Chapter [56]

7.5K 227 16
                                    

Chapter [56] - Shea Rocky Island & Clearly Stoned Island

Nasa kalagitnaan na kami ng dagat at may natatanaw na kaming island at siguro ay doon kami hihinto dahil sabi ni Cloud sa 'kin apat na island ang pupuntahan namin pero sabi ko dalawang island nalang ang pupuntahan namin dahil may pupuntahan pa ako which is na laban namin ang pinaka madugong laban at sinabi ko sa kanya na isang "Family Meet Up." lang 'yon.

Hindi muna kami nag-uusap ni Cloud dahil hindi naman kami mag kakaintindihan dahil sa ingay ng makina ng boat at ng makarating kami ay dali-dali akong bumaba at hinubad ang suot kong sapatos at inilagay iyong sa boat at sabi naman ng dalawang lalaking nag papaandar ng boat ay pwedeng gamitin ang life vest.

"A-alexis!" nauutal na sabi ni Cloud habang nakakapit sa boat at pwede ka ng tatalon dahil makakababa ka na sa buhangin pero dahil dinadala ng alon ang boat ay napapaatras-abante ang boat buti nalang naitali ito sa isang puno ng buko.

"Bumaba ka na!" sigaw ko at umatras naman siya at nag punta sa dulo at doon nag-dive. Lumutang naman siya dahil sa suot na life vest niya at mukhang hindi naman malalim.

Malinaw ang tubig--sobrang linaw na pati ang mga shell ay makikita mo at ng balak ko na sanang lumangoy nang maalala ko na wala pala akong extrang damit at ganoon din si Blue.

"Alexis! Tulong! May ahas sa tubig!!" nilingon ko naman si Cloud at panay ang takbo.

"Alexis!!! Huhu may-ahas, ang gwapong ako takot sa ahas wala kasi akong sandata. Hindi ako ready!! Seriously! Masiyado na ba akong gwapo para pati ahas lapitan ako?" sigaw na naman niya kaya lumangoy ako papunta sa kanya at kinuha sa ilalim ang sinasabi niyang 'ahas' kuno pero ng iangat ko ito ay isang halamang dagat lang ito kaya hinagis ko 'to sa kanya at panay sigaw na naman niya ng "Ahas!!"

"Cloud, wala akong etrang damit na dala at alam kong ikaw rin wala," sabi ko na ikinatigil niya sa kakasigaw.

"Ah 'yun ba. May bilihan diyan ng damit, mamaya pupunta tayo para bumili. C'mon mag-enjoy ka nalang mamaya ka na mag-alala sa damit," sabi nito at inilubog ang buo niyang katawan sa tubig at dahil malinaw ang tubig kita ko na paparating siya sa 'kin kaya umatras ako hanggang sa nahawakan niya ang paa ko kaya hindi na ako makaatras pa.

"Mag-dive tayo do'n sa malaking bato. Tara," sabi nito at lumangoy papunta sa isang kubo na malapit sa batong sinasabi ni Cloud na doon mag-da-dive.

Sumunod nalang ako at ng makarating kami sa napakalaking bato ay tumingin ako sa tubig at malalim na ito dahil nag kukulay asul na ito.

"'Wag mong sabihing takot ka?" tanong sa 'kin ni Cloud at umiling naman ako, "Tama na para sa 'kin matakot sa ahas kanina pero tumalon sa malalim na tubig ay nae-exite ako. So tara na!" sabi nito at bumitaw sa pagkakahawak sa akin at tumalon.

"Cloud! Mag pakita ka kung ayaw mong masapak kita!!" sigaw ko habang nakatingin sa lalim ng tubig na nilandingan ni Cloud pero hindi ko nakita si Cloud kaya hindi na ako nag dalawang isip na tumalon rin dahil alam kong matutulungan naman ako ng life vest na suot ko kahit malalim ang tubig at marunong naman ako lumangoy at mag-float kaya hindi ako nakaramdam ng takot at totoong hindi naman ako natatakot mamatay.

"Cloud! Cloud!" tawag ko kay ulap pero hindi ko siya makita ng ibaba ko ang paningin ko sa tubig ay siyang paglutang ng isang katawan sa harap ko at hindi ako nag dalawang isip na batukan ang taong 'yun dahil nakatalikod itong lumutang kaya dali-dali siyang nag angat ng ulo at huminga.

"Grabe! Nahalikan ko 'yung lupa," sabi niya na may pagka-shock pang nakarehistro sa mukha niya.

"Bumalik na tayo," sabi ko at nag simula ng lumangoy at sumunod naman siya sa 'kin pero nag-float lang siya habang pinapagalaw niya ang mga paa niya.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon