Chapter LI: Way to The Phoenix 2

2.1K 91 9
                                    

Wala na kaming ginawa ni Fritz kundi ang tumakbo nang tumakbo. Hindi pa din siya bumibitaw sa pagkakahawak sa aking kamay kaya halos madapa-dapa pa ako para lang masabayan ang malalaki niyang mga hakbang. Unti-unti na din akong kinakapos sa hininga pero kahit ganun pa man, hindi ako humihinto. Hindi ako pwedeng huminto. Lalo na't may mga humahabol sa amin.

Ilang minuto pa naming pagtakbo ay sa wakas, narating din namin ang pinakamatarik na parte ng kabundukang ito. Halos nanginginig ang buong katawan ko nang mapakapit ako sa mga balikat ni Fritz. Kusa nang huminto ang aming mga katawan marahil sa sobrang kapaguran.

"Saan ba ang patutunguhan natin?" hinihingal na tinanong sa akin ni Fritz, mababakas sa kanyang tono ang pagkalito.

Tinignan ko ang kanyang mukha na punung-puno ng pawis saka sumagot, "Hindi ko din alam. Ang sabi ni Troth ay hanapin natin ang phoenix pero ang tanong, saan naman kaya natin yun hahanapin? Napakalaki ng Mt. Shibu."

Pinilit kong tumindig ng maayos at saka inilibot ang tingin sa magubat na paligid. Si Fritz naman ay naglakad papunta sa isang puno at sumandal doon. "Malamang, andidito lang iyon. Kinakailangan lang nating maghintay.." pagkuwa'y sinabi niya.

"Pero hanggang kailan naman tayo mag-aantay dito? Kailangan tayo mismo kumilos at maghanap non dahil kung hindi ay baka maunahan na tayo ng iba." mukhang hindi ko na maalis ang pagkataranta sa aking sistema. Bawat paghinga ko ay kasabay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Nararamdaman kong malapit na kami.

"Teka.." sambit ni Fritz na nakapagpatahimik sa akin. Naging alerto ako nang makita kong may nararamdaman si Fritz na tila kakaiba. Doon ko lang din naring ang mga papalapit na yabag. Tinignan ako ni Fritz at muling hinawakan sa kamay, hudyat lang iyon na muli na naman kaming tatakbo.

Ngunit patakbo palang kami ay pinaputukan na kami ng sunud-sunod na mga bala. "Bilis, Astrid!" sambit ni Fritz sa akin at patakbo na namam akong hinila.

Hindi pa din tumitigil ang mga bumabaril sa amin at ramdam kong dumadami pa sila. Habang tumatagal ay hindi lang baril ang armas na ginagamit nila sa amin. May arrow na ding mga lumilipad papunta sa amin pero mabuti at nakakaiwas kami. Pero sa sobrang kakaiwas ko ay hindi ko namalayang natapakan ko na pala ang isang patibong.

"Astrid!" gulat na sigaw ni Fritz kasabay ng pagpalahaw ko. Natapakan ko ang isang malaking lambat at walang anu-ano'y ibinitin ako nito sa ere. Hindi ako makagalaw sa sobrang sikip nito at nahihirapan din ako sa paghinga. Para akong naging hayop sa sitwasyon ko ngayon.

"Tumakbo ka na, Fritz! Hayaan mo nako dito, hanapin mo na ang phoenix!" kahit nahihirapan ay pinilit ko pa ding sumigaw ng malakas para marinig ni Fritz ang sasabihin ko.

Pero asa namang susundin ako ng lalaking ito. Parang hindi lang niya narinig ang sinabi ko at patuloy pa din sa pagtanggal doon sa lubid na nakatali sa puno. Ang lubid na tinatanggal niya ay nakakonekta sa lambat kung saan ako nakakulong ngayon.

"Paparating na sila Fritz! Umalis ka na!" muli kong sabi sa kanya pero patuloy pa din siya sa ginagawa niya. Kumuha pa siya ng bato at ipinangkiskis sa lubid. Hindi ko alam kung paano niya ito eksaktong ginagawa pero sa tingin ko gumagana ito. Unti-unti ay bumaba na nang bumaba ang lambat. Hanggang sa natanggal na ito ng tuluyan ni Fritz.

"Aahhhh!!!" sigaw ko nang tuluyan akong bumagsak mula sa itaas. Ipinikit ko ang mga mata ko at inihanda na ang sarili ko sa sakit na mararamdaman ko. Pero kung inaakala kong babagsak ako sa matigas na lupa, ay nagkakamali ako. May sumalo sa akin!

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko nasilayan ang nakangiting mukha ni Fritz. Sinasabi ko na nga ba.. Pero hindi ito oras para sa ganito. Agad ding sumeryoso ang aming mga mukha at bahagya din niya akong ibinaba. Magpapatuloy pa sana kami sa paglalakad ngunit napasinghap kami nang makita ang mga tiga-Romanesce na nakapalibot sa amin.

"At sa tingin niyo kayo ang makakakuha ng phoenix?" napalinga-linga ako upang hanapin ang pamilyar na boses. Doon ko nasilayan ang mukha nang isang ordinaryong tao na tulad ko. Ang asawa ni Dr. Pan!

Hinanap pa ng mukha ko ang ilang pamilyar na tao subalit mukhang siya lang sa pamilya nila ang nandito. Nakatutok ang kanyang baril sa amin kagaya ng ginagawa ng iba niyang kasamahan. "...pwes, nagkakamali kayo! Sa amin ang phoenix. Hindi kami makapapayag na mapunta ang ibon sa mga dayuhang tulad ninyo!" nanggagalaiting sinambit nito.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin at ng mga kalaban. Nagtinginan kami ni Fritz para mag-usap gamit ang aming mga mata. Pero hirap akong basahin ang nais niyang ipahiwatig. Muli akong tumingin sa aming mga kalaban at mukhang pansin nila ang ginagawa namin ni Fritz. Napangiti na lamang sa amin ang asawa ni Dr. Pan na para bang nang-aasar ito.

"Nag-iisip kayo ng paraan para makatakas??" sabi nito sa sarkastikong tono. Pagkuwa'y napahalakhak pa ito dahilan kung bakit nagpanting ang tenga ko. "Pero wala na kayong kawala, napaliligiran na namin kayo." dugtong pa nito na mas kinainis ko.

Nagpalakad-lakad pa siya papaikot sa amin habang matamang pinagmamasdan ang aming hitsura ni Fritz. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pang-aasar kaya minabuti ko na lamang na wag makipagtitigan sa kanya dahil baka mas lalo lang akong mainis.

"Sige, patayin niyo na ang mga traydor na ito!" pagkuwa'y sinabi nito na nagpaalerto sa amin.

Isa-isa na nilang kinakasa ang kanilang mga baril. May lumapit din sa aming mga lalaki at hinawakan kami sa magkabilaang braso. Pinilit kong kumalas pero mahihigpit ang kanilang mga pagkakahawak sa akin. Itinutok na ng kalaban ang baril sa aking noo. Napalunok ako sa sobrang lapit nito at hindi ko na napigilang lumihis ng tingin.

Doon ko nakita sina Brix at Zoe na maingat na naglalakad sa parte kung saan matataas ang mga damo. Wala man lang nakakapansin sa kanila na may dalawang tao pa na nagbabalak makakuha ng ibon. Nagkatitigan kami ni Zoe at isang ngiting tagumpay ang ibinigay niya sa akin. Hanggang sa unti-unti na silang makalagpas at mawala sa aking paningin. Shit. Hindi pwede!

Dismayado kong ibinalik ang aking tingin sa kalabang nasa harap ko pero napatalon ako dahil sa gulat nang makitang bumagsak na ito sa lupa. Nakita ko si Fritz na wala nang kalabang nakahawak sa mga bisig niya at may hawak-hawak na siyang baril. Sunud-sunod niyang pinatamaan ang mga lalaking nakahawak sa aking mga braso.

Nang makawala ako ay kinuha ko din ang baril na nasa bulsa ng namatay na kalaban at pumunta sa gawi ni Fritz. Naalarma ang mga natitirang kalaban kasama na ang asawa ni Dr. Pan dahil sa biglaang nangyari. Ikinasa nila isa-isa ang mga baril na hawak nila at itinutok sa amin. Ganun din ang ginawa namin ngunit bago pa namin magawang ipaputok ang baril ay may bumaril na sa mga tiga-Romanesce mula sa likuran.

Papalapit sa amin ang tatlong captains at isa-isa nilang kinalaban ang mga sumusugod sa kanilang mga kalaban. Napatingin sa akin si Grey at saka sinabing, "Umalis na kayo, Astrid. Kuhanin niyo na ang phoenix!"

"Pero..." bakit nila kami tinutulungan gayong itinuring ko na silang kaaway at inilagay sa peligro?! nanatili akong nabato sa kinatatayuan ko.

"Wala nang pero pero, dali na! Umalis na kayo! Kami na ang bahala dito!" sambit ni Captain Conrad na nagpagising sa diwa ko.

Tumingin ako kay Fritz at tinanguan niya ako. Tumalikod na kami sa kanila at muli, magkahawak kamay naming tinahak ang daan papunta sa phoenix.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon