Chapter [90]

5.7K 145 15
                                    

Chapter [90] - Surprise Gift!

Malaki na rin ang pinagbago ng lugar. Marami ng mga bahay na naitayo at mga gusaling tumatakip sa ganda ng mga puno.

Nakinig ako ng music buong byahe at kalahating oras ang itinagal bago makarating sa Monteverde Academy. Maraming old students na pumunta at 'yung iba namumukhaan ko pero hindi ko na matandaan ang pangalan.

Magaganda at mamahalin ang mga suot nila-dahil laking mayaman. Pinark na ni X ang Van na sinakyan namin at bumaba na kami. Maraming umagaw ng atensyon sa suot ko at hindi pa nila ako nakikilala dahil sa dilim.

Pumasok na ako at nakasunod ang iba sa likod ko. Si Violet tumabi sa akin at ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid mga bulungang tumalo sa langaw.

"Alexis! Is that you?"

Nilingon ko ang nagsalita at hinarap ko naman ang babaeng tumawag sa akin. Hindi naman ako nagkakamali si Stella ito.

"A-alexis? P-paano? Buhay k-ka," hindi na matigilan na lumuha ni Stella sa gulat. Inabutan siya ni Bubble ng tissue at tinanggap naman niya ito at pinunasan ang luha niya.

"Pasampal please... hindi ko kayang umasa," naiiyak na naman nitong sambit at akmang sasampalin na siya ni Violet ng pigilan ko ito at tanggalin ang salamin na suot ko.

Nanlalaki ang mata nito na mapatingin sa akin.

"Tama ka ng iniisip. Si Alexis Fortalejo at Alexis Montero ay iisa but my true name was Alexis Smith. That's all. I need to go now. Just stay quite, Stella. Ikaw palang ang nakakaalam ng lahat," sabi ko at tumango ito bago ako umalis sa harap niya.

One down.

Magiging masaya ito.

Sinuot ko muli ang aking salamin at sinalubong kami ni Mrs. Alexa kasama ang asawa nito. Bagay sila at halata sa mga mata at ngiti nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Hello, Ms. Smith. Nagreserve na ako ng table for all of you at sana maging handa ka sa signal ko para sa pagpapakilala mo. Goodluck!"

"No, Mrs. Lee. Goodluck for them. Thank you because you accept my Grandfather's favor and I'm thankful the plan is working," sabi ko at tumango ang mag-asawa na nagpaalam na, inasikaso na nila ang ibang bisita at hinanap na namin ang aming table.

Hindi na ako magugulat na nandito rin si Alexander at Alexavier dahil mga Monteverde sila at naging part sila ng school na ito. Goodluck to the twins reaction nalang-especially Alexander dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Alexis Fortalejo ngayon at sa tingin ko hindi pa sapat ang ilang taon na lumipas sa pagmove-on nito.

"Alexis, okay ka lang? Ang tahimik mo diyan. Pwede mo ba ishare 'yang iniisip mo?"

Nagising ako sa realidad sa sinabi ni Blue at tinaasan ko naman ito ng kilay. "Sabi ko nga hindi na," pagbawi nito sa sinabi niya at dinilaan naman siya ni Violet.

Padami ng padami ang bisita. Padami ng padami ang naglalamangan sa mga suot at mga make-up na sobrang puti at hindi naman nababagay sa suot nila.

"Alexis, balik muna ako sa HQ. May nakalimutan lang," paalam ni Killer at tumango naman ako at sinundan ito ng tingin. Maraming nagpapapansin sa kanya na mga babae pero dinidedma niya lang ang mga ito. May Kairyn na e, hahanap pa ba siya ng iba?

May dumating na mga waiter at pinakita sa amin ang menu. Eat all you can ang style ng Ball at sa menu makikita mo lahat ng mga pagkain na nakahain sa bawat gilid ng court.

At may isang malaking chocolate cake at strawberry cake na nakalagay at may chocolate waterfall ito. Marami ng kumuha ng pagkain at mayamaya lang ay tumugtog na ang isang magandang song.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon