Chapter [63]

7.1K 220 8
                                    

Chapter [63] - My Cousin

Masakit mang tanggapin ay kailangan. Wala na siya. Wala na ang Leader ng Black Hell Gang. Namatay siya dahil saktong-sakto sa puso ang pagbaon ng bala.

Kinakausap ngayon ni X ang mga magulang ni Leader na si Tita Ceylin at Tito Drake at nandito si X sa kwarto ko kasama si Violet na tahimik na nakikinig sa kausap ni X.

Puro hikbi ang mga naririnig ko galing kay Tita Ceyla habang pinapatahan naman siya ni Tito Drake.

"Who kill my son? WHO THE HELL KILLED HIM?!"

Napakuyom ako ng palad nang marinig ko ang dumodobleng boses ni Tita Ceyla na parang sinasapian siya habang tinatanong iyon. At naalala ko si Tanaria na siyang bumaril sa akin na sinalo ni Dark.

"Tanaria Jyinar. Her father own three restaurant in New York it is Jyinar Restaurants."

Sagot ni X at tinignan kami ni Violet na nakikinig lang sa usapan nila.

"Easy as pie. Don't worry hawak namin ang kompanya nila at pwede ko itong kunin sa isang segundo lang. Tanaria father will pay for my son's death."

Alam na nila Tita at Tito na patay si Tanaria pero hindi nila alam na ito ang pumatay kay Leader sa anak nila. Napatayo ako at kinuha kay X ang phone. "Hello, Tita Ceylin. It's me Alexis Smith, I know you can get those restaurants but please hindi kasalanan ng father ni Tanaria ang pagkamatay ni Kyle pwede mong kunin ang dalawa basta itira ang isa."

Sabi ko at narinig ko naman ang pag-buntong hininga ni Tita Ceylin sa telepono. "Fine, Alexis. Hindi na mabubuhay pa ang anak ko kahit kunin ko lahat ng ari-arian nila. I'll hung up now. I will text Bryan kapag nandito na ang katawan ni Kyle."

Umiyak na naman si Tita at ako na ang nag-end ng tawag at hinagis kay X ang phone niya at nasalo naman niya ito. Tita Ceylin at Tito Drake are both secret agents pero bago pa sila maging agent ay pareho silang gangster na nagkilala sa iisang school and then after nilang magka-anak ay pinili nalang nila na maging agent.

"Magme-message nalang sayo si Tita Ceylin pag-andon na ang katawan ni Leader," sabi ko at tumango naman siya at walang sinasabing umalis sa kwarto.

"Maligo na ako. Sumunod ka pagkatapos ko," sabi ko at tumango naman si Violet at naghukay na nang susuotin nito at pumasok na ako sa banyo para maligo.

****

Stella Point of View,

Kanina ko pa sinusubukan na tawagan si Alexis dahil dalawang araw na itong hindi sinasagot ang tawag ko at nang makita ko naman 'yung lalaking kasama ni Alexis lagi ay nakita ko na may dala itong dalawang maleta at nag-aantay ng taxi. Tinanong ko ito pero ang huling pagkikita nila ay 'yung gabing kumain kami lahat kasama ang SWG.

Pabagsak na napaupo ako sa sofa at tinignan naman ako nila Julian at Jasmine habang ang iba ay nasa kwarto at ang iba ay naghuhugas ng pinakainan dahil sila ang natalo ng mag-Rock Paper Scissor kami kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan pagkatapos kumain.

Tinanong rin ni Julian si Jake kung nakita o napansin nito si Alexis pero ang reply nito kay Julian ay hindi nito nakita si Alexis dahil tanging umiikot lang ang mundo nito kay Julian kaya nangamatis na ang mukha ni Julian sa kilig.

Napairap ako sa kawalan at sinubukan ulit na tawagan si Alexis pero patay ang phone nito kaya naihagis ko sa kung saan ang phone ko sa sobrang pag-aalala nang mapagtanto ko ang ginawa ko sa phone ko ay tumakbo ako patungo sa nilandingan ng phone at tinignan kung may basag ang screen at nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng wala akong makitang gasgas.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon