Chapter [59]

6.8K 200 14
                                    

Chapter [59] - I'm not the Killer

"Argh!"

Nilingon ko ang bumaril kay Jake sa braso at si X pala ito at nang mabitawan ako ni Jake ay may pag-kakataon na akong lumaban kay Jake pero pinili ko na sinapain nalang palayo ang baril na hawak niya at nawala na ang pagseryoso ko sa laban namin ni Jake ng may lumapit na kalaban ulit.

"Alam mo naman kung gaano kasakit mamatay, hindi ba?"

Boses palang ay mahina na kalaban itong kaharap ko dahil pinapalabas niyang matapang siya. Hindi na ako nag-sayang ng oras at sinalubong ko na siya ng katanang hawak ko at ng lingunin ko siya ay naliligo na siya sa sarili niyang dugo.

"Ikaw ngayon ang tatanungin ko. Malalaman mo na kung gaano kasakit mamatay, 'di ba?" tanong ko at hinagis papalayo ang hawak kong katana at hinarap ang nahihirapan na kalaban. "You can now rest in peace, Katana."

"Hahahaha! 'Wag mong lukuhin ang Leader ng Silver Wolf dahil simula ng makalaban kita alam ko at tama ako sa hinala ko na ang Andria na nakalaban ko at Black sa grupo ng Black Hell Gang ay iisa."

"Andria is Andria and Black is Black, Katana," matigas kong pag-kakasabi at umalis na sa harap niyang nanghihina.

Nag hahanap ako ng makakalaban ng makaramdam ako na may nakatutok na baril sa likod ko.

"Hindi mo pa nababayaran ang kasalanan mo, Smith."

Nag-surrender sign ako at nakangising humarap sa kanya at nawala ang ngisi ko ng maging pamilyar sa akin ang mukha niya.

"Tanaria?" tanong ko at baliw na tumawa naman siya ng banggitin ko ang pangalan niya at sa pag-tawa niya ay ang pagpatak ng luha niya. Naalala ko na may isang taong nag sabi sa akin na kapag ang isang tao ay tumatawa ng walang dahilan ibig-sabihin malungkot 'yan.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit mamatayan ng taong mahal ko," umiiyak na sabi niya habang pinag-lalaruan ang baril na hawak niya.

"Hindi ko naman tinatanong kung 'Masakit bang mamatayan ng taong mahal mo?' at bakit parang sa tono ng pananalita mo ako ang killer?" saglit na natigilan ako at naalala ang lahat ng mga Death Threats na binibigay sa akin ng misteryosong lalaki sa MA.

"Hindi pa ba sapat sa 'yo na makakita ng patay ng kuting sa locker mo? Hindi pa ba sapat sayo na nakakakita ka ng papel na ginawang tinta ang dugo ng hayop? Hindi pa ba sapat sayo ang lahat ng 'yon? Hindi rin pa sapat sayo na nakapatay ka ng taong mahal ko?" sunod-sunod na tanong niya at naiiling na napaupo ako habang iniinda ang sakit sa ulo ko na parang may-alaalang gustong bumalik sa utak ko.

"Mukhang hindi pa sapat sayo ang lahat ng 'yun."

"Tama na! Argh!" sigaw ko at pilit na binabaliwala ang gustong kumawala sa mga hindi ko matandaang ala-ala.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa kanya dahil pag-katapos mong sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin ay mag-paalam ka na sa mundong 'to," kahit masakit ang ulo ko ay nilingon ko kung saan nanggagaling boses na nag-salita at si Dark habang may nakatutok na baril kay Tanaria.

"Ha! Kung kaya mo, Dark," sabi niya at sa isang iglap ay nawala siya sa paningin ko at tinulungan naman ako ni Dark na tumayo at pinaupo malayo sa mga kalaban at pansin ko rin na kunti nalang ang mga kalaban.

"Ba't mo siya pinakawalan. Bakit hindi mo nalang siya pinatay!?" galit na tanong ko at ininda ang sakit ng ulo ko.

"Hindi ko alam?" tanong na sagot ni Dark habang may hinahanap sa maliit na bag na nakasakbit sa bewang niya at ng mahanap niya ito ay binigay niya sa akin ito, capsule.

"Inumin mo 'to," sabi niya at nag-taka naman ako kung saan niya ito kinuha pero hindi na ako nag-tanong pa at nang inumin ko ang tubig pagkatapos kong ilagay sa bibig ko ang gamot ay nawala ang sakit sa ulo ko.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon