Chapter [65]

7K 199 3
                                    

Chapter [65] - Ate Jam

My grandfather assistant stop the limousine infront of Tita Ceylin and Tito Drake house.

Naunang lumabas si Tito Kyle sa sasakyan at pinagbuksan kami ng pinto kaya lumabas na ako at sumunod ang iba. Kinuha ko ang shade ko sa shoulder bag ko at isinuot ito.

"Salamat, Tito Kyle," sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito sa akin at may ibinigay sa akin na sobre.

"Ibigay mo kay Bryan. Aantayin ko kayo dito para ihatid kayo pagkatapos," sabi nito at tumango naman ako at pumasok na sa bahay at nag-aantay pala sa akin si Bryan sa pinto kaya tumabi ako sa kanya.

"Pinapabigay sayo ni Tito Kyle," sabi ko at ibinigay ang puting sobre na bigay sa akin ni Tito Kyle at tinanggap naman niya ito at itinago sa jacket niya.

"Alexis, salamat at nakarating kayo."

Nilingon ko ang nagsalita at si Tita Ceylin pala ito na nakasuot ng salamin, siguro mula kahapon iyak ito ng iyak kaya nagsalamin ito dahil mugto na ang mata. Tumayo ako at niyakap si Tita Ceylin at humagulgol na si Tita sa bisig ko.

"N-nasaan po si Kyle?" tanong ko dahil wala akong makitang conffins at puro bulaklak at isang picture frame lang ang nakikita ko kung saan nakikita ang seryosong mukha ni Kyle.

"Nasa akin hija," nilingon ko ang nagsalita at bumungad sa akin ang nasa mid 60's na babae na may yakap-yakap na magandang klase ng vase parang lagayan ng abo na sinunog na katawan ng patay.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Tita Ceylin at napaatras. Ginawang abo ang katawan ni Kyle. H-hindi maari. Pina-crimate ito nila Tita Ceylin at Tito Drake?

"Siya si Mama, ang lola ni Kyle na si Mama Geyl," pakilala ni Tito Drake na nasa likod ni Tita Ceylin.

Ibinigay sa akin ni Lola Geyl ang hawak niya at tinanggap ko naman ito at nang lumanding ang tingin ko dito ay nagsimula ng tumulo ang mga luha ko sa mata at mabilis ko naman itong ipinahid.

"Ate Black," kinuha sa akin ni Violet ang hawak ko at tumingin sa mga magulang ni Dark at sa Lola ni Dark.

Napatakip sa bibig si Violet at umiyak ng umiyak. "S-si Kuya Kyle n-na po ba i-itong n-nasa loob?" nauutal na tanong ni Violet at tumango naman ang Lola ni Dark at humagulgol na si Tita Ceylin at pinatahan naman ni Tito Drake si Tita.

"Tito, tutulong po ako sa pag-bibigay ng makakain sa kamag-anak ni Kyle," sabi ko at nagpakita naman ng malungkot na ngiti si Tito Drake at tumango naman si Lola Geyl.

"Ako rin! Tutulong ako," sabi ni Violet at nagpakita ng ngiti--malungkot na ngiti.

"Sumunod kayong dalawa sa akin," sabi ni Lola Geyl at sumunod naman kami sa kanya at pinapasok niya kami sa kusina nila at ako na ang nagkusang kumuha ng dalawang tray at nangalikot ng kusina at kinuha ko ang slice bread at palaman.

"Pasyensya na po sa inasal ni Ate Alexis," sabi ni Violet sa likod ko habang tinutulungan siya ni Lola Geyl mag-timpla ng juice.

"Okay lang, hija. Ako nga pala si Lola Geyl, Lola ni Kyle pero ang tinatawag niya sa akin ay Mommy," pakilala ni Lola Geyl kay Violet at tumango naman si Violet.

"Ako naman po si Joanna," sabi niya at hinarap ko sila at inilagay ang limang tinapay na ginawa ko sa hawak nilang tray na may juice at ngumiti kay Violet at ganoon din kay Lola Geyl. Kumuha ako ng apat na basong juice at inilagay sa tray ko at kumuha ng isang plastic ng styrofoam plate at inilagay doon ang tinapay at isang maliit na cup ng salad---na nakita ko sa tatlong tray na nakalapag sa lamesa.

"Ako na diyan, hija. Kayo nalang sa mga juice at soft drinks. Kumain ka na rin," pagsulpot ni Lola Geyl sa tabi ko at kinuha sa akin ang tray ko, humarap ako kay Lola Geyl at ngumiti.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon