Chapter [39]

10.6K 306 5
                                    

Chapter [39] - Summer Hell Week

"Psst!"pagtawag sa akin ni ate Kath kaya tinignan ko siya.

"Nandoon siya."sabi niya at maytinuro kaya tinignan ko ito.

Si Hazel ito at palingon-lingon hinahanap ata ang isang Alexavier Monteverde

Napasapo ako kung bakit ko siya iniwan. Tumayo na ako pero bago pa ako makapaglakad ay pinigilan ako ni Axel.

"Leader I think she need a jacket."sabi niya at hinubad ang jacket niya at binigay sa akin tinignan ko naman si hazel at nilalamig siya. Teka? Hinubad ba niya ang jacket na ibinigay ko?

Tsk. Stupid.

Lumapit naman ako at tumigil sa likod niya at kita ko kung paano niya yakapin ang sarili niya.

Kasunod ng jacket ay niyakap ko siya kaya gulat na tinignan niya ako.

"A-alex anong ginagawa mo?"tanong niya at namula naman ata ako sa ginawa kong pagyakap sa kanya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap.

"Nilalamig ka at kailangan mo ng jacket at baka kulang pa yakap ko ang kailangan mo at alam mo?"

"Hindi ko pa alam Alex hindi pa."pamimilosopo niya at napa-'psh' nalang ako. "Sige na ituloy mo na."sabi niya.

"Libre pa."dugtong ko at siniko naman niya ako.

"Corny mo. Bumili ka nalang ng corn baka maging kayo pa."sabi niya at naglakad na pabalik sa VIP table at tahimik na sumunod ako.

"*Ehem* sabihin niyo nga sa akin ang tungkol sa nangyari kanina?"bungad na tanong ng ate ni hazel.

"A-ah yung--"hindi na natuloy ni hazel ang sasabihin nila dahil lahat sila ay ang dumugtong.

"Yakapan niyo."sagot nila pwera nalang kay kuya na nilalaro ang red wine.

"Walang ibig sabihin yun."sabi ko at halos mamula ang mukha ko pero tinuon ko nalang ang pansin ko sa isang cake.

"You're turning red bro!"kantyaw ni Kevin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayos lang sa akin yun bro kung papayag ang ate niya."makahulugang wika ni ate alexa at tinignan naman siya ni Kath.

"Seriously? Kung ako ang tatanungin..."tinignan niya naman kaming dalawa dahil magkatabi kami ni hazel.

"Ayos lang basta wag mo lang siya sasaktan."

"Boom!!!!!"sigaw nilang lahat na ikinahulog ko sa upuan.

Pucha! Nagulat ako dun ah. Napuno ng tawanan ang table at tinulungan naman ako ni hazel na itayo.

Ng mag holding hands kami ay isa lang ang narinig namin.

"Uyyyyy!!!"kantyaw nila at sinamaan ko naman ng tingin ang kagrupo ko at nanahimik naman sila---ng nakangiti.

Matapos ang gabing ito ay kita ko kung paano sumimangot ang kuya ko dahil wala siyang naisayaw pero nasaan ang alexis na tinutukoy ni ate lexa? At nasaan siya?

Alexis Point Of View,

Halos oras-oras ay hindi ako mapakali sa higaan dahil naaalala ko na naman at nagpa-flashback sa akin ang sinabi ni freak.

"Girlfriend na kita nerd."

"Girlfriend na kita nerd."

"Kailangan kita."

"And I'm you're boyfriend."

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon