Chapter [74]

6.6K 175 3
                                    

Chapter [74]

Alexis Point of View,

*Bang*

"Yes! Yes! Ate Alexis, I got bulls eye!"

Inis na hinagis ko ang suot kong parang headset para hindi marinig ang ingay ng baril na hindi ginawang sinlencer at kibit balikat na hinarap si Julius ang pitong taong gulang kong batang kapatid.

"Sabihin mo kay Dad na ibigay sayo ang credit card ko worth 60,000 dollar," sabi ko at nag-tatalon naman sa tuwa ang kapatid ko. Magpustahan kasi kami na kapag naka-bullseye ang isa sa amin ay makakakuha kami ng premyo at kapag ako ang naka-bulls eye hindi siya makakapag-laro ng isang linggo at kapag siya naman ang unang naka-bulls eye ibibigay ko sa kanya ang credit card ko na may lamang 60,000 dollar.

Kinuha ko ang isang baril na nakalagay sa isang maliit na lamesa at itinutok kay Julius na napahinto at seryosong tumingin sa akin. Ipinihit ko ang gatilyo ng baril na hawak ko.

*Click*

"F*ck!" I cursed. Tinignan ko ang magazine ng baril ko at wala itong bala. Sh*t.

Napahagalpak naman ng tawa si Julius at napahawak sa maliit na lamesa kung saan nakalagay ang mga baril, kunai, pocket knife, dagger at iba pa at napahawak naman sa tiyan si Julius sa sakit.

Nakita ko na palihim na kinuha ni Julius ang dagger at mabilis na hinagis sa akin na agad ko namang naiwasan at kumuha rin ng dagger at hinagis kay Julius pero tumambling siya at sinipa ang dagger na papalapit sa kanya kaya sakin napunta ang dagger na hinagis ko at nadaplisan naman ako sa pisngi.

"Nice!" komento ko at kukuha na sana ng kunai ng biglang pumasok si Susana sa basement at kinakabahan ito na parang may mamamatay tao na nag-hahabol sa kanya.

"What are you doing here, Susana?" tanong ni Julius kay Susana na pumasok at nag-bow naman ito bilang pag-galang.

"Nakauwi na po ang mga magulang niyo at hinahanap kayo, kasama nito sila Cloud at Terron, Alexis at Master Julius," nakayuko nitong sabi kaya nag-katinginan kami ng kapatid ko.

"Told them that we're just in Garden," sabi ni Julius at tumango naman si Susana at umalis na. Mabilis kaming pumasok sa isang tunnel at papunta ito sa garden. Pinagbawalan kasi kami ng magulang namin na gumamit ng baril o kahit anong delikadong bagay pero dahil kay Lolo nakasanayan na naming humawak ni Julius ng baril at matutulis na bagay at sinanay na rin ni Lolo si Julius ng !artial arts katulad ko.

Naupo kami sa swing sa garden at nag-kwentuhan at naramdaman naming pareho ang presinsya nila Cloud at Terron pero sinenyasan ko si Julius na 'wag ipahalata at 'wag lumingon kaya tumango ito habang nag-kukwento.

Bubulagain na sana kami ng dalawa ng lingunin namin sila at kumaway. "Hello! Cloud, long time no see," sabi ko kay Cloud na nakanguso dahil hindi kami na-surpresa sa pag-dating nila sa Garden.

"Yo! Kuya Terron, how's school?" tanong naman ni Julius kay Terron na nag-kibit balikat nalang at natatawang nailing-iling.

"Long time no see? Kahapon lang tayo hindi nagkita! Long na 'yun?" tanong ni Cloud at ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kain tayo chocolate cake, Kuya Terron?" aya ni Julius at tumango naman si Terron at pumasok na sila para kumain ng chocolate cake.

"Gusto mo kumain ng cake?" sabay na tanong namin kaya natawa kaming dalawa. "Gusto ko," sabay na naman naming sagot at tumayo na ako at pumasok na rin at sumunod naman si Cloud sa likod ko at nang makarating kami sa kusina ay nag-labas ang ibang maid ng tatlong chocolate cake at inilapag sa mahabang lamesa.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon