"You heard me, right?" he gave me a smirk, an evil one. "Catch," sabi niya sabay hagis ng kutsilyo sa akin. "That's a fixed-blade dagger. Don't worry, parehas tayo ng medium na gagamitin."
"Woah, wait. Are you serious?" I asked, bewildered. Gusto ba akong patayin nito?
"Yep. Kaya tara na sa ring,"sabi nito at nauna nang maglakad patungo sa bakanteng ring.
Ramdam ko ang tensyon ng atmosphere ng paligid. Ang ilang tao sa kwarto ay napatigil sa pagtitraining at napatingin sa amin. Ang iba ay natatakot para sakin. Maski ako, natatakot. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pero ayoko itong ipahalata. Ayokong masabihan na duwag kaya gagawin ko 'to.
Humarang si Captain Conrad sa daanan namin at napatingin siya sakin na para bang kinakabahan din. "Bro, you're insane. Nagsisimula palang magtraining si Astrid at isasabak mo na agad sa ganyan?! Hindi pa nga ata marunong humawak ng kutsilyo yan eh."
"Tss... wag ka nga mangialam." Sabi ni Captain Grey at itinabig ang mga kamay ni Captain Conrad na nakahawak sa mga braso niya.
Pumasok na siya sa ring at ganun na din ang ginawa ko. Being on the ring felt like a hell already. What more kung ang makakalaban ko pa ay ang Captain ng grupong ito? Oh, Astrid. You're fucked up.
"Do the first move." Sabi niya habang nilalaro laro ang dagger na para bang wala lang. "P-paano?" maang kong tanong.
"Patamaan mo'ko. Sugatan mo ako kung gusto mo. Go on." Nakatingin lang siya sakin ng seryoso at hinihintay ang gagawin ko.
Maya maya pa ay lumapit na ako sa kanya at inatake ko siya gamit ang dagger na hawak ko. I saw the corner of his lips curved into smile at sinalag ang bawat pag atake ko. Maririnig mo ang bawat pagtama ng aming mga patalim. Nakakarindi ito at nakakangilo. Sobrang bilis ng galaw namin. Hindi ko inakalang masasabayan ko ang bawat kilos niya. Sa pagkakataong ito, patas kami kaya kahit masakit na ang mga balikat ko at braso ay hindi ako humihinto. Alam kong sa isang maling galaw ko lang ay maaari niya na akong malamangan.
Lumipas ang ilang minuto at ganun pa din ang nangyayari sa amin. Ni hindi nagbabago. Inaatake ko siya at sinasalag niya lang ito. Alam ko ang plano niya, gusto niya na ako ang gumawa ng panibagong kilos but I can't take the risk. Lalo na kung alam kong malapit na akong sumuko.
Ilang minuto pa at di ko na napigilan na sabihing "tama na." Agad din naman siyang tumigil. Naitukod ko ang aking mga kamay sa aking magkabilang tuhod na hingal na hingal. Tumatagaktak ang pawis ko at sa tingin ko ay hindi pa din bumababa ang pulse rate ko dahil sa adrenaline rush.
"Good." He said while smiling. "I can see potential in you. If you want, I can be your personal trainer. Trust me, malaking pakinabang ang mga ituturo ko sa iyo."
"Salamat na lang." agad kong isinagot. Di ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nagbalak pa siyang mag-offer sakin ng ganun.
"No, really. Gusto kong pag-isipan mo ito. Wala namang bayad." sabi niya na nakangiti pa din.
Tumango na lang ako at umalis sa ring nang hindi na siya mangulit.
"Ahh, yun pala yun Grey. Tryna score, eh?" narinig kong sabi ni Captain Conrad kay Captain Grey habang tumatawa. "Shut up." Seryosong sabi naman nito.Anong ibig sabihin ng pinag-uusapan nila? Well, I think it's none of my business anymore.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa locker ng mapansing nakatingin sakin si Captain Akiko. Masama ang tingin niya sakin. Ano naman kaya ang problema ng isang yun?
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa locker room para umalis dahil tapos naman na ang training. Palabas na sana ako ng training room ng bigla akong pinigilan ni Captain Grey. "Hey, you goin' home already?" nakapagpalit na din ito ng panibagong damit at mukhang presko na. Kami-kami nalang ang natira dito sa kwarto.
"Yep." tipid kong sagot dahil ayokong pahabain ang usapan.
"Maaga pa naman, just wanna ask you if you wanna have some coffee?" Is that an invitation? Narinig ko ang pagsipol ni Captain Conrad sa sulok at para bang nakikinig ito sa usapan namin. Nang magkatinginan kami ay ngumisi lang siya sa akin.
"Uhm, sorry but I have to say no. May sundo kasi ako." Pagprangka ko sa kanya. Not that I'm being rude, but that's the truth. Nag-aantay na sakin si Mico sa labas. "Sino?" tanong naman nito na para bang curious na malaman.
"My boyfriend." simple kong sagot. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Bakit naman ganito ang reaksyon niya? "Oh, okay. Got it." Nasabi niya nalang nito at tumalikod na sa akin. Lumabas na din ako ng kwarto at hinayaan na sila doon.
Pagkalabas ko ay nakitang nag-aantay na si Mico sa akin. Ang mga kamay nito ay nasa bulsa ng jacket niya at nakatingin siya sa direksyon ko. Malayo palang ay alam kong nakangiti na ito. "Hey, buddy. How's your training?"
"Ays lang. Pinahirapan ako ng lintek naming Captain. Biruin mo, unang training ko palang pero pinag knife fighting niya na ako." Para akong bata na nagsusumbong. Natawa nalang siya sa akin. "Well, good thing na hindi ka naman nagalusan. Mukha namang nagawa mo ng maayos eh." Sabi niya saka ngumiti. "You wanna have some coffee bago kita ihatid?"
Sumilay ang ngiti sa labi ko. Kahit kailan ay alam niya ang makakapagpagaan ng mood ko. Paborito ko kasi ang kape at madalas niya akong dalhin sa paborito naming coffee shop.
"Sure."
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
Viễn tưởngThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...