Chapter 17

13K 527 33
                                    

Chapter 17

ALEXIS

Pagkatapos namin kumain ay nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng mga libro at pag-aalis ng mga alikabok.

Tinatapon na namin ang mga luma at sira nang libro habang ang mga bago pa at pwede pang magamit ay tinatabi namin at idadala naman nila Reyster ito sa Elementary Library.

"Guys, I'll just rest for a while." Paalam ni Freak at humikab. Sinundan ko ito ng tingin at agad naman nagtama ang tingin naming dalawa o kanina pa siya nakatingin sa akin.

Tinuro nito ang sarili ko, "Hoy, 'wag mong kalimutan ang punishment ko," pahabol niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Oh? Sa tingin mo susundin ko 'yun?" tanong ko sa kanya na ikinatigil niya at ngumisi.

"Well... goodluck sa scholarship mo." Bulong nito pero halatang nilakasan ang boses para marinig ko at parang lumaki ang tenga ko sa narinig nang maalala ko na scholar lang ako. Sh*t.

"Okay fine! You win." Pag suko ko at napairap nalang. Ba't kasi naisipan pang gawin na scholar ako kaya ko naman bayaran ang tuition ko.

"I'll set you free when I don't need you anymore." Sabi nito at tuluyan nang umalis.

"Yaissst! That ugly jerk!" pahabol ko na ikinatigil ng mga kasama niya.

"Panget ba si Alex?" tanong ni James at napatingin kay Justine pero umiling lang si Justine.

"Tsk. May sinabi ba akong panget siya diba hindi naman atsaka nag sasayang ka lang ng oras maglinis ka na nga at makapag-pahinga na rin tayo," sabi ni Justine kaya bumalik na si James sa paglilinis.

***

STELLA

Natatawang bumalik ako sa dorm at napasalampak ng higa sa higaan ko. Nakakapagod naman ang araw na ito.

Ilang minuto na akong tulala sa kisame hanggang sa makaramdam ako pagka-gutom.

Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ang money card ko sabay labas ng dorm para makabili ng pagkain.

Sarado na ang cafeteria dito pero may mga restaurant ditong nakabukas.

Pumasok na ako sa Restaurant malapit sa cafeteria at umupo sa malapit ang table sa window glass.

Hindi rin nag-tagal may lumapit sa akin na waiter at sinabi ko sa lahat sa kanya ang order ko.

Habang inaantay ko ang order ko ay may-isang unggoy na gumising sa akin mula sa pag-iisip.

"Uy! Arthur, ikaw pala 'yan. May kailangan ka?" tanong ko pero umupo lang siya sa harap ko at nagbasa ulit ng hawak niyang libro.

"Nakapag-order ka na ba?" tanong niya at wow! Ang husky ng voice niya. Minsan lang kasi ito magsalita at pansin ko lang na simula nang dumating si Alexis as a tranfer student sa MA ay nagiging close at nakakausap na namin nang madalas ang Silver wolfs.

"Nakapag-order na inaantay ko nalang," sagot ko at kinuha ang phone ko at nag-scroll sa facebook.

Pagdating ng waiter ay binigay na niya sakin ang order at binayaran ko naman siya pagkasabi niya ng total bills.

"Mr. Dela Cruz, ano po ang order niyo?" tanong ng waiter.

"One rice, coke, dalawang steak at isang beef." Rinig kong banggit nito habang nakatutok pa rin sa binabasa nitong libro. Napanguso naman ako nang sinubukan kong basahin ang binabasa niya pero nakita ko pa lang ito ay sumakit na ang ulo ko.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon