Chapter [73]

6.6K 186 17
                                    

Chapter [73] - Awake

Stella Point of View,

It's been five years na in relationship na ako kay Arthur at limang taon rin akong hindi maka-move on sa nangyari kay Alexis.

"Manager Stella, may nag-hahanap sayo sa labas," sabi ni Ynna na isang waiter ng Restaurant na ibinigay sa akin ni Dad.

"Papasukin mo namang dito, Ynna. May ginagawa ako," sabi ko habang may inaasikasong papel sa lapag ng office table ko.

Narinig ko naman ang pag-bukas at sara ng pinto kaya inangat ko na ang tingin ko at napangiti ako ng makita ko ang napakagwapong boyfriend ko sa buong planeta.

"Hey! I texted you but you didn't reply," sabi niya kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko at binuhay ito at nakita ko ang limang missed calls at sampung message ni Arthur.

"Pasyensya na. Busy lang kasi ako," pag-hingi ko ng paumanhin at naupo siya sa upuan at tumango na sinasabing okay lang.

"Kailan vacant hour mo at anong oras?" tanong niya sa akin at tinignan ko naman ang relo ko.

"Meron akong two vacant hours, bakit?" tanong ko kay Arthur.

"Nakausap ko na sila Jake na pupunta sa cemetery para dalawin si Alexis at pag-katapos balak ko sanang mag-over night tayo sa mansion nila Alexander. Wala naman ang mga magulang niya dahil nasa Canada ito," wika ni Arthur na ikinangiti ko.

"Okay! Game ako diyan, isasara ko nalang ng maaga itong restaurant ko at para makapag-pahinga ang mga trabahador ko," sabi ko at nag-liwanag naman ang mukha ni Arthur at tumayo.

"Can I kiss you?" tanong niya at sasagot pa sana ako ng bumukas ang pinto ng office ko at pumasok si Ynna. Nang makita niya kami ay nag-hingi siya ng paumanhin.

"Wala ba sa vocabulary mo ang pagkatok bago pumasok?" tanong ko at yumuko naman si Ynna.

"Pasyensya na, Manager Stella. Meron po kasing nag-hahanap sa inyo at sabi nila mga kaibigan niyo daw po siya," nakayukong wika ni Ynna at tumango naman ako.

"Antayin nalang nila ako sa labas at Ynna, ipapaiwan ko sa inyo ang restaurant ko at saraduhin niyo ito ng maaga para makapag-pahinga kayo. Sayo ko muna iiwan ang susi," sabi ko at nag-angat naman ng ulo si Ynna.

"Sige po, Manager Stella," sabi nito bago lumabas. Tumayo ako at ninakawan ng halik sa pisngi si Arthur at kinuha na ang bag ko.

"Tara na, nambubulabog ata ang mga kasama mo," sabi ko at natawa naman ng mahina si Arthur at lumabas na kami ng opisina. Marami akong nakilala na estudyante ng Monteverde Academy dahil malapit lang ang restaurant namin sa MA.

"Arthur, sasama ba si Alexander?" tanong ko at napalingon naman siya sa akin at umiling.

"Tulog siya at hindi niya sinasagot ang tawag ko ngayon pero kahapon nag-paalam na ako na mag-oover night tayo sa house niya at pumayag naman siya," sabi niya at tumango naman ako. He's totally inlove to Alexis and I don't know why I don't like him to my best friend.

Paglabas namin sa restaurant ko ay sinalubong na ako ng yakap nila Julian, Sophia at Tiffany habang nakangiti naman sila Bea, Liza, Kathrine, Jasmine at Jules.

Si Julian ay isang fashion designer. Si Sophia naman ay isang chief sa restaurant ng Daddy niya habang si Tiffany naman ay may business sa states. Sila Bea at Liza ay parehong photographer sa ibang bansa pero kakauwi lang ng dalawa dahil may isang celebration na nagaganap sa family nila at siguro bukas o makalawa ay babalik siya sa states. Si Kathrine kinuha ng parent niya para hawakan ang isang business nila at sila Jasmine at Jules naman ay isang magaling na Doctor sa isang kilalang hospital na pag mamay-ari ng Smith.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon