Chapter 8

16.8K 513 53
                                    

Chapter 8

ALEXIS

*Bzzzzzzzzt* *Bzzzzzzzt*

Kinuha ko agad ang phone ko habang nagpapatuyo ng buhok. Kakagising lang namin at dumiretso agad ako sa CR para maligo ayos na rin ang ginawa ko para hindi kami masyado mag-unahan gumamit ng CR.

From:099********

morning

Napasimangot ako ng mabasa ko kung sino ang nagtext baka sila Sky ulit 'to. Wala na akong time para itanong kung sino to atsaka wala rin akong load.

"Guys, ang colorful ng mga suot natin na jacket ah," hindi makapaniwalang saad ni Liza.

"Except kay Alexis," sabay tingin nila sa akin kasi ako lang ang naka-itim na jacket na may print name na BLVCK.

"Problem? Wala kasi akong colorful na jacket at hindi ko type ang colorful," sabi ko at ibinaba na ang phone ko.

Tumango nalang sila at nag-iba nalang ng topic. "Sophia, nakapunta na kayo sa Infinite Rooftop?" tanong ni Liz.

"Oo," sagot ni Sophia habang naglalagay ng earpeace sa tenga niya. Ganun din ang ginawa ko-inenjoy ang sarili ko sa tugtog.

Mayamaya ay nakalabas na rin si Bea at hindi na ako nagkamali dahil pink rin ang suot niya katulad ng suot ni Stella.

"Kaya pala kayo nag-ingay kagabi dahil sa sinabi ni Stella na mag jogging kayo," sabi ni Bea habang nagbo-blower ng buhok.

Lahat sila ay nagsign ng peace. "Sorry akala namin nasa deep deep sleep ka na," sabi ni Liza.

"Tsk. Akala mo lang 'yun."

"Hula ko marami na ring nagjojogging sa labas at nagiikot-ikot," Banggit ni Bea at sumilip sa bintana ng kwarto. Tanaw kasi dito ang labas at makikita kung ano ang ganap sa labas.

"Siguro nga. Maaga na eh. Marami na ring gising." Sang-ayon ni Liz.

"Pwede na ba tayo mag-jogging?" tanong ni Stella. Nakain na naman ito ng favorite niyang marsmallow kaya tumataba dahil sa sweets.

"Alexis, hindi ako mataba ah," sabi ni Stella na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Wala akong sinsabi ah. Mind reader ka ba?" nakakunot noong tanong ko.

"Hindi malakas lang talaga ang pag-iisip mo," sabi niya. Napa-tsk ako at binaling na ang tingin ko sa iba.

"Ano pwede na?" ulit na tanong ni tabang Stella at tiningnan ako ng masama kaya sinamaan ko rin siya ng tingin at siya rin ang unang bumigay.

"Pwede na," sabi ni Bea at imikot muna sa salamin bago magsuot ng jacket na pink.

Sabay-sabay na kaming lumabas at ni-lock muna ni Sophia ang door at sinundan na kami.

*TING*

Pumasok na kami sa elevator.

"Treat daw ni Bea sa Café Bonjour," biglang saad ni Liz.

"Che! Hindi ako mangte-treat baka ikaw," sabi ni Bea.

"Nah! Kaya ko nga sinabi na ikaw mangte-treat kasi wala akong pera pang-treat," sabi ni Liz at nagkibit-balikat.

"Si Stella nalang ang mangte-treat," sabi ni Bea kaya lahat kami ay napatingin kay Stella.

"What?" tanong ni Stella.

"Ikaw daw mangte-treat sa Café Bonjour," sabi ni Tiffany.

"Oh sige. Walang problema," sagot niya kaya napakalaking ngiti ang nakapaskil sa labi ng dalawa---Liza and Bea.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon