Chapter 7

18.2K 516 44
                                    

Chapter 7

ALEXIS

Hindi naman talaga ako inaantok nawalan lang ako ng gana dahil may isang taong nagpapakulo ng dugo ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kanya pero galit talaga ako sa kanya. Siguro dahil sa pagiging bossy niya.

"Anong oras ang fire works display?" Tanong ko kay Jake tumingin naman siya sa akin.

"Nandito ka pala, Alexis. Akala ko ba inaantok ka na?" Tanong niya sa akin.

"Just answer my question," sabi ko dito at nag crossed arms.

"Mamaya pa hinahanda palang, maupo ka muna dito at mamaya dadating si Ian na may dalang pagkain," sabi niya at pinaupo ako sa isang bench.

"Saan nga pala bumili ng pagkain si Ian?" tanong ko.

"Ewan. Sa bilihan." Sagot nito at mahinang tumawa. Tinignan ko lang ito at tumingin sa paligid.

"Alexis? Akala ko ba bumalik ka na sa room niyo?" Rinig kong tanong na agad ko namang sinundan at si Andrei pala ito.

"Wala eh. May kumaladkad sa akin dito." Sagot ko at binigyan ng tingin si Sophia na binigyan lang ako ng ngiti. Tumawa ang ilan sa kanila at napalingon sa bagong dating at speaking of the devil si Ian ito.

"Kahit ano nalang ang inorder ko basta makakain tayo. Stella, ito ang inorder mo," sabi ni Ian at binigay kay Stella ang isang coke at spaghetti.

"Thank you," sabi ni Stella at tumabi kay Sophia at nagsimula ng kumain.

"Nandito pala si Alexis." Banggit ni Ian at tinignan ako. Tinignan ko rin ito pero siya ang unang umiwas ng tingin.

"Hindi na ako nakaramdam ng antok at sabi ni Sophia may fire works display daw kaya sumama nalang ako sa kanya," sabi ko at kinuha ang phone ko. Ginala ko lang ang paningin ko sa magagandang photos sa phone ko nang may bigla nalang umupo sa tabi ko na ikinalingon ko.

"Bakit?" tanong ni Alexander na may ngisi sa labi. Iniinis ata ako nito.

"Bakit ka umupo?" tanong ko.

"Bawal ba umupo?" tanong naman niya.

"Oo," maikling sagot ko.

"Upuan mo ba ito?" tanong niya.

"Hindi," maikling sagot ko.

"Edi hindi," sabi niya at umayos ng upo.

Tumayo ako habang nagbabasa sa cellphone ko at umupo sa kabilang bench kung saan nandoon sila Tiffany at Stella.

"Nasaan pala ang Café Bonjour dito?" tanong ko.

"Malapit lang sa Boss Café. Magpasama ka nalang kay Jake baka maligaw ka pa," sabi niya.

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa habang naglalakad ako pabalik sa upuan nila Jake at Alexander.

"Jake, pwede mo ba ako samahan papunta sa Café Bonjour?" tanong ko sa kanya na hindi tumitingin at nakatuon sa cellphone ko. Gusto kong uminom ng kaunting kape para magising ang diwa ko.

"Oo sige, tara?" aya niya sa akin kaya sumunod nalang ako sa kanya itinago ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at pinantay ang paglakad namin ni Jake.

"My treat," komento niya at inakbayan ako sinamaan ko lang siya ng tingin pero sinuklian naman niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Sige ba," sabi ko at pinagkrus ang braso sa dibdib ko at ng makarating kami sa Café Bonjour ay pumasok na kami at naghanap ng mauupuan.

"Mag-order lang ako ah, ano ba gusto mo?" tanong niya.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon