Chapter 24

11.2K 336 9
                                    

Chapter 24

ALEXIS

Lumipas ang ilang linggo na marami pa rin na nakakagulat na nangyayari sa buhay ko pero hindi na ako nag-abala pang isipin ng isipin ang mga bagay na 'yun na lumipas na.

Malapit na gaganapin ang Royal Ball at isa itong kahawig ng isang prom pero pangkalahatan ang Ball na ito.

Kahit na napapasok ako sa gulo na meron sila Alex at mga kasama nito kusa nalang akong nagbibigay ng walang pake sa mga ginagawa nila.

Nakatunganga akong nakasandal sa puno sa garden habang pinagmamasdan ang ulap.

Si Stella naglalaptop kasama si Bea at Liz nanunuod ng isang movie nakisama na rin si Sophia sa panunuod kaya nilakasan ni Stella ang volume ng laptop niya para marinig namin.

Sa gitna nang katahimikan namin sa panonood ay biglang may bumuhos na malamig na tubig sa pwesto namin.

Bigla nalang nawala sa pwesto si Stella at nakita nalang namin na naglakad ito paakyat sa building na katapat namin. Mariin na napapikit ako at kinalma ang sarili ko.

Naghahanap talaga sila ng gulo.

Agad na binigyan ni Stella ng napakalas na sampal ang dalawang clown at sabunot naman kay Sophia.

Maraming salita ang sinasabi ni Stella sa ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan.

"Paki namin kung kanino 'yang laptop na nabasa?" Natatawang saad ni clown one kaya nakatanggap siya ng magkabilaang sampal galing kay Stella na ikinangisi ko.

Biglang kinuha ni Sophia ang phone nito at may tinawagan, "Ms. Dean, may sumira sa laptop niyo. Wala raw siyang pake kung sino ang nagmamay-ari ng laptop. Yes, Ms. Dean. Okay." Rinig kong sambit nito at nawala ang tawanan ng dalawa sa narinig.

"Stop joking around! Paano naman mapupunta sa inyo ang laptop ni Dean eh araw-araw niya itong kailangan?" Tanong ng isa sa kanila na hindi ko masyado makita.

"Oh baka naman tinatakot mo lang kami?" Tanong ng isa sa kanila.

"Matakot na kayo pagdating ni Dean galing France. She told us to make a set decoration for the upcoming royal ball of the school and guess what did you do? Sinira niyo. Ayos lang sana kung kaya niyong ibalik lahat ng ginawa namin sa loob ng tatlong oras." Sambit ni Stella.

Mukhang nagulat naman ang dalawa at napayuko sila.

"What's happening here?" Isang pamilyar na boses ang nag-agaw ng atensyon ng lahat at napaangat naman ako nang kilay nang makita si Alex na inakbayan ang isa sa clown.

"Stella, ano bang ginawa ni Gabriella sa inyo at pinagsisigawan niyo siya?" Inis na tanong ni freak kay Stella at napangiti lang si Stella.

"Siya ang tanungin mo kung bakit ko siya sinisigawan." Nakangiting sagot ni Stella at mukhang nagulat naman si Gab sa sinabi niya at inikot-ikot ang tingin at mukhang nag-iisip ng ipapaliwanag kay Alex.

"I don't know, Babe. They're blaming us about what happened to their laptop na wala naman kaming kinalaman." Ani nito at umakting na lumuha. Mahinang pumalakpak naman ako sa nakita.

"Stop lying will you! Maraming nakakaalam sa totoong nangyari kaya h'wag kang magsinungaling." Sambit ko dito na ikinatigil ng pag-acting ni Gab, "Hindi ako bulag para hindi makita na sadya mong itinapon sa pwesto namin ang tubig na galing dito!" Inis na sambit ko at sinipa ang baldeng gamit ni Gab na nagbigay ng ingay sa tahimik na hallway.

"Tell me the truth, Gab. Totoo ba sinabi ni Nerd na binasa mo ang laptop ni Dean?" Tanong ni Freak.

Umiling naman bilang sagot si Gab at napatingin naman sa amin si Freak na nakakunot ang noo niya. "Paano naman napunta sa inyo ang laptop ni Dean eh nasa France siya ngayon?" Tanong niya sa amin.

"We're planning for the ball decoration at sa amin ibinigay ni Dean ang trabaho na 'yun." Paliwanag ni Tiffany.

"They're just watching movies." Singit naman ni Gab na sinasagad na ang pasensya ko.

Nagpalitan ng tanong at sagot ang magkabilang panig at kinuha ko ang balde na kanina ko sinipa at hinagis ito dahilan para magkaroon ng malakas na ingay na nagpatigil sa dalawa.

"Humarap nalang kayo sa korte kaysa ipagpatuloy ang away niyo rito." Walang emosyon kong sagot at tumalikod na pero napatigil ako sa sinabi ni Stella.

"Bweset! Kausapin mo si Dean mo at hindi puro tanong ang itadtad mo sa harap ko!" Bulyaw ni Stella at nagmartsa paalis sinundan naman namin siya at hindi na niya napigilan at nasuntok niya ang punong sinuntok ko nuon.

"Aw! Ano ba?"

Nagulat kami sa lalaking nakasandal sa puno na sinapak ni Stella at si Arthur pala ito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Stella at naikuyom ang kamao nito na namumula sa pagkakasuntok.

"Watching something nice and interesting fight scene kanina. Ang galing ni Nerd magpatahimik." Ani ni Arthur at kinindatan ako. Napairap nalang ako at tinignan ang laptop na wala nang buhay.

"Alexis."napalingon naman ako kay Arthur nang tawagin niya ang maganda kong pangalan.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"H'wag mo tiisin 'yang galit. Ilabas mo 'yan." Nakangising sambit ni Arthur at sinalubong ako ng sapak pero nasanggi ko lang ito.

Tumingin ako kay Arthur sabay ngisi.

Si Arthur na ang sumugod at sinalubong niya agad ako ng isang malakas na sipa sa tagiliran ko na hindi ko nailagan dahil sa lakas at buti nalang at naibalance ko pa ang sarili ko kaya nakatayo ako ng maayos.

Sorry pero pinakita mo agad ang lakas mo.

Siya na naman ang sumugod at hindi na ako nagtagal pa at sinalo ng palad ko ang kamao niya na hindi gumagalaw sa pwesto at bigla ko naman siyang binalibag gamit ang isa kong kamay.

Napadaing naman siya at halata sa mukha niya ang pagkagulat sa ginawa ko ngumisi siya pagkatapos na ikinakunot ng noo ko at ngayon ko lang naramdaman na ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay kong nakahawak sa kamao niya at agad niya naman akong binalibag at napaupo naman ako sa ginawa niya.

Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Arthur, "Ibang klase ka talaga Ms. Fortalejo at kaya mo pang gumalaw sa ginawa kong pagsipa sa iyo." Natatawa niyang saad.

"Bakit? Wala pa bang nakakagalaw mula sa pagsipa mo nang malakas sa kalaban mo?" Tanong ko sa kanya. Alam kong malakas ang pwersa ng sipa na binigay nito na kayang mapabali ang isang buto.

"Kasing lakas mo si Black." Rinig kong bulong nito na narinig ko naman. Binigyan ko ito nang ngisi at umupo na.

"Nasaan ang salamin ko?" Tanong ko at wala na akong pakialam kung nakita nila akong walang salamin.

"Alexis, it's broken. Naapakan mo ito nang maglaban kayo ni Arthur." Sagot ni Stella at inabot sa akin ang basag na salamin.

"Saan pwede makahanap nang kapareha nito?" Tanong ko kay Stella.

"Sa Mall." Sagot ni Arthur, "Sasamahan na kita. May kakilala ako na pwedeng magbigay sa 'yo na kapareha ng nabasag mong salamin."

"Mauna na ako, Stella. Sasamahan daw ako ni Arthur bumili." Sambit ko at nagpaalam na.

"Wala namang grado ang salamin mo bakit kailangan mo pang magsuot ng salamin?" Tanong nito at hindi ko na nagawang sagutin ito at dumiretso sa lugar na pupuntahan namin.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon