan ko na lamang ang pisngi niya.
"Aarrggghhhh!" malakas na sigaw nito at halos mapapikit sa hapdi. Napaatras ako ng makitang tumayo siya. Nakahawak ang kanyang kamay sa kaliwa niyang pisngi na duguan at matalim akong tinignan. "You!" pagkasabi niya noon ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa phoenix. Nang makalapit ako sa ibon ay agad ko itong kinuha at binuhat patakbo. Hah! Ako pa din ang nauna!
Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na hindi ko naman alam kung saan ang patutunguhan ko. Lumingon ako para tignan ang kamiyembro kong lalaki na hinahabol ako at ng makita kong papalapit na siya sa akin ay mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo.
"Where am I going?" I muttered to myself. Walang maaaring pagtaguan sa lugar na 'to. The phoenix squawked and looked at me, parang may nais siyang ipahiwatig. Binitawan ko siya at malakas niyang ipinagaspas ang kanyang pakpak at lumipad. Gusto niyang ituro sa akin ang direksyon!
Patakbo kong sinundan ang bawat direksyon na itinuturo niya sa akin. Lumingon ako para tignan kung hinahabol pa ba ako ng kamiyembro kong lalaki at napahinga ako ng maluwag ng makitang wala na siya. Binalik ko ang tingin ko sa daan at sa di kalayuan ay may nakita akong isang malaking tent. May ibang tao pala dito bukod sa amin?
Bumaba na ang phoenix mula sa paglipad. Tinignan ako nito bago pumasok sa loob ng tent. "Sino kayang may-ari ng tent na iyan?" Tanong ko sa sarili. Mga ilang minuto pa akong nakapirmi sa kinatatayuan ko, iniisip kung papasok ba ako sa loob o hindi. Hanggang sa nakarinig ako ng isang malakas na tawa ng babae.
"I swear kung nakita mo lang kung gaano sila kadesperado para makuha ang Phoenix, matatawa ka talaga!" I became intrigued to what I heard so I decided to go inside the tent.
Doon ko nakita ang isang babae na nakatayo na tawa ng tawa at isang lalaki na nakahiga. Tinignan ako ng babae na nakangisi at pinagtaasan ko lang ito ng kilay. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid para hanapin ang phoenix pero bigo akong makita ito. Asan na yung ibon?
"Wala dito ang hinahanap mo." sabi nung babae na hindi pa din matigil sa kakangisi.
"Asan yung ibon? Saan niyo tinago?"matigas ang boses kong sinabi. Hindi nila ako maloloko.
"Wala nga dito." sagot pa nito.
"Wag niyo na akong lokohin. Nakita ko ang phoenix na pumasok dito." sabi ko.
Nagtaka ako ng biglang nagpaikot-ikot ang babae sa kinatatayuan niya. Ano bang ginagawa niya? Papabilis ng papabilis ang kanyang pag-ikot hanggang sa isang iglap, nawala na lang bigla ang babae at lumitaw ang phoenix sa kaninang kinatatayuan ng babae. The bird squawked as if it's mocking me and looked at me intently. Pagkatapos ay ipinagaspas nito ang pakpak niya at nagpaikot ikot din sa taas hanggang sa nakita ko ang anyo ng babae. What the hell was that?!
"I-ikaw ang pheonix??" nagtataka kong itinanong sa babae na ikinatawa naman nito.
"No, silly." she answered, ridiculed. "My ability is animal imitation. Kaya kong magpalit ng anyo ng iba't-ibang hayop."
That made my jaw dropped. Ibig sabihin hindi pala talaga siya ang totoong phoenix? Napakuyom ang kamao ko at bigla nalang kumulo ang dugo ko. Pagkatapos ay sinugod ko siya at kiniwelyuhan.
"H-hey! Stop, bitch." nagulat na sinabi nito.
"Akala mo nakakatuwa yung ginawa mo, ha?! Muntik na kaming magpatayan ng kasamahan ko ng dahil sa lintek na pagpapanggap mo!"nanggagalaiti kong sinabi.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...