Chapter [89]

5.2K 139 26
                                    

Chapter [89] - Revelation I

Hindi na namin tinalian si Tyler at kusa lang itong sumusunod sa amin. Lumabas muna kami sa labas ng bahay ng Lola ni Killer at nagpunta sa pabortiong spot ni Killer.

Sa likod ng bahay ng Lola ni Killer may nakatago ditong Falls na iilan lang ang nakakaalam ng lugar na ito.

Umupo ako sa isang malaking bato at pinanood si Tyler na gumala at tuwang-tuwa na makita ang Falls.

Tumabi naman sa akin si Killer at walang kumibo sa amin dalawa. Pinanood lang namin ang aso at napangiti sa ganda ng view.

"Alam mo ba ang pinakamagandang view?"

"Ano?"

"I love view."

Hindi ko alam pero nagising ako sa realidad ng maaalala ko ang nangyari noon. Hindi talaga ako makapaniwala na sa wakas ay bumalik na ang alaala ko. Naiintindihan ko na ang lahat at lahat ng mga tanong na hindi masagot-sagot ay nasagot sa isang pagbabalik ng alaala ko.

"Apo, kumain muna kayo. Sayang ang mga niluto namin ng mare ko kung hindi niyo kakainin. Bisita pa naman kayo atsaka baka gutom na ang kasama mo," sabi nito at napaakbay naman si Killer sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Buti nalaman niyo Lola na gutom na ito. Kanina pa ito nagrereklamo e," sabi nito at ng tignan ko ng nakakagulat na tingin si Killer ay nakangisi ito at kinindatan ako.

Tumawa ang Lola ni Killer at ng tumalikod na ito ay agad kong hinawakan ang kamay nito at ibinalibag.

"Oww! Sh*t! Black, masakit. Heck!" reklamo ni Killer at natawa lang ako at tumakbo na hinabol ako ni Killer at sumunod naman na hinabol kami ni Tyler.

Tumatawang pumasok ako at naabutan naman namin ang Lola ni Killer na tuwang-tuwa habang kausap ang mga bisita nito. Napatigil lang ito ng dumating kami at binigyan kami ng kutsara at tinidor kasama na rin ang paper plate.

"Kuha nalang kayo, Hija ng gusto niyo ng Apo ko at mamaya gusto ko kayong makausap dalawa," sabi ng Lola niya at tumango nalang kaming dalawa.

Nagulat ako ng kurutin ako ni Killer sa pisngi ko at natawa nalang ang Lola ni Killer.

"Kumain na kayo bago pa lumamig ang pagkain," sabi nito at tumango naman kami bago ang Lola ni Killer nagpaalam na kakausapin lang ang bisita.

Humanap kami ng mauupuan ng makakuha na kami ni Killer ng pagkain.

"Paano si Tyler? Nakakain na ba siya?" tanong ko kay Killer at napa-isip naman ito.

"It's 7 and mamayang 7:30 pa ang lunch niya pero sige.. aagahan ko ng pagkain sa kanya ng dog food para sa ikakasaya ng kanyang tiyan at ng Amo," at tinignan ako ni Killer at pinakita ang nakakalokong ngiti sabay kindat.

Minsan ko lang talaga makita ang good side ni Killer at pili lang na tao niya ito pinapakita.

"Good. After this we should go back-dala si Tyler," habol ko at napangiti naman si Killer. Of course he should show his good attitude because kita ng Lola niya ang lahat at nasa teritoryo siya ng kanyang pinakamamahal na Lola.

"Copy that," he said. Wala ng nagsalita sa amin at inubos na ang pagkain. Lahat masasarap at masaya ang naging handaan at hindi naging boring lalo na't dapat ang Lola ni Killer ang regaluhan at suprisahin pero pagdating ko dito nasurprisa ako sa isang regalo.

At hindi naman nagpahuli si Killer at nagdala ito ng regalo para sa kanyang Lola at isa itong mamahaling kwentas na alam kong matagal niyang pinag-ipunan.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon