Chapter [84]

5.1K 149 14
                                    

Chapter [84] - Alexavier

Alexander Point of View,

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at napatigil naman ako sa pagpapatuyo ng buhok ko ng makita ang babaeng natutulog sa gilid ng higaan ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama pero ang katawan niyo ay nakahiga.

Lumapit ako dito at balak ng gisingin siya ng maramdaman kong malalim na ang tulog niya at kapag gigisingin ko siya baka masapak pa ako.

Hinayaan ko nalang si Alexis sa kanyang tulog at tinulungan nalang itong iayos ang pwesto niya.

Nagbihis lang ako ng sando at short. Bumaba ako para tignan sila Jake sa sala na may mga dalang alak na siguro ay kinuha nila sa ref.

"Alex, libre mo na itong alak mo sa amin," ngingiti-ngiting aniya ni James at nagsalin ng alak sa baso niya at mabilis na nilagok.

Napailing nalang ako at uminom rin ng dalawang shot at nagpaalam na matutulog na ako pumayag naman sila at mabilis na akong umakyat sa kwarto at nagdadalawang isip kung matutulog ba ako sa kwarto ni Alexis o tatabihan ko nalang ito sa tulog pero wala namang malisya kapag nakatabi ko diya kaya tinabihan ko nalang ito at inantay na dalawin ng antok.

Alexis Point of View,

Masarap ang tulog ko dahil sa napakalambot ng kama ko at napakalambot na may pagkamatigas ang teddy bear na yakap ko.

Niyakap ko ito ng mahigpit at isiniksik ang mukha ko dito ang bango. Parang perfume ni Alex na panlalaki ang naamoy ko.

Ayaw ko pang dumilat dahil kapag dumilat ako hindi ko na mararamdaman ang pagkaantok ko.

Nakaramdam ako ng paggalaw ng teddy bear kaya mas mahigpit ko pa ang yakap ko dito hanggang sa isang salita ang nagpaguho ng mundo ko.

"Move."

Dinilat ko ang mga mata ko at halos nanlaki at lumabas na ang mga mata ko sa gulat. Wala ni isang lumabas na salita sa bibig ko at kinalas ang pagkakayakap sa kanya at umatras pero wrong move dahil malalaglag na ako kaya napatili ako at nahawakan naman ni Alex ang kamay ko para iligtas ako sa pagkakahulog pero sana hindi nalang niya ginawa ang paghawak niya sa akin dahil madadala ko ito sa pagbagsak ko at nakaramdam ako ng hilo ng mauna ang ulo ko sa pagbagsak bago ang katawan ko at dumagan naman sa akin ni Alex.

"Ouch!" daing ko ng makaramdam ako ng hilo at sakit sa katawan.

"Alexis, are you alright? May masakit ba sayo? Sabihin mo para magamot natin agad," natatarantang tanong sa akin ni Alex siguro hindi niya napansin na ang ulo ko ang unang nauntog.

"Okay lang ako," sagot ko kahit na pinipilit ang pagkahilo. Ang lakas ng pagkakauntog ko sa tiles ng kwarto ni Alex.

Umalis sa pagkakaibabaw sa akin si Alex at binuhat niya ako na parang bridal style at ihiniga sa higaan nito.

"Nagkaroon ata ako ng bukol sa ulo," bulong ko at sa tingin ko ay sapat na iyon para marinig ni Alex at hinawakan naman nito ang ulo ko at may masakit na parte siyang nahawakan na ikinaimpit ko sa pwesto ko.

"Tsk. Umatras pa kasi kaya nahulog," reklamo ni Alex na parang pabulong pero narinig ko kaya nahampas ko siya ng maliit ng unan sa mukha na ikinagulat niya.

"Hindi ako aatras kung 'yung akala kong teddy bear na niyayakap ko ay ikaw pala!" sigaw ko at pinaghahampas siya ng unan at siya naman ay todo ilag.

"Hah! Baka tsinatsansingan mo lang ako kaya ganun nalang ang reaksyon mo kasi ang akala mo tulog pa rin ako," sabi nito at tinignan ako sa mga mata. Napairap naman ako at hinampas ulit siya pero nakailag na ito at kinuha sa akin ang unan.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon