Chapter [54]

7.7K 219 11
                                    

Chapter [54] - Letter

Alexis Point Of View,

Nagising ako sa isang ingay ng door bell kaya napatayo ako at nagpunta sa pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si Cloud.

"Here's your delivery, Ma'am," sabi nito at walang sabi na kinuha ko ito sa kanya at kita ko sa gilid ng mata ko na nandito na sila Stella kaya lihim na napangisi ako.

"Sa ending nalang ng buhay mo ako magt-thank you," sabi ko at sinaraduhan ko siya at bago pa 'yun ay narinig ko ang pag-chuckle niya.

Napaikot ako ng tingin sa kabuuan ng unit at napangiti ako dahil kahit papaano ay nakapag-linis ako sa sobrang kaboredan.

Nagpunta na ako sa dining area at inilapag ang lahat ng mga order ko na libre lahat ni Cloud at sakto lang na pang-sampo ang taong kakain nito.

Tatlong bucket ng chicken, Sampong large na fries, sampong spaghetti at iba pa.

Narinig ko ang pagpasok nila Stella kaya ng matapos na ako sa pag-arrange ng mga pagkain ay lumabas na ako na may dalang coke at spaghetti.

"Wow!" rinig kong saad ni Stella at sa paligid ng unit nakatingin at ganoon rin ang iba.

"Nandito na pala kayo, kumain na kayo may inorder akong Jollibee nandoon lang sa dinning area," sabi ko at umupo sa sofa't nag bukas ng T.V.

"Ikaw nag-linis nito?" rinig kong sabay-sabay nilang tanong kaya nilingon ko sila.

"Oo," maikli kong sagot at nagpatuloy sa aking pinapanood at kumain na rin nakita ko naman silang nag takbuhan sa dining area.

Pinatay ko na ang T.V at tumayo na dahil puro KS (Kissing Scene) ang nakikita ko.

Pumasok ako sa kwarto namin at hawak-hawak ko ang aking pagkain na naupo sa gilid ng higaan ko at naputol lang ang pagkain ko ng mag-vibrate ang phone ko kaya inilapag ko muna ang aking mga pagkain sa isang table na katabi lang ng higaan at kinuha ko ang phone ko at tinignan ang dahilan kung bakit ito nag vibrate.

Isang message galing kay Leader.

Inopen ko ito at binasa ang message habang nag lalakad at lumabas muna ng unit at nag punta sa rooftop at naupo sa nag-iisang bench doon.

From: Dark

Pumunta ka sa Unit #225. We brought your own weapon and your favorite GSG (Gold Silencer Gun) and more... Be ready tommorow night.

Pinatay ko na ang phone ko at tinignan ang mga bituin sa madilim na langit at isang mukha ang bumungad sa 'kin kaya sinasadya kong suntukin siya sa mukha nang magkaharap na kami ng maayos.

"Pag katapos kitang ilibre ng Jollibee susuntukin mo lang ako? Ano 'yun? Bagong sukli? Suntok?" tanong sa 'kin ni Cloud habang hawak ang panga niya, "Aray! Matanong nga kita, babae ka ba talaga?" tanong niya pero imbis na sagutin ko siya ay isang ngisi ang ipinakita ko.

"Gomenasai... Sinadya ko," sabi ko at nag kibit balikat. (Gomenasai - Sorry)

"Naks!" sabi nito sabay pitik ng kanyang daliri. "By the way, may nakuha akong puting envelope sa baba ng pinto ng unit niyo," sabi nito at in just as snap lumabas sa kamay niya ang puting envelope na sinasabi niya na hindi kinukuha sa bulsa ng kanyang pants.

Kunot noong kinuha ko ang puting envelope at ng ilabas ko ang laman nito ay bumungad sa akin ang isang pera ang laman. Ipinasok ko ulit ito sa puting sobre at tinignan ang kabuuan ng envelope mula sa harap hanggang sa likod pero ng makaramdam ako ng malabong letter sa buksanan ng envelope ay binuksan ko ito at nakita kong may nakasulat.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon