Chapter [51]

8.1K 248 5
                                    

Chapter [51] - Tarzan

Tahimik kaming nakasakay sa elevator at nakahinga naman ako ng hindi na ako kulitin ni Freak.

Nang makarating kami sa resto ay pumasok na ako at nilibot ang paningin ko sa loob may ilan-ilan na tumitingin sa akin pero wala na akong paki-alam doon at hinanap ang kinauupuan nila Stella.

"Psst! Alyx!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at si Stella pala 'to habang may dumi ng siguro ay cake sa gilid ng labi niya, lumapit na ako at uupo na sana ako ng hawakan ni Freak ang braso ko.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya pero seryoso lang itong tumingin sa akin.

"Stella, sosolohin ko muna si Alyx," sabi nito at aasahan ko sanang hindi sasang-ayon si Stella pero nanlaki nalang ang mata ko ng pumayag ito.

"By the way Alyx, may pupuntahan pa kami kaya kailangan na naming umalis at 'wag lang mag-alala bantay sarado 'yang BOYFRIEND MO," ani Tiffany kaya nandilim ang paningin ko sa sinabi niya.

"Don't you dare call him my boyfriend, Tiffany," seryoso kong sagot sa kanya na ikinatikom ng bibig ni Tiffany.

"Sorry," hinging paumanhin nito.

"Ako ng bahala, pumunta na kayo sa pupuntahan ninyo," sabi ni Freak at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

"We'll just help Miss Dean to her important papers, mabilis lang 'to," sabi ni Stella at nagpunas ng dumi niya sa labi gamit ang table napkin at hinawakan ako sa balikat.

"Okay lang ba? Isasama ka namin kung nakakain ka na pero hindi pa, dadalhin ka naman ni Alex sa office ni Miss Dean," paliwanag ni Stella at tumango nalang ako.

"Dalhin mo siya sa office ng Ate mo pagkatapos niyong kumain ng breakfast," sabi ni Stella kay Alex at tumango naman ito.

"Alis na kami."

Hinila na ako ni Freak na maupo sa table malapit sa table ng boys -- ang SWG.

"Uy! Alyx! Kamusta?" tanong sa akin ni Reyster at sinusulyapan ang mga kamay namin ni Freak.

"Kamusta saan?" tanong ko.

"Kamusta sa summer week?" tanong niya at hindi talaga mawawala ang kanyang ngiti sa labi niya.

"Hell!" sagot ko.

"Hey! Xander!" akmang aalis na kami para maghanap ng mauupuan ng tawagin siya ni Jake kaya napahinto kami at humarap kami kay Jake.

"What?"

"How about Tanar--"

"I don't care," may pagkaseryoso nitong boses at pinaupo na ako.

"Anong gusto mong order?" tanong niya.

"Anything," sabi ko at nangalumbaba, tumango naman siya at umalis na. Pinagtitinginan na ako ng mga customer sa loob.

Hindi naman nagtagal si Freak at nakabalik siya at may dala siyang dalawang aluminum tray at maykasama pa siyang waiter na may dala rin ng tray at nakalagay dito ang mga inorder niya.

"Here's yours my Queen," sabi nito at ibinigay sa akin ang breakfast ko pero kahit nakangiti siya ay mahahalata sa kanya na seryoso siya.

"Thanks?" patanong na sagot ko at ngumiti naman siya at naupo, kaharap ko siya ngayon at kumakain na rin kaya kumain na rin ako.

"Uh, oo nga pala! Binilhan kita nito," sabi ni Freak at maykinuha sa plastic bag na hawak niya at ng makita niya sinasabi niya ay ibinigay niya sa akin ito. Oh? My favorite chocolate stick, pepero.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon