Chapter [53]

8.3K 230 23
                                    

Chapter [53] - Be Ready

Alexis Point of View,

Pagod na nahiga ako sa higaan dito sa unit namin nila Stella. Iginilid ko ang ulo ko para masilip ang bukas na bintana at isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Pagkatapos namin mag-usap ni Bryan ay dinala nila ako sa Gym hindi lang basta Gym dahil pag-aari 'yun nila Violet tapos dahil madami ang nag-ggym ay pumunta kami sa Private Gym nila Violet kung saan kapag nabobored si Violet ay dito siya nagt-trian.

"Shooting Range nalang tayo namiss ko na rin humawak ng baril," sabi ko pero nagsurrender ako ng lahat sila ay tinignan ako ng masama well lagi naman silang nakikipaglaban kaya lagi silang nakakahawak ng baril unlike me tanging dagger lang ang hawak.

Pagkatapos nila ako i-train ay imbis na ako ang magkaroon ng pasa dahil ako ang nag-train sila naman ang nagkaroon at tanging ako lang ang walang pasa na natamo.

Gumamit kami ng arnis kaya ganoon.

Tumayo na ako at sumilip sa bintana at bumungad sa akin ang naglalakihang mga sasakyan at nang mapansin ko si Sophia na naglalakad ay mabuhat-buhat itong nagkakapalang mga libro at higit ito sa sampu, napatingin naman ako sa wrist watch ko at hapon na pala at wala na akong balak na pumunta sa office ni Miss Dean.

Napangisi naman ako ng maalala ko na pinaalala ako ni Bryan na malapit na ang madugong laban ng mga iba't-ibang gangsters.

Stella Point Of View,

Nang makasalubong ko ang dalawa ay nag-iba ako ng daan kaya hindi ko inaasahan na may nakabunggo akong lalaki na naka-All in black natatago ang mukha nito sa hood ng jacket niya at ng magkabungguan kami ay hindi sinasadya ng hangin na matanggal ang hood niya. Wow ha! 'Di SINASADYA ng Hangin, wow just wow! Baka nga sinadya dahil napaka-mysteryoso nitong lalaking 'to.

"Oh my ghad! I'm sorry," sabi ko at hindi na ako nag-abalang titigan pa ang lalaki na siguro ay tinititigan lang ako.

Pag-angat ko ng tingin hindi lang isa ang nasaharapan ko kundi walo na pero maliban sa mga naglalakihang mga katawan ay may kasama silang babae na naka-violet tanging siya lang ang naiiba na kulay dahil lahat ng kasama niya ay itim. Black reunion ba nila at tanging isang babae lang ang trip na mag-violet sa reunion nila?

Tumayo na ako at hinarap ulit ang lalaking nakatingin lang sa akin at hindi nag-abalang tumulong.

"Mister, hindi ko sinasadya ang nangyari kaya ipag-paumanhin ninyo," sabi ko at tumango naman siya sa mga kasama niya senyas na umalis na kaya pinanood ko silang umalis hanggang sa babae ang huli ay tumigil ito sa harap ko.

"Stella, right? Nice too meet you and ahm... You're very nice," sabi nito at kumaripas na ng takbo kaya nagtataka akong tumingin sa suot niyang jacket na nakalagay ay Violet at sa sumunod naman na lalaking kaharap ng babae ay Blood pansin ko rin ang nakalagay sa kaharap na lalaki ng nakajacket na may pangalang Blood ay Blue. Kaya natawa ako sa mga nakikita ko baka style lang ito ng jacket. Teka? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Umiling nalang ako baka stalker ko siya.

Nawala ang ngiti sa labi ko at nag patuloy sa paglalakad at hindi na naman sinasadya na may makabunggo na naman ako na lalaki.

"SORRY! SORRY HA! KASALANAN KO NA NAMAN! HINDI KO SINASADYA! SORRY TALAGA! ANG SAKIT KASI EH KAYA AKO HINDI AKO MAKAPUNTA SA TOTOONG REALIDAD! HA! NAKAKATAWA," hindi ko na mapigilang mapaluha kaya hindi ko na makilala ang lalaking nakabunggo ko alam kong nagtataka siya sa mga sinasabi ko pero wala akong pakialam masiyado na akong naapektuhan.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon