Chapter [85]

5.2K 144 14
                                    

Chapter [85] - Thank you, Nerd.

Alexis Point of View,

Inubos ko ang juice na inabot sa akin ni Alexavier at nagpasalamat dito tumango lang ito at pumunta sa pool.

*Ding* *Dong*

"Ako na," sabi ko at tinungo ang pinto para pagbuksan ang taong nagdoorbell siguro si Alexander na iyon kaya hindi ko na ito sinilip sa bintana at mabilis na binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko isang babaeng maikli ang buhok at may bangs ang bumungad sa akin. Hindi ko siya kilala kaya napataas ang kilay ko na nagtataka?

"Who are you?" tanong ko at nanlalaki ang mata at namutla ito ng makita ako.

"Ate Alexis?" ang tanging nasabi nito.

"Don't answer me a question, Young Lady. Again, who are you?" tanong ko.
"Hindi mo ako kilala?"

"Tsk. Magtatanong ba ako kung kilala na kita? Malamang hindi kasi nagtanong na ako diba?" sabi ko at napayuko naman ito at naghingi ng pasyensya. Siguro naliligaw lang ito.

"Lumabas ka sa isang malaking gate at kapag may nakita kang daan dumaan ka sa kaliwa at may daan pa doon dumiretso ka lang-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng putulin na ng babae ang tanong ko.

"Ah... ano pong ibig niyong sabihin?" tanong nito.

"Na naliligaw ka at nandito ka para magtanong kung saan ang daan palabas?" may tanong na sagot ko at umiling naman ito.

"Nandito po ako para kausapin si Ate Kathryn," sabi niya.

"Hey! Alexis, sino 'yang kausap mo?" tanong ni Alexavier at ngumiti sa akin at ng makita niya ang babae ay natigilan siya at nawala ang ngiti sa labi niya.

Naging seryoso naman ang tingin ng babae at tumingin sa akin. "Pwedeng patawag nalang si Ate Kathryn aalis rin ako pagkatapos," sabi nito at hindi binibigyang pansin si Alexavier. Magkaaway ba sila?

"No. You're welcome here. Nasa pool si Kathryn kasama si Tiffany at iba. Ikaw ang bahala kung aalis ka agad," sabi ko at pinapasok siya. Tahimik na sumunod sa akin ang babae at ng makita niya si Kathrine ay agad itong lumapit dito at seryosong nag-usap.

Bumalik muna ako sa kusina at doon ko nakita si Alexavier na tumutungga ng alak.

"Alex, anong ginagawa mo?" tanong ko at inagaw sa kanya ang baso na hawak nito at masamang tingin naman ang pinukol nito sa akin at walang sabing tinungga ang boteng hawak nito.

Sa isang lagok ay naubos nito ang laman at pabagsak na ibinaba ang bote.

"Hindi pa ba obvious na umiinom ako ng alak," sabi nito at umiling ako.

"Maiwan muna kita dito," sabi ko at bumalim sa pool pero ng makaramdam ako ng lamig ng hangin doon rin bumungad sa akin ang pagkahilo ko.

Siguro napansin 'yun ni Jake kaya lumapit ito sa akin at tinanong ako kung ayos lang ako at tumango naman ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa kainin ako ng kadiliman.

Alexander Point of View,

Tatlong oras na seryosong usapan ang naganap sa amin ni Ate Alexa. Sinabi nito sa akin na may isang mahalagang tao na nagrequest na magkaroon ng party sa Monteverde Academy at imbitahan ang mga naging estudyante ng Monteverde.

Pinag-usapan rin namin ang kaligtasan ng nga pupunta para hindi mag-alala ang mga pupunta.

At pagkatapos ng usapan nagpaalam na ako at dumaan sa isang restaurant para magtake out ng makakain at pagsakay na pagsakay ko ng kotse ko ay nakatanggap ako ng message galing kay Jake at sinasabi nitong nahimatay daw si Alexis kaya kusa nalang na naging alerto ang sarili ko at mabilis na pinaharurot ang kotse pabalik sa mansion.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon