Chapter XXXII: Precognition

2K 93 1
                                    

Halos ilang oras lang ang tulog ko kakaisip kay Fritz. Nag-aalala ako? siyempre. Hanggang ngayon wala pa siya. Sino bang hindi mag-aalala? Bahagya na lamang akong napatayo mula sa lapag na kinahihigaan ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Halos patingkayad akong naglakad para hindi matapakan ang mga kagrupo ko na nagsisiksikan sa lapag at mahihimbing na natutulog.

Ilang oras nalang ay titirik na naman ang araw, at kailangan na naman naming umalis. Napabuntong-hininga na naman ako at napailing ng maisip na naman siya. Napagisip-isip ko nalang na lumabas para magpahangin at baka sakaling mawala ang bumabagabag sa isip ko.

Diri-diretso kong tinungo ang labas at nagulat ako ng makita sina Zoe at Brix. Halata din na nagulat ang dalawa at para bang kinakabahan pa ang mga ito. "K-kanina ka pa ba andyan?" bakas pa din ang pagkagulat sa mukha ni Brix ng magtanong sa akin.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya bago sumagot, "Hindi naman, bakit?"

"W-wala naman." sabi naman ni Zoe. "Nagpapahangin lang kami ni Brix dito. Ang init kasi sa loob eh, tsaka hindi din kami makatulog dahil siksikan."

"Ahh.." tangi ko nalang nasabi at umupo sa upuang kahoy katabi nila.

"Ikaw, bakit ang aga mong magising?"tanong naman sa akin ni Brix.

"Ganun din. Nagpapahangin." sambit ko.

Tahimik lang kaming nakaupo at pinagmamasdan ang papaangat na araw sa langit. Nakarinig na din kami ng mga taong nagsasalita sa loob, hudyat lang na gising na sila.

"Oh, ang aga niyo ah." saad ni captain Conrad ng makita kami sa labas. "Tara mag-almusal na tayo, pagkatapos ay lalakad ulit tayo."

Tumayo naman kami mula sa kinauupuan at isa-isang pumasok sa loob. Nang ako na ang papasok ay saglit akong pinigilan ni captain Conrad para kausapin. "Ano, hindi pa ba nagpapakita yang si Fritz?"

Bumagsak naman ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Imbes na nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya ay nag-alala na naman tuloy ako. "Hindi pa nga eh. Asan na kayo yun?" halos aligaga ko na ding sinabi.

"I really have no idea. But I just want to tell you that we're not gonna extend our stay here just to wait for him to show up." sabi ni captain Conrad na mas lalo ko namang ikinabahala.

Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang. Wala naman akong magagawa dahil captain siya at desisyon niya iyon. Hindi rin naman niya responsibilidad si Fritz dahil ako lang naman ang responsable sa kanya kaya ako lang ang apektado. Ako lang naman ang sisisihin ni President Mcewen kung may mangyaring masama sa anak niya.

Pagkapasok ko ay naligo na din ako at nagbihis gaya ng ibang ginagawa ng mga kasamahan ko. Pinakain pa kami ng almusal nila G. Frollo at G. Allan bago kami umalis. Pagkatapos ay inihatid din nila kami sa train station kung saan sasakay kami doon papunta sa Mt. Shibu.

Nang makarating kami sa istasyon ng tren ay nagpasalamat at nagpaalam agad kami sa mga nagpatuloy sa amin pagkuwa'y isa-isa na kaming pumasok sa loob.

"Hay salamat naman at may transportasyon dito. Akala ko maglalakad na naman tayo eh." rinig kong sabi ng isa naming kagrupo ng makapasok kami sa loob ng tren.

Luma na at kinakalawang ang tren na sinakyan namin. Rinig na rinig nga ang maingay na tunog ng riles at gulong sa labas nang umandar na ang tren. Para bang gigiba ito kapag dumami pa ang mga pasahero. Halos kami lang kasi ang nakasakay sa tren at mayroong mga nasa sampung tao lang ata.

Nagsiupuan na anga iba ko pang mga kasamahan kasama na sina Brix at Zoe. Lumingon muna ako sa labas ng tren bago tuluyang umupo sa bandang dulo ng tren. Napatingin ako kay Grey na mataman akong tinitignan pero nilagpasan ko lang siya ng hindi kumikibo. Matapos nung gulo na nangyari sa kanilang dalawa ni Fritz ay naging civil na lang ang pakikitungo ko sa kanya. Wala akong galit kay Grey, katulad nga ng sinabi ko noon ay mananatili na lang na ganito ang pakikitungo ko sakanya.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa labas ng tren. Baka kasi bigla na lang magpakita si Fritz. Saan naman kaya siya maaaring magpunta? Maayos kaya ang kalagayan niya? Ano kayang binabalak ng lalaking iyon?

Natigil ang paglipad ng utak ko ng makita ang isang batang babae, na sa tingin ko ay mga nasa trese-anyos pa lang. Nakakunot ang noo nito at para bang bagot na bagot itong naglalakad papunta sa akin. Pagkuwa'y sumalampak ito sa tabi ko na parang hindi niya napansin ang presensya ko.

"Hay nako, napakamalas ko naman talaga, oo! Masisira pa ang sinakyan kong tren. Tsk tsk." napailing na sinabi nito, para siyang matanda kung magsalita at umakto.

Napakunot naman ang noo kong binaling ang tingin sa bintana. Paano niya naman nasabing masisira ang tren na'to? Saglit akong natulala para isipin iyon at diretso naman akong napatingin sa bata ng malaman ang dahilan. "You have a precognitive mind?" tanong ko na sa tonong medyo pasalaysay. Yun lang naman kasi ang maaaring dahilan kaya nasabi niya iyon.

"Uh, yep." alanganin namang sagot nito. Nagtataka siguro siya kung bakit ko siya biglang kinausap. "But I actually don't know if my precognition is true, dinidevelop ko palang kasi ito eh. Kaya minsan may mga false precognitions ako." Oo nga pala, ang mga taong pinanganak na may ability ay hindi agad agad nagagamit ng buo ang kanilang power. Nadedevelop pa kasi ito habang tumatanda.

"Ordinary?" the girl said nonchalantly. Hindi ko alam kung insulto ba iyon o hindi pero sumagot pa din ako ng "oo."

"Ahh, hindi kayo taga-dito, no?"

"Oo."

"Eh, anong ginagawa niyo dito?"

Hindi ko na siya sinagot at nanatili na lang na nakatuon ang tingin ko sa view. Mahirap na baka pag tumingin ako sa mga mata niya ay malaman niya pa kung ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap. At hindi ko gustong malaman iyon. Ayoko dahil baka mabago ang takbo ng buhay ko kung sakaling malaman ko.

Ilang minuto pa ng pagbabiyaheng tahimik ay nakaidlip din ako. Pero naudlot din ang pagidlip ko ng makarinig ng mga ingay at naramdaman ko ang unti-unting paghinto ng tren dahil sa gumagawa ito ng malakas na ingay.

"Yes! Tama na naman ako!" natutuwang sabi ng batang babae sa tabi ko. I scoffed. Kung para sa kaniya ay magandang bagay iyon, sa amin hindi.

"Nakakainis naman, bakit ba lagi na lang tayong nagkakaaberya kapag naglalakbay tayo? Ayaw ba talaga ng tadhana na makita natin ang phoenix?" kamot-ulong sinabi ng isa kong kasamahan.

Napahawak ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong gumalaw ang tren. Shit, matutumba ata ang tren na'to!

"Fuck, anong nangyayari?!" napatayong sinabi ni captain Conrad.

"Conrad, ano pang ginagawa natin dito?! Lumabas na tayo!" aligagang sinabi ni Grey at patakbong tinungo ang pintuan ng tren. Nagsisunudan naman ang dalawa naming captains.

"Shit. Ayaw bumukas!" rinig kong sinabi ni captain Grey habang pwersahan nilang binubuksan ang pintuan. Naiislide lang kasi ang train door at automatic lang itong nagsasara o bumubukas kapag may may mga taong lalabas o papasok. Pero mukhang pati ata ito ay nasira na din.

Mas lalong lumalakas ang paggalaw ng tren at animo'y may lindol sa loob. Nagsimula na ding magsigawan at magpanic ang Paradox members at ang iba pang pasahero. I cursed and mentally slapped myself because of stupidity. Sinabi na sa akin ng bata na mangyayari ito pero bakit ipinagsawalang-bahala ko lang?!

"Alam mo ba ang susunod na mangyayari?!" natataranta kong itinanong sa bata na prente lang na nakaupo habang pinapanood kaming nagkakagulo.

"Uhm, oo."sabi nito na para bang hindi namomroblema. "May magliligtas naman sa atin kaya wag na kayong magpanic." kampanteng sagot nito.

"Paano kung mali ang precognitions mo?" kunot-noo kong tinanong sa kanya.

Nakita ko ang biglaang pagkislap ng mga mata ng bata at sumilay pa ang ngiti sa labi nito. "Tama ako. Andyan na siya oh!" ngiting tagumpay na sinabi nito.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon