Chapter [48]

9.1K 257 6
                                    

Chapter [48] - It's Me

Ibinigay na saamin ni Sophia ang mga shake na binili niya at ang sa 'kin ay ang Chocolate flavor.

"Uy! Salamat," pag-agaw ni Allen sa shake ko at agad na humigop sa straw.

"What the? Allen naman eh! Kay Alexis 'yang shake na 'yan at hindi sayo! Kung kailan kasi nakabili na ako ng shake doon ka na susulpot na parang kabute, 'wag mong sasabihin na ipapabalik mo ako doon para bumili ulit wala na akong pambili," sabi ni Sophia at napangiti nalang si Allen habang kagat-kagat niya ang straw ng shake.

"He he, ibibili ko nalang si Alexis," sabi nito sabay lingon kay Stella na hindi pa rin makaget-over sa nangyari, "Stella! Pahingi ako pambili ng shake," sabi nito at nagpa-cute na ikinabalik ni Stella sa realidad.

"H-ha? May sinasabi ka Allen?" tanong ni Stella kaya napasapo naman si Allen ng noo.

"Ang sabi ko pahingi ako ng money pambili ng shake," sabi nito at nagtaas-baba ng kilay.

"No thanks, busog pa naman ako Allen. Salamat nalang," sabi ko at ngumiti naman ng pagkalapad-lapad si Allen.

"Hello everyone!"

Nilingon naming lahat ang limang boses na kakarating lang at sina Julian, Jasmine, Jules, Kath at Hazel ang mga ito.

"Ehem," pag-ubo ni Miss Dean para makuha ang atensyon ng iba.

"Bakit nalate kayo?" tanong ni Miss Dean.

"A-ah kasi 'yung manliligaw ni Julian sabi susunduin siya kaya nag-antay kami pero tumawag ulit at sinabing "Sorry, inaantok na ako. Ingat nalang kayo, lab yah!" Tsk! Kainis 'yun ah," nakangusong paliwanag ni Jules at nagtago naman si Julian sa likod ni Hazel pero dahil matangkad siya ng kaunti ay kita parin siya.

"Sino namang ugok na manliligaw ni Julian?" kibit-balikat na tanong ni Miss Dean.

"Si..." bago pa matapos ni Kath ang sasabihin niya ay tinakpan agad ni Julian ang bibig nito.

"Spill it," seryosong saad nito.

"Ah pwede clue nalang po kasi baka magalit itong nililigawan nun 'yung lalaking isa sa SWG at nagsisimula sa J ang pangalan at isa pang clue childhood friend niya," sabi naman ni Jasmine kaya pinanlakihan siya ng mata ni Julian.

"Hmmm, okay kilala ko na kung sino," sabi ni Dean at ngumiti.

"Dalawa na ang dumadamoves ngayon," sabi naman ni Bea at nagtawanan naman sila maliban sa akin, Julian at Tiffany na kilala na kung sino 'yung sinabi ng Dean.

"Huehue sabi ng babae huehue sa unit huehue 112 tayo sa second floor huehue saktong maydalawang kwarto at may limang malalaking higaan," sabi nito at kunwaring umiiyak.

"Anyare sayo Stella? Mukhang kanina lang nakangiti ka na parang baliw tapos ngayon umiiyak ka na parang baliw," komento naman ni Sophia at inakbayan si Stella.

"Ako baliw? Huh! Baka nga eh kasi naman eh..." sabi nito gamit ang malumanay na boses.

"Kasi naman ano?" tanong ni Sophia nasa loob na kami ng elevator at naghagdan naman ang iba dahil trip nila.

"Mamaya nalang," sabi nito at tumingin sa gilid kung saan nandoon sina Allen at Tiffany at kinukulit naman ni Allen si Tiffany kaya si Tiffany naman ay nasusuntok nalang niya si Allen.

"Uy! Alexis ba't ang tahimik mo?" tanong sa 'kin ni Sophia.

"Kaya nga tahimik kasi hindi nagsasalita," pagpipilosopo ni Allen kay Sophia kaya sumama ang tingin niya kay Allen.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon