Chapter 13

13.6K 449 12
                                    

Chapter 13

ALEXIS

Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan namin na igala ang sarili namin sa field at wala kaming nagawa ng sumama sa amin si Jake at dahil 'yun din ang balak nilang boys ay nakisama na rin sila.

"Guys, magpahinga muna tayo napapagod na ako," reklamo ni Stella kaya napatigil kami at lumingon-lingon para maghanap ng mauupuan.

"Pssst! Guys dito tayo!" sigaw ni James kaya napatingin kami sa pinanggalingan niya.

"Nice one, Bro," masayang banggit ni Kurt at paupo sa grass.

Nandito kami sa isang Garden. Maraming napunta rito pero mukhang kami pa lang ngayon ang mga tao. May malaking puno kaya sa lilim kami nag-stay.

Dahil maraming patay na damo ang nasa damuhan ay nagpasyang maglinis ang iba at sumama ako.

Habang naglilinis kami ay nagpatugtog ang mga boys at hindi na namin namalayan na sumasayaw na ang iba sa kanila, nakaupo lang sina Jake, Kurt, Alex at Arthur.

Habang sumasayaw naman ng nae-nae sila Allen, James, Justine, Reyster, Ian at Andrei. Napahinto muna kami sa aming ginagawa at pinanood na sumayaw ang boys.

Nang matapos na ang kanta at sayaw nila ay sila Bea at Liz ang nagpalakpakan nagbow naman si James at binatokan siya ni Allen. Langya!

"Hindi naman ikaw ang pinalakpakan a," sabi ni Allen.

"Sinabi ko ba na ako ang pinalakpakan nila? Wala pa naman akong sinasabi nag-bow lang ako," sabi ni James at nag-crossed arms nalang. Parang bata na naman ang dalawa kung mag-away.

"Hmp!" sabi ni Allen at bumalik sa pag-upo at tumabi siya kay Jake.

"Shoo! Magpunas ka nga nang pawis mo," sabi ni Jake at tinulak-tulak niya si Allen.

"Ang arte mo!" sigaw ni Allen at hinablot ang face towel ni James at pinunasan ang leeg niya at saang parte sa mukha niya na may pawis.

"Hoy! Mang-aagaw! Akin 'yang panyo na 'yan," sigaw ni James kay Allen.

"Tinatanong ba kita? Nanghihiram lang." Sagot ni Allen.

"Aish! Pahiram nalang muna ng face towel mo, Justine," sabi ni James kay Justine kaya ibinigay ni Justine ang isa pa niyang panyo. Nakatingin lang halos lahat sa kanila at natatawa nalang sa bangayan nila.

"Hoy! Tutunganga nalang ba kayo d'yan maglinis na kayo," sigaw ni Andrei kaya agad siya binatokan ni Allen.

"Alam mo! Allen, top one ka sa batokan," sabi ni Andrei habang kinakamot ang batok niya at ngumisi nalang si Allen.

"Ganoon ba? Edi masaya!" sabi ni Allen at pinagbabatokan ang mga kasama niya kaso ng ako na ang babatokan niya sinamaan ko siya ng tingin na ikinatigil niya.

"Subukan mo at pagsisisihan mo ang ginawa mo," pagbabanta ko sa kanya.

"Hehe 'yun ba ang line mo no'ng nag-away kayo ni Jess?" tanong niya.

"Oo gusto mo---ninyo na makakita pa ng isang shooting libre nalang kung ikaw ang kontrabida sa buhay ko," sabi ko kaso nag-peace sign nalang siya at umatras.

"Hindi ka naman mabiro," sabi niya at tumakbo sa likod ni Justine at pasimpleng nagpatuloy sa paglilinis.

"Si Justine nalang. Kontrabida 'yan sa buhay ko," sabi ni Allen sabay tulak kay Justine.

Napailing ako at hindi ko na sila pinansin. Nagpatuloy sa paglilinis ng biglang may humablot ng panlinis ko at naglinis.

"Maupo na muna kayo kami na muna ang maglilinis," sabi ni Jake at napalingon ako kung saan ay boys na ang naglilinis at ang girls ay nakaupo na.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon