Tahimik ang paligid na animo'y ayaw makisabay sa pighating bumabalot sa mansion ng Falerio. Walang sino man ang gustong bumasag sa katahimikan, tikom ang mga bigbig at walang tigil sa pag-agos ang mga luha.
Sa isang silid hindi na lalayo sa kinaroroonan ng lahat ay isang batang babae ang tahimik na umiiyak sa gitna ng silid na animo'y naging batis na ng dugo. Nagkalat ito sa buong carpet at sa dulo ng silid ay isang katawan ang wala nang buhay ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ang dugo sa katawan nito. Ibig sabihin ay hindi pa ganoong katagal simula nang mamatay ito.
Tumigil sa pag-iyak ang batang babae nang maramdaman na hindi na siya nag-iisa sa kaniyang silid. Dahan dahan niyang nilingon ang pigura ng isang matandang lalaki na noon ay nakalapit na sa walang buhay na katawan sa dulo ng kuwarto. Ramdam na ramdam ng batang babae ang labis na pighati ng lalaki habang pinagmamasdan ang bangkay. Pilit nitong pinipigilan ang maluha.
Lalo tuloy lumandas ang mga luha sa mga mata ng bata, gustuhin niya man ay hindi niya magawang lapitan ang lalaki... labis labis ang sakit na nararamdaman niya hindi lang dahil sa karumaldumal na tanawin kung hindi maging sa kaibuturan niya.
Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang paglapit ng lalaki sa kaniyang puwesto. Hindi siya nag-angat ng tingin at nanatiling itinuon ang pansin sa mga duguang kamay sa kaniyang harapan. Hindi niya magawang pigilan ang paglandas ng mga luha sa kaniyang kanang mata.
"Katherin..." narinig niyang tawag ng matandang lalaki ngunit hindi niya pa rin ito tiningnan.
"Halika na aking apo... nakahanda na ang lahat para sa birthday mo. Hinihintay na nila tayo sa dining. Kailangan mo nang hipan ang birthday cake mo, apo." malumanay na sabi nito. Puno ng lambing at pagsusumamo.
Kahit hindi siya nakatingin dito ay ramdam niya na nakangiti ito habang sinasabi iyon. Pilit na pinagagaan ang sitwasyon para sa apat na taon na bata... Ngunit hindi ganoon kadali ang lahat.
Dahan dahan niyang tiningnan ang lalaki. At napatunayan niya na tama siya dahil may ngiti sa mga labi ito habang naka-abot sa kaniya ang kanan kamay. Naka-amerikana ito at halatang pinaghandaan ang okasyon nang araw na 'yon. Tiningnan niya ang sariling damit, nakapantulog lang siya. Malayong malayo sa klase ng suot nito at higit sa lahat ay nababahiran siya ng dugo... Maraming dugo.
Muli niyang ibinalik sa lalaki ang kaniyang tingin. Kahit na nakangiti ito ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang kasawian na kagaya ng nararamdaman niya ngayon.
"Hindi ako si Katherin... dito lang ako." walang emosyong sabi niya at tinalikuran ang lalaki. Pumunta siya sa sulok kung saan naroon ang bangkay ng isang babae. Tumigil na ang pag-agos ng dugo mula sa katawan nito. Umupo siya sa tabi nito at walang emosyong pinag-masdan ang bangkay.
Muling naglandas ang mga luha sa kaniyang mga mata ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay. Humiga siya sa tabi ng bangkay at niyakap ito.
"Pahinga kana... Mommy." kasabay noon ang pagpikit ng kaniyang mga mata.
Umaasa na sa muling pagmulat niya ay panaginip lang ang lahat.
******************
HELLO!!!!
This is my story and I really hope you'll like it. Medyo creepy pero hindi naman siya horror... basta asahan niyo na lang ang mga hindi inaasahang eksena dahil kahit ako hindi ko inaasahan ang mga eksenang susunod....
Eneweys... Salamat sa pagbasa nito. Luv u'll!!!!
An Nyeong!!! BAM!!!
-AdetteBlume
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...