Chapter [52]

8.8K 249 11
                                    

Chapter [52] - New Office

Ngumiti ako sa kanya at kinakaladlad siya habang nakapingot sa tenga.

"Ah Alyx, mashaket! Bitawan mo na nga ang gwapong ako!" binitawan ko naman siya habang tatawa-tawa.

"Aba! Mahangin ka rin pala, Cloud. 'Di ako inform," sabi ko at ngumiwi naman siya.

"Jacket gusto mo? Baka sakaling lamigan ka sa kahanginan ko kuno," nakangiwi nitong saad.

"'Wag na, matitiis ko naman ang kahanginan ko pero baka hindi na dahil pasapak nalang ako," akmang susugurin ko na siya ng sapak ay halos magkandarapa siyang tumakbo kaya napangiti ako habang umiiling.

Napalingon-lingon ako at ng hindi ko na makita si Cloud ay bumalik ako sa likod ng building kung saan ako dinala ni Freak at wala akong naabutan na Cloud Lee.

"Ahem."

"Cloud! Ba't ka ba-- Bryan?"

"Cloud? Who's Cloud?"

"None of your business, Bryan. Anong ginagawa niyo dito?"

Nang ihilig ko ang aking ulo ay nakita ko sina Leader, Killer, Bubble, Blood at ang dalawang langit ng kamatayan.

Pero my isang kulang...

"Oh! Hi Ate Alyx," pagsulpot ni Violet sa likod ni X kaya nakahinga ako.

"Hinahanap ka," rinig kong sagot ni X kaya tumango-tango ako.

"Kailan pa kayo andito? At 'wag niyong sabihin na chineat niyo lang ang guard para makapasok dito?" tanong ko na ikinadilim ng aura ni X.

"'Wag mo ilayo ang topic na bubuksan ko. Bakit ka nandito?" seryoso nitong pagsabi kaya napangisi ako.

"Hindi niyo ba nakita ang Letter ko?"

"Hindi."

Liar. Hindi kayo makakapunta dito kung hindi ninyo nakita.

"Kung hindi niyo nakita ba't kayo nandito? Lahat?" tanong ko.

"Ahm Ate Alyx, nakita namin ang Hand Letter mo. Ano ba ang mga sinabi mo dun?"

Napasapo naman ako ng noo sa tanong ni Violet. Ibang klase nakita nga pero hindi naman binasa.

"You lied to me, Bryan."

Akmang tatalikod na ako ng napaatras ako dahil lahat sila ay nasa harap ko na ngayon pwera nalang kina Bryan at Joanna na nasa likod ko.

"Let's talk in private place."

Rinig kong pag-english ni Bryan at nagpatianod na ako sa kanila.

****

Alexander Point Of View,

Napahawak ako sa labi ko habang inaalaa kung gaano kalambot ng labi ng Nerd na 'yon.

Napangiti ako.

"Uy! Xander! Bakit! Ka! Naka! Ngiti?!'

"Syempre may labi. Lolz," natatawa kong saad kaya tinignan ko ng masama ang nagtanong sa akin at si Justine pala.

"Pre, kahit ano pang mangyari sa 'yo nandito lang kami at nakikiramay," sabi nito na kinakunot ng noo ko. Nandito kami sa loob ng unit at nasa kwarto namin ni Xavier nakapasok si Justine habang ang iba ay ewan ko nanonood ata ng kung ano-ano sa sala.

"Pinagsasabi mo diyan, Justine?" seryoso kong tanong na ikinatawa.naman niya.

"Baka sakaling mabaliw ka na kasi kanina pa kita nakikitang nakangiti habang hawak-hawak mo 'yang labi mo," natigilan siya sandali at matulala parang may nalaman siya na ikinangisi niya. "May nahalikan ka 'no? Sino, pre?" tanong nito kaya muntik ko na siyang mahagisan ng mabigat na unan.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon