Chapter VIII: Goodbye

3.1K 139 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng takbo ng panahon. Bukas na ang pinakahihintay kong araw, ang pag-alis. Oo. Aalis na ang aming grupo sa bansang Pierda upang isagawa ang aming misyon.

Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang kalangitan. Kakagising ko lang at napagisip-isip kong dumiretso muna sa terrace ng kwarto ko upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito. Akala ko hanggang pangarap lang ako. Pero kung nagpadala siguro ako sa emosyon ko ay malamang wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Masaya ako dahil malapit na ako sa inaasam ko. Pero malungkot din ako kahit papaano, dahil alam kong may iiwanan ako. At isa na dito ang pinakaimportanteng tao sa akin. Si Mico...

Bumalik ako sa kwarto para ihanda ang susuotin kong damit ngayong araw. Binuksan ko ang closet ko at nahagip agad ng mata ko ang kulay pink na bistida. Napangiti ako sa naalala ko. Regalo ito sa akin ni Mico pero imbes na matuwa ay nainis pa ako noon. Alam niya kasing hindi ako mahilig magsuot ng dress pero iyon pa ang binili niya para sa akin. Kahit kailan ay hindi ko pa ito isinuot pero dahil espesyal na araw ngayon, ito ang isusuot ko. Kinuha ko ito mula sa closet at inilapag sa kama pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo.

"Miss Astrid, andyan na po sila sir Mico." rinig kong sabi ng kasambahay namin sa labas ng aking kwarto. "Andyan na." sabi ko habang kinakabit ang hikaw sa tenga ko. Pinasadahan ko muna ng tingin ang hitsura ko sa salamin at tsaka lumabas ng kwarto.

"Wow." sambit ni Mico nang makita niya ako pababa ng hagdanan. Napangiti ako. "Anong masasabi mo, Miles? Ang ganda ganda ni ate Astrid mo diba?" baling ni Mico sa kapatid niyang nakaupo sa couch namin.

Itinigil niya muna ang pagsipsip sa kanyang lollipop bago magsalita "Yes. Astrid is really pretty. I wanna be like her when I grow up. But not her boyish side, though." napangiwi ito pagkatapos ay isinubo ulit ang lollipop. Napatawa nalang kami ni Mico.

"So, let's go?" pag-aaya ni Mico. Tumayo na si Miles at lumabas na kami sa bahay.

Dahil nga ito na ang huling beses na magkakasama kami ni Mico sa ngayon ay naisip niyang mamasyal kami. Naisipan na din naming isama si Miles.

"San ba tayo pupunta?" tanong ni Miles nang makaandar ang sasakyan. "We're going to Enchanted Land!!" Sabay naming sinabi ni Mico na para bang mga batang excited. Ang Enchanted Land ang pinakasikat na Amusement Park dito sa bansa.

"Enchanted Land?! Woaahhhh!!! I can't wait to go there. Kuya Mico, please drive faster." sabi ni Miles. Bakas sa mukha niya ang excitement. Nagsimula na itong dumaldal at nagsasabi ng iba't-ibang rides na gusto niyang sakyan. Hindi ito tumigil sa pagsasalita hanggang sa makarating kami doon.

Pagkaparada ni Mico ay agad na lumabas si Miles at tumakbo papunta sa entrance. "Hoy Miles! Hintay!" sigaw ni Mico at nagtawanan kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko at patakbo akong hinila para mahabol ang kapatid niya. Wala akong nagawa kundi ang tumawa. This is overwhelming. Ang makasama ang pinakamamahal kong si Mico na walang ibang alam gawin kundi ay pasayahin ako ay wala nang mas ikasasaya pa. Paano kaya ako sa mga susunod na araw na hindi ko siya makakapiling?

Napailing ako sa naisip ko. "Hey, Astrid. You okay?" nag-aalala niyang itinanong. Nilawakan ko ang ngiti ko para maibsan ang pag-aalala niya. "Oo naman. Ano ba una nating sasakyan?"

"Roller coaster! Roller coaster! Roller coaster!" Miles chanted.

Sinunod namin ang sinabi ni Miles. Marami kaming nasakyang rides pagkatapos namin sa roller coaster at lahat ng iyon ay si Miles ang nagdesisyon. Pagkatapos ay kumain naman kami at nagpahinga saglit. Kami ni Mico ay pagod na pagod na ngunit itong si Miles ay walang kapaguran. Nag-aaya pa itong sumakay sa ferris wheel.

"Tama na, Miles. Hindi ka ba napapagod?" sabi ni Mico na halos nauubusan na ng pasensya sa kapatid. The kid crossed her arms at pumadyak padyak pa. "Ehhh, kuya naman eh! Astrid oh, si kuyaa!" sumbong sa akin ni Miles. Ginagawa na naman niya ang modus niya. Sa tuwing hindi siya pinapayagan ng kuya niya ay sa akin ito lumalapit at nagmamakaawa. Alam niya kasing hindi ko siya matatanggihan.

"Sige na, Mico. Pagbigyan na natin yung bata. Tutal magdidilim naman na. Pagkatapos natin sumakay sa ferris wheel ay uwi na tayo." pakiusap ko kay Mico. Bumuntong-hininga ito at tumayo. "Fine." sabi niya.

Nagliwanag ang mukha ni Miles at nagsimula na naman itong maging hyper. Tumalon-talon pa ito at nagsisisigaw.

Nakasakay kami kaagad dahil kaunti nalang ang pumipila. Nasa gitna namin si Miles at masayang pinapanood ang magandang view habang ang mahabang buhok niya ay hinahangin pa. Kitang-kita mula sa itaas ang halos kabuuan ng buong siyudad. Napakaganda nito. Samahan mo pa ng magandang papalubog na araw.

I don't know why but I'm starting to feel sad. Maybe the atmosphere has something to do with it. Lumingon ako kay Mico at napatitig din siya sa akin. Hindi siya nakangiti at kitang-kita ko ang namumuong luha sa mga mata nito. Seryoso niya akong tinitignan na para bang kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko. Maybe he's feeling the same way... Our hearts are somehow connected anyway kaya kung ano ang nararamdaman ko ay nararamdaman niya din.

Nagulat kami ng mapagtantong wala na si Miles sa tabi namin. She probably felt that there's something happening between me and Mico so she decided to give us some space to speak ourselves up. "I'll miss you."he whispered softly. "Me too." I managed to answer briefly.

"Gusto sana kitang pigilan pero alam kong di kana paaawat." Kumirot ang puso ko. Maski ako Mico, gusto ko na ding itigil ang kahibangang ginawa ko pero may parte sa akin na pinipigilan ito.

"So... Is this goodbye already?"sabi niya na para bang hirap pa itong bigkasin.

Hindi ako umimik. I hate goodbyes. Saying goodbye for me is like, leaving someone and not coming back anymore. "Baby.." he muttered before kissing my lips. The tears we were trying to hold bursted out. Nalalasahan namin ang mga luhang dumadaloy sa aming pisngi. Fuck. Even the tears have the bittersweet taste. Just like our kiss.

-----

Nagising ako sa tabi ni Mico at nakitang alas-kwarto na ng madaling araw. Dapat ay bago mag alas-sais ay nasa Paradox Institute na ako. Maingat akong umalis mula sa pagkakayakap sa akin ni Mico at bahagyang tumayo. Nakiusap kasi siya na matulog ako sa tabi niya. Lulubusin niya na daw ang pagkakataong magkasama kami dahil matagal bago kami ulit magkita.

Ayoko siyang gisingin. Tama na ang pagpapaalam na ginawa namin sa isa't-isa dahil baka pag nakita ko siya ulit na umiiyak ay hindi ko na magawang umalis. I gently kissed him on the lips, making sure not to wake him up. Umalis na ako sa bahay nila.

Bumalik ako sa bahay para maligo at kunin ang nakaimpake kong mga damit. Pagkatapos kong mag-ayos ay dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko. Madilim pa ang buong bahay at tulog pa silang lahat. Gustuhin ko mang magpaalam ngunit hindi maaari. Kaya sinilip ko nalang sina mama at papa sa kwarto nila at ang dalawa kong kapatid. Ano kayang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang wala na ako pag gising nila?

Mabigat sa pakiramdam kong nilisan ang bahay namin. Kahit na hindi ganoon kaayos ang pagtrato nila sa akin ay mahalaga pa din sila sakin. Dahil parte sila ng buhay ko. Muli kong tinignan ang bahay at nagsimula ng maglakad palayo.

Umaasa akong pag nakita ko silang muli ay mag-iba na ang trato nila sa akin at tanggapin na nila ako sa buhay nila.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon