Chapter [57]

7K 210 9
                                    

Chapter [57] - Prove it

Nginitian ko siya at kinaladkad na pabalik sa boat at kinausap ang isang Kuya na pwede bang gamitin ang maliit na mini boat sa gilid ng boat na sinasakyan namin.

"Marunong ka mag-sagwan?" tanong niya at tumango lang ako.

"Mag suot ka ng life vest baka bumaliktad 'yang boat na 'yan," sabi niya habang nag susuot ng life vest at pinahawako muna sa kanya ang boat at nag suot rin ng life vest.

"Boss, ito po 'yun dalawang pang-sagwan," sabi ni Kuya kaya kinuha ito ni Cloud at umakyat na siya sa boat muntik na siyang magulog buti nalang nahawakan ko.

"'Wag kang makulit para hindi bumaliktad 'tong boat," sabi ko naman sa kanya at tumango naman siya. Tsk, tinatakasan na siya ng dugo sa mukha niya.

Umakyat na ako at buti nalang nabalanse ito ni Cloud ng umakyat ako at ng makalayo kami sa island ay panay ang sigaw ni Cloud dahil baka higupin kami ng dagat papunta sa gitna o baka daw may pating.

"Babalik na tayo wala naman kasing pating dito ipapakain sana kita doon sa alaga ko," sabi ko at nag simula ng bumalik at ng bumaba ako sa boat ay siyang pag baliktad nito dahil hindi nito agad nabalanse ang boat.

"Ibalik muna 'yan kay Kuya. Nagugutom na ako," sabi ko at pumunta na sa boat at nag patuyo ng buhok ko at hinubad ko muna ang life vest na suot ko.

Nag punta na ako sa malapit na CR dito para mag palit ng susuotin.

Cloud Point Of View,

"Kuya, salamat natuto na akong hindi talaga siya ngingiti kahit na anong pag papasaya ko sa kanya," natatawa kong saad habang hinahanap ang susuotin ko.

"Napaka seryoso niya, Boss. Napaka lamig rin ng mga salitang binibitawan niya," narinig kong sabi ni Kuya at napangisi naman ako.

Nakita ko na sumakay na sa boat si Alexis at naka pag-palit na pala ito ng damit.

"Nag enjoy ka ba?" tanong ko at tumango lang siya.

"Umuwi na tayo pag katapos," sabi nito at bumaba kami sa boat at nag punta sa isang eat all you can kasama ang dalawang Kuya.

Kumuha kami ng table at kumuha ng mga pagkain na pwede makain at pansin ko lang na puro gulay ang mga kinuha ni Alexis kaya ng makalapit kami sa chocolate fountain ay kumuha ako ng isang biscuit stick at isinawsaw ito sa cholate at inilapag sa platito na hawak ni Alexis kaya tinignan niya ako ng nag tataka.

"Just eat it," sabi ko at umalis na sa tabi niya at kumuha ng fried chicken at sushi.

Pagkatapos namin kumain sa Eat all you can ay nag bayad na ako ng total at bumili kami ng souvenir na T-shirt at may print na Clearly Stoned Island at pinalagyan ko ng print name sa likod ng T-shirt ng Cloud and Alexis at ganoon din sa Alexis kaso hindi niya pinalagyan ng print name.

Lumabas na kami at nag punta sa boat, binigyan ko rin sila Kuya ng extra souvenir na T-shirt na binili ko at tinanggap naman nila ito.

"Cloud, umuwi na tayo," sabi sa akin ni Alexis at tumango nalang ako bilang sagot.

Alexis Point Of View,

Nakabalik kami sa Alex's Beach ng ligtas at may dalang souvenir, nag-punta kami sa resto ni Miss Dean at naabutan ko sina Stella na kumakain kaya nakisalo kami ni Cloud dahil ilang oras nalang at pupunta na ako sa HQ.

"Ano ba 'yan! Hindi niyo man lang ako sinama. Nakakainggit tuloy," sabi ni Stella habang tinitignan ang mga picture namin ni Cloud na kinuha ng isang photographer.

"Ohmyghad! Alexis, pinapahanap kita kay Alex pero sabi niya umalis ka daw. Tara punta kayo do'n sa long table doon tayo kakain at tsaka nga pala libre ko na ang kakainin natin," nag palakpakan naman ang mga kasama ko pati na rin si Cloud sa sinabi ni Miss Dean.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon