Chapter 5

20.2K 601 21
                                    

Chapter 5

ALEXIS

Nandito kaming apat sa soccer field kasama na rin ang mga kaklase namin at inaantay nalang ang bus na sasakyan namin.

"Sophia!"

Nakatingin lahat kami sa tumawag kay Sophia at isa sa mga kaklase namin 'yun.

"Bakit?" tanong ni Sophia.

"Tinatawag ka ng Dean," sagot niya agad naman tumayo si Sophia sa bench at nag-paalam na umalis tumango naman kami bilang sagot.

"Pumunta muna tayo ng canteen nagugutom na ako," reklamo ni Stella at hawak-hawak ang tiyan niya.

Tumayo ako at inaya si Tiffany na kumain muna sa canteen sumama naman siya at siya na ang nag-order ng makakain.

"Ito na ang order natin!" sabi ni Tiffany at umupo sa tabi ko at inilapag ang dala niyang tray.

Spaghetti √

French Fries √

Strawberry Cupcake √

And Strawberry Juice √

Ang mga inorder ko. Nagsimula na kaming kumain.

"Good morning, Monteverde's Students. The camping was been delayed last day and the Dean decided to change the camp and we'll gonna have a 3 days and 2 night Field Trip in Monteverde Field."

Nag-repeat ng tatlong beses ang nagsalita sa speaker at alam kong boses 'yun ni Sophia.

"Yes! Makakapunta ulit ako sa Monteverde Field," exited na wika ni Stella.

"Monteverde Field?" tanong ko.

"Ang Monteverde Field ay kilala at sikat na pinupuntahan ng mga mayayaman na tao at studyante pwede kang kumuha ng kung ano-anong souvenir," paliwanag ni Tiffany. Souvenir lang ang nagdala e, 'no? Wala bang magagandang view? Mukhang meron naman.

"Maganda na rin na field trip tayo kesa mag-camping," sagot naman ni Stella.

Kaunti lang ang mga studyanteng kumakain ngayon dahil lahat ay nasa soccer field at inaantay ang bus na mag-hahatid sa Monteverde Field na sinasabi nila.

"Mag-CR lang ako ah," sabi ko at tumayo na.

*Kring* *Kring*

Nagsipasukan ang mga bully boys sa canteen at wala na akong pake doon. Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang sa daan.

Pumasok na ako sa CR at pagkatapos kong mag-CR ay lumabas na ako kaso wala na akong nakitang Stella at Tiffany sa upuan namin.

Mukhang hindi na ako inantay at umalis na ang dalawa.

Lumabas nalang ako ng canteen at hinahanap ang dalawa baka bumalik na 'yun sa bench. Bigla nalang may humawak sa braso ko at ihinarap sa kanya.

"What?" malamig na tanong ko.

"Tsk. Bakit hindi-"

"Ayaw kong pumunta, nakuha ko ang sulat pero wala akong oras para pumunta," walang expression na sagot ko kay Alex at kinuha ang braso ko sa kanya at nagsimula ng maglakad.

"Humanda ka sa 'kin, Nerd." Rinig kong bulong nito bago ako tuluyang makaalis.

Dumating na ang bus na sasakyan namin at saktong nakita ko ang dalawa na nakaupo sa bench.

"Sorry, Alexis, nagmamadali kasi itong si Tiffany baka daw magalit si Sophia," sagot naman ni Stella. Tumango nalang ako at sinundan sila.

Agad namang dumating si Stella na nakangiti, "Let's go," sabi niya at kinuha na ang mga gamit.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon