Chapter [62]

7.5K 221 22
                                    

Chapter [62] - He's Dead

Sumakay ng elevator ang lahat at nag-hati dahil hindi kasya sa loob dahil marami sila at dalawa naman ang elevator at kailangan pa nilang mag elevator dahil tinatamad silang bumaba ng hagdan para makapunta sa cafeteria at nasa first floor ang cafeteria.

Mero'n namang cafeteria sa second floor pero malayo ito sa ER at puno ang mga pasyenteng kumakain dito.

Pagpasok sa cafeteria ay wala masiyadong pasyente at mabibilang lang ito. Pagkatapos makahanap ng lamesa ay pinag-dudugtong nila ang mga lamesa dahil marami sila at payag naman ang head ng cafeteria at ibabalik nalang sa dati pagkatapos kumain.

Pumili na ang lahat ng makakain at nag-antay ng mga order at hindi naman nag-tagal ang pag-aantay nila at nakarating itong kumpleto at mabilis naman binayaran ito ni X.

Pagkatapos kumain ni Killer ay tumayo na ito at sumunod kay X para makapag-usap.

Alexis Point Of View,

Tahimik na kumakain ako habang ang mag-kambal langit ay nagbabatuhan ng iniwan ni Killer na french fries at si Violet naman ay kumakain ng ice cream na pinili niya at si Blood naman ay naglalaro ulit ng video games sa phone niya habang si Bubble ay natutulog.

Lahat sila ay nakamaskara pa rin kaya mag-tataka ka kung masasama ba sila o hindi pero kung titignan mo ang dalawa na tatawa-tawa habang nagbanatuhan ay parang baliw.

Si Alex?

Katabi ko siya na tahimik na kumakain katulad ko at ng matapos siya ay pinapanood nalang niya ang mag-kambal langit ng kamatayan sa pag hahagis kung saan-saan ng french fries,

"Ate," tawag pansin sa akin ni Violet kaya nilingon ko siya ng nagtatanong na mata at tumayo naman siya para makalapit sa akin at gumitna sa amin ni Alex.

"Samahan mo 'ko, Ate Alexis," sabi niya at hindi na niya ako inantay na makasagot at hinila na ako palabas sa cafeteria at bago pa kami makalabas ay sinenyasan ko si Blood na tanging lumingon sa amin na 'Sasamahan ko muna si Violet' at tumango naman siya at nag-patuloy sa paglalaro sa phone niya.

Nang may makasalubong kaming nurse ay nag-tanong si Violet kung saan ang comfort room at itinuro naman niya ito at nag pasalamat si Violet sa nurse bago kami nag-tungo sa comfort room.

Nakita ko ang pag-pasok niya sa isang cubicle at sa labas lang ako ng comfort room nag-antay at nakita ko naman ang pag-labas ng iba kasama si Alex sa cafeteria kaya ibig sabihin ay tapos na sila sa pag-ligpit ng lamesa at tapos na silang lahat kumain.

Gabi na at mag-uumaga na kaya nakaramdam ako ng antok, napalingon ako sa lumabas sa comfort room at si Violet pala ito na nakasimangot.

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong niya sa akin at umiling ako bilang sagot.

"Tara na baka lumabas na ang doctor sa ER," pag-iiba ko ng topic at nag-papadyak naman siyang naglakad pabalik sa upuan kung saan ang Emegency Room.

Ganoon pa rin sa sahig umupo si Blue at Violet habang nakatayo sa gilid ng upuan si Alex at ang iba ay katabi ko't natutulog habang si Blood naman ay panay laro sa phone niya.

Napatayo kami ng biglang lumabas ang isang doctor na lalaki na nasa mid 30's na.

Hindi pa nagkapag-salita ang doctor ng makita namin na seryosong nag-lalakad sila Killer at X palapit sa amin at liningon naman ni X ang doctor at parang nagkikipag-usap sa isip.

Malungkot na tinanggal ng doctor ang mask niyang puti sa bibig at tumingin sa amin.

"We did our best but--"

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon