Chapter 6

18.4K 534 23
                                    

Chapter 6

ALEXIS

Nandito kaming lahat papunta sa Infinite Rooftop as in lahat kasi sinama ni Jake ang mga ka-grupo niya. Buti hindi sila umangal.

Saglit lang nawala sila Jake dahil may-binili at ng makasakay na kami sa elevator ay ang ingay sa loob. Buti nalang wala pa 'yung Alexander na 'yun.

Hanggang sa makarating kami sa taas at bumungad sa amin na mga padlocks na naka-lock sa kung saan sa paligid.

"Alexis, ito ang sayo," sabi ni Sophia at binigyan ako ng isang padlock.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya.

"Titigan. Malamang sulatan mo kung anong hiling mo or best experience mo," sagot niya at may-sinulat sa padlocks niya, color pink ang binili ni Sophia na padlock at parehas lang kaming apat habang ang boys ay blue.

Walang black?

"Fine," bored na saad ko at humiwalay ako sa kanila para mag-isip ng isusulat sa padlocks habang nag-iisip ako napapangiti ako sa mga nakasulat sa padlocks na nakikita ko.

"Ano kaya ang isusulat ko? Aha!" kinuha ko na ang pen at isinulat ang gusto kong hilingin.

'Sana maging masaya ang normal na araw na mararanasan ko'

Kumuha ako nang isa pang papel at tinakapan ang isa kong papel na nilagyan ko nang unang hiling ang sumunod na sinulat ko ay... "Sana maging normal ang school life ko."

'Yan lang ang na-isip ko at pumunta na sa mga kaibigan ko na ngayon ay sinusulat ang mga hiling nila.

"Tapos na ako!" sigaw ni Jake at lumapit sa akin.

"Tapos ka na?" tanong niya sa akin.

"Hmm," sagot ko sa kanya at tumango.

"Tara. Ilock na natin ito," sabi niya at kinaladkad ako. 'Di joke lang! Hinila lang niya ako papunta sa mga locks.

"Mamili ka sa dalawa, Alexis. Sa railings or sa kulungan ng ibon?" tanong niya.

"Kulungan ng ibon?" tanong na sagot ko.

"Tsk. Lahat tayo mag-lolock sa isa sa pipiliin mo para makita agad kung saan ang locks mo-natin," sagot niya.

"Okay, sa kulungan ng ibon tayo," bored na sagot ko.

"Guys! Tapos na ba kayo diyan?" tanong ni Jake.

"Patapos na, kumuha na ba kayo na lolock-an ng padlocks natin?" tanong ni Stella.

"Kukuha palang," sagot ni Jake.

"Kumuha na kayo," sabi ni Stella at tinaboy kaming dalawa ni Jake.

"Saan tayo kukuha ng kulungan?" tanong ko.

"Sa police station," sagot niya at ngumiti pero sinimangutan ko lang siya na ikina-lungkot niya.

"Doon lang oh. Hindi ka naman mabiro," sabi niya at tinuro kung saan ay may-nag titinda ng mga kulungan ng ibon. May good side rin pala 'tong Silver Wolf ngayon ko lang nalaman. Oo as in NGAYON ko lang nalaman.

"Cool," ang komento ko at ipinakita kay Jake ang nakita kong kulungan, "E ito, Jake. Pink half blue, payag ka?" tanong ko.

"Okay na 'yan, ah, Miss, magkano po ito?" tanong niya sa babaeng nagtitinda.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon