Chapter 12

14.9K 429 19
                                    

Chapter 12

ALEXIS

Pagkapasok ko ay napaigtad ako sa gulat ng sumalubong sa akin ang mga mata ng girls na may ibig sabihin ang mga tingin.

"A-anong ginawa niyo?" Nawe-weirdohan kong tanong sa kanila.

"Kasalanan ba namin na marinig ang sinabi kanina ni Jake? Gets na gets namin ang ibig sabihin ni Jake. Maang-maangan ka pa," sabi ni Stella pero tinarayan ko lang siya.

"Girl, may gusto sayo si Jake," masayang banggit ni Sophia pero napasimangot ako.

"Baka mali lang kayo ng iniisip. Wala pa naman siyang sinasabi na gusto ako ng taong 'yun. Lahat naman ata sasabihin 'yun ng isang kaibigan." sabi ko at nagtungo sa higaan ko.

Umupo ako na naka-pout sa gilid ng higaan ko habang 'yung iba ay nagsibalikan na sa mga higaan nila.

"Wait! Gusto mo tawagin ko si Jake para tanungin at linawin ang ibig niyang sabihin?" tanong ni Tiffany pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't," pigil nilang lahat kaya napatakip nalang si Tiffany sa bibig niya.

"Sorry! Hihi," sabi ni Tiffany sabay peace.

"Sige, matulog na ako," sabi ko at humiga na.

"Sweet dreams!" makahulugang saad ng mga kaibigan ko kaya sinamaan ko sila ng tingin pero umiwas nalang sila at humiga na din.

"Good night!" sigaw ni Tiffany at nagtalukbong na ng kumot ganoon din ang ginawa ko at pumikit na.

****

JAKE

Nandito kami ngayon sa Double Time na laging pinupuntahan ng mga estudyante at mga turista para mag breakfast.

As usual si Ian na naman ang naglibre sa amin wala namang tumatanggi dahil paborito nila na mang-libre lagi si Ian. Kuripot kasi ang iba atsaka si Ian lang talaga ang money boy namin.

"Huy! Ba't tulala ka?" pag-gising sa akin ni James sa realidad.

"Sorry, I'm just thinking something," sabi ko at sakto lang na dumating si Ian dala ang mga in-order namin.

"Let's eat!" sabi ni Allen ang kapatid ko. Yes, he is younger than me. 16 na ako habang siya ay 14 years old pero magkaklase kami.

"Pssst! Kumain ka muna mamaya na 'yang pagbabasa. Hindi ka ba nahihilo sa mga words na 'yan?" sabi ni Justine kay Arthur.

"I'm full," sabi ni Arthur at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Sus! Full pa daw si Arthur ako nalang ang kakain sa food niya," masayang banggit ni Justine at inilipat sa plate niya ang pagkain ni Arthur.

"Akin na 'to ha?" masayang tanong ni Justine kay Arthur kaya tumingin si Arthur ng bored look kay Justine.

"It's all yours," sabi niya.

"Thank you!" sabi ni Justine at kumain na. Ang takaw talaga ng lalaking ito.

"Reyster, nahanap mo na ba ang information tungkol sa nerd na 'yun?" tanong ni Alex. Siguro si Alexis ang tinutukoy nilang nerd. Marami na kaming nabubully pero iba ito sa mga mabully namin, palaban siya.

"Hmm. Hinahanap ko pa," sabi ni Reyster habang busy sa pag-tatype ng laptop niya.

"Kyaaaaahhh nandoon sila!" tili na naman ng mga girls. I think it's the cheerleaders.

"Tara umupo tayo malapit sa table nila," sabi ni Kyla ang kasama ni Jess.

"Tara!" sabi ni Jess.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon