Chapter [49]

8.7K 260 13
                                    

Chapter [49] - BHG Plan

Joanna Point Of View,

*WAKE UP!!* *WAKE UP!!* *YAH! WAKE UP!!*

ARGH! Agad kong hinagis ang cellphone na sinusubukang gumising sa maganda kong tulog at nagtalukbong ulit ng kumot at bumalik sa tulog.

Nawala ang antok ko ng may maramdaman akong paglubog ng higaan ko siguro gising na si Ate Alexis.

Humarap akong nakapikit pa rin at ng idilat ko ang mga mata ko...

"Waaaaaaaaaaaaaah!"

Sigaw ko at nahulog sa higaan, ikaw ba naman kasi paggising mo may lalaking katabi ako at nakakunot noong tinititignan ako.

"Where's Alexis?" seryoso nitong tanong.

"Aba! Ikaw nga 'tong unang nagising at ako ang huli malamang hindi ko alam!!" sigaw ko at nagtatalon sa higaan, napatigil lang ako ng makita ko sa sofa ang isang sulat.

"Kuyaaaaaa! Yung sulaaaaaaat!" sabi ko habang nagpapatuloy sa pagtalon kaya kunot-noo niya akong tinignan.

"Ano?" tanong niya.

"Yung... Ah? Ah! Basta nakalimutan ko na!" sabi ko at napaupo sa pagod.

"Tara baba tayo, breakfast lang," sabi nito at nakapasok ang mga kamay niya sa jacket niyang lumabas walang iba kundi si Kuya Bryan.

****

At Fast Food Chain

Hindi ko alam kung anong nakain ni Kuya at naglibre siya ngayon.

"Nga pala kanino 'yung cellphone na nabasag?" tanong nito kaya napatigil ako sa paglamon ng hamburger ko.

"N-nabasag?" tanong ko at uminom ng tubig.

May kinuha siya sa bulsa niya at cellphone ito ihinarap niya ang screen kaya nakita ko ang basag nito.

"Ah! Kay Leader 'yan," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Tapos ka na ba?" tanong nito kaya nagtaka ako.

"Hindi ka man lang ba kakain? Kung ayaw mo akin nalang," nakangiting saad ko at tumango naman siya.

"Go ahead, wala pa akong ganang kumain," sabi nito at ibinalik sa bulsa niya ang phone.

"But after that we will find Black."

Agad naman akong nabilaukan sa pagdugtong ni Kuya Bryan sa sinabi niya.

"What? Kuya baka naman nag-shopping lang 'yun," sabi ko.

"Black hate shoppings."

"Baka naman nag-jogging."

"Hindi nagjajogging si Black that girl hates to be alone kung magjajogging siya sana nagpaalam siya."

"Ah baka nasa rooftop?"

"Nang galing na ako doon bago ako pumunta sa kwarto niyo ni Black."

"Tara hanapin na natin, nawalan na ako ng ganang kumain," sabi ko at tayo na tumango naman si Kuya Bry at tumayo na rin.

Naglalakad na kami ng may nagsalita, "Good Morning! Ma'am and Sir, what can I help you?" tanong nito sa amin.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon