Chapter [58]

7.4K 205 18
                                    

Chapter [58] - Is this is 'The End'?

Alexis Point Of View,

Ibinaba ako ni Manong sa tamang address at nag bayad ako bago bumaba ng mawala na sa paningin ko ang taxi ay nag lakad na ako papunta sa HQ.

Pumasok na ako sa HQ pero bago pa 'yun ay may trip pa ang mag-kambal langit ng kamatayan sa pinto dahil kung ano-anong tanong ang tinanong nila kaya dahil nainip na ako at nasipa ko ang pinto kaya nauntog ang dalawa sa pinto ng bumukas ito dahil sa sipa ko.

"Bweset kayong dalawa! Umalis nga kayo!" sigaw ko at hinagis sa center table ang bag na dala ko.

"Saan naman kami pupunta? Sa New York? Libre mo ba? Payag kami diyan!" sabay na sabi ng dalawa at nag-apir pa kaya hindi ko napigilan na ilabas ang nakatagong baril sa pants ko at itutok sa kanila.

"Mag-salita pa kayo at hindi talaga ako mag dadalawang-isip na kalabitin itong gatilyo ng baril na hawak ko," sabi ko sa dalawa at umalis naman sila sa harap ko at nag punta sa kwarto ni Bryan.

Pabagsak na napaupo ako sa sofa at hinilot ang sentido ko at nakita ko naman na may nag-lapag ng mug ng cape sa center table kung saan nakalapag ang bag ko at may isa rin na nag-lapag ng isang cup ng ice cream sa center table kaya ng iangat ko ang ulo ko ay si Bubble at Violet pala ito.

"Mag kape ka muna," sabi ni Bubble.

"Mag ice cream ka muna," sabi naman ni Violet at sabay silang naupo sa isang sofa.

"Gusto niyo ba akong mag-kasakit?" tanong ko at umiling naman sila na parang bata at kinuha nalang nila ang nilapag nila pero bago pa makuha ni Bubble ang kape ay kinuha ko na ito at ininom.

"Si Leader, nasaan?" tanong ko.

"May kausap," sagot ni Violet at napalingon naman kami sa lumabas na Leader sa kanyang kwarto habang may kausap sa phone niya at nag makita niya ako ay sinabi niya sa kausap niya na, "Nandito na pala siya, bumalik ka nalang," at binaba na niya ang tawag.

"Sinundo ka ni Bryan at nahuli na siya ng dating dahil akala niya mamaya ka pa babalik dito," sabi ni Leader at tumango lang ako.

"Sila Killer at Blood, nasaan ang dalawang 'yun?" tanong ko at tinuro naman ni Leader ang laboratory room kaya napatango nalang ako.

"Leader! Leader! Leader!"

Napalingon naman kami kay Blue at Sky habang tumatakbo patungo sa kinatatayuan ni Leader at huminga muna ng malalim ang dalawa bago mag-salita.

"May nagtangkang lumason kay Red sa HK at dahil expert siya sa mga amoy ng lason ay pinalitan niya ang iniinom niyang wine na bigay ng isang bartender sa bar na pinuntahan ng pinsan niya," kwento ni Blue at tumango naman si Leader.

*Blaaaaaaag*

Hindi ko na nilingon ang taong sumipa sa pinto katulad ng ginawa ko kanina dahil kilala ko naman kung sino ito at naupo naman ito sa sofa na inuupuan ko at ininom ang mug ng kape na ininom ko kanina kaya napasinghap ang dalawa sa harap ko walang iba kundi sila Violet at Bubble.

"Bakit?" seryosong tanong ni Bryan sa dalawa at ng tignan ko sila ay pinanlakihan ko sila ng mga mata kaya itinikom nila ang bibig nila at umiling-iling nalang.

"Alexis, wala ka bang nakalimutan?" tanong ni Leader sa akin at tumango lang ako at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Leader sa akin at tinuro ko ang laboratory at iniba ang turo ko papunta sa kusina para mag-timpla ng kape.

"Uy! Black! Ano'ng maitutulong namin sa 'yo?" tanong ng mag-kambal langit ng kamatayan at inirapan ko lang sila at kumuha ng mug at inilapag sa coffee machine at nag-antay ng limang minuto.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon