Chapter [79]

6.9K 187 53
                                    

Chapter [79] - Mister Sungit

"Malayo pa po ba ang bahay ng address na ibigay ko sa inyo?" tanong ko kay Manong Driver ng taxi.

"Malapit na tayo, Ma'am," sabi nito at lumiko. Isang malaking bahay na may 3rd floor at rooftop ang nakita ko pag-bungad palang at may malaking gate na pula ang nakita ko. Hininto ni Manong Driver ang taxi at lumabas.

Lumabas na rin ako, "Ito na po ba 'yun, Kuya?" tanong ko at tumango naman siya.

"Hindi po akong nagkakamali dahil itong bahay na ito ay pinatayo ng pumapangalawang mayaman sa mundo, ligtas ito kaysa sa mansion na ginawa nila," sabi ni Kuya at inilapag ang dalawa kong bagahe.

Kinuha ko ang isang one thousand na nakaipit sa case ng phone ko at ibinayad ito kay Kuya.

"Keep the change nalang, Kuya," sabi ko at ng umalis na ang taxi ay tinitigan ko muna ilang sandali ang bahay bago naisipang pumasok.

Safe? Safe ata 'to kung may guard o kaya mababangis na aso. Mukhang hindi naman ito safe.

Nasa tapat na ako ng pinto ng bahay at kumatok ako pero walang nag-bukas ng pinto. Binuksan ko ito at nabuksan naman kaya dumiretso ako ng pasok.

"Hello? My tao pa po ba dito maliban sa akin?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kahit wala akong nakikitang tao ay alam kong may taong nakatira dito dahil sa bawat sulok ng bahay este parang mansyon ay malinis at wala kang makikitang alikabok.

Inilagay ko muna sa isang tabi ang dalawa kong maleta at naupo sa malaking sofa. Nakakapagod ang byahe.

Siguro kapag matulog ako gigisingin nalang ako ng kung sino mang tao ang nag-mamay-ari ng mansyon na ito.

Pero bago pa ako makatulog ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng itim kong pantalon at nag-message kay Lolo na nakarating na ako sa mismong mansyon ng address na ibinigay niya.

Pagkatapos ay nilapag ko sa center table ang phone ko at naidlip na.

***

5:45 PM

Naidilat ko ang dalawa kong mata ng makarinig ako ng ilang beses ng kaluskos ng pinto at ungol ng isang tuta.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa at nilibot ang tingin baka sakali dumating na ang nagmamay-ari ng bahay na ito pero nalaglag ang pag-asa ko dahil hindi ko ramdam ang presence ng isang tao.

Tumayo ako at umakyat sa second floor dahil doon ako nakarinig ng ilang kaluskos at ingay ng isang aso.

At pagbukas ko ng pinto ay agad na lumabas ang tuta at mabilis na bumaba sa hagdanan at nag-paikot-ikot sa living room. Pero hindi 'yun ang ikinaagaw ng atensyon ko kundi 'yung amoy ng kwarto, Panlalaki. Pati ang style ng kwarto ay lalaking-lalaki.

Sinarado ko na ang pinto at bumaba pero napalingon ako sa tuta na natigilan at matapang na hinarap ako.

"Arf! Arf! Arf!" tahol niya kaya lumapit ako at siya naman itong atras ng atras habang tumatahol sa akin.

May nakita akong isang maliit na bola sa center table kaya agad ko itong kinuha at hinanap ang maliit na tuta.

"Arf! Grrrrr! Arf! Arf!"

Pinakita ko sa kanya ang bola at agad naman itong huminahon at hinagis ko ito sa ibang direksyon at agad niya naman itong sinundan.

Napatingin ako sa wrist watch ko, 5:50 PM. Halos 11 hours akong nakatulog at wala pang kain.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon